Sikat na aktor namakyaw ng life-size toys na worth PHP50K each

by PEP Troika
Feb 21, 2021
Sino si sikat na aktor na namakyaw ng life-size toys na worth PHP50K each? Clue: Mahilig ito sa online games.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Naging libangan ng isang yayamaning businessman ang isang MOBA (multiplayer online battle arena) game nitong panahon ng pandemya.

Dahil bongga pa rin ang negosyo niya, can afford siyang bumili ng life-size toys kaugnay sa game. Andaming toys na pagpipilian sa toy store sa isang sosyaling mall.

Pumili muna ang yayamaning businessman ng tatlo, na ang halaga ng bawat isa ay PHP50,000. Makalipas ang tatlong linggo, bumalik ang businessman sa toy store para madagdagan ang koleksiyon niya.

Na-shookt ang businessman dahil ubos na ang toys na gusto niya. Bang! Bang!

Pinakyaw ang toys ng isang sikat na aktor na mahilig din sa online games.

Napag-alaman ng source ng PEP Troika na hindi pa nakuntento ang sikat na aktor sa life-size toys na pinakyaw sa mall. Umorder pa ito ng karagdagang toys sa China.

“Parang mga poon ang life-size toys na naka-display sa bahay ng sikat na aktor,” pagbubunyag ng source ng PEP Troika.

Continue reading below ↓

In fairness sa sikat na aktor, generous ito sa pagdo-donate sa mga less-fortunate people mula noon pa, bago lumaganap ang coronavirus.

Palagi siyang nagse-share ng blessings sa kapwa.

NOEL FERRER

Nakakatuwa at collector pala talaga ang actor na ito at magaling na gamer pa.

Hinihintay ng marami ang time na magkaroon na ito ng life-size partner. I’m sure, magiging napaka-loving at generous din nito sa kanyang magiging partner, like he is to other people. Truly he is an overgrown kid na sana ay ma-in love na ulit.

May chance kaya itong ma-in love sa classmate kong available pa naman yata...dahil wala pa namang inaaamin publicly na love life (at ayaw nating mag-assume).

What do you think, Tito Gorgy?

GORGY RULA

Sabi nga sa amin ng businessman na bumili nung tatlong toys, palibhasa, walang love life si sikat na aktor kaya doon na lang sa kinahuhumalingang game at toys ibinuhos ang oras at kadatungan nito.

Continue reading below ↓

Sabi naman sa amin ng ilang close kay sikat na aktor, ipinanregalo ang ibang toys o kaya papremyo kapag may games sila.

Nakikita naman natin minsan na ipinu-post ito ni aktor sa social-media account niya. Kinaiinggitan nga ang sikat ng aktor ng ibang boylets na mahilig ding mangulekta ng mga ganoong toys.

Pero sana, matupad ang wish ng karamihan na magkaroon na siya ng seryosong kinahuhumalingan—ang magka-girlfriend—hindi iyong puro laro na lang.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino si sikat na aktor na namakyaw ng life-size toys na worth PHP50K each? Clue: Mahilig ito sa online games.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results