GORGY RULA
Pinabulaanan ni Ara Mina ang lumalabas na kuwentong gagastusan nang husto ang kasal nila ni PITC Undersecretary Dave Almarinez.
Naka-text ng PEP Troika ang aktres para klaruhin kung totoong sa reception ay malaki na ang gagastusin nito. May lumalabas kasing kuwentong halos P10,000 per plate daw ang gagastusin sa reception pa lang.
Mariin itong itinanggi ni Ara.
“Regarding sa mga lumalabas, walang katotohanan yun. In fact, wala pa kaming napa-finalize sa wedding at dun sa reception,” text ni Ara sa akin hapon ng Martes, February 23.
Hindi raw sila gagastos ng ganun kalaki. Pero sinabi ni Undersecretary Almarinez na ibibigay niya kay Ara ang dream wedding nito.
Sinabi naman ni Ara sa nakaraang interview namin sa kanya na may naiisip na siyang theme at konsepto ng wedding, pero hindi raw magastos.
Totoo bang sa Abril ang balak nilang wedding?
Nagsisimula na silang magplano, at ito ang pinagkakaabalahan ngayon ni Ara dahil babalik na naman daw siya sa lock-in taping ng Ang Probinsyano.
JERRY OLEA
Paglilinaw pa ni Ara sa PEP Troika kaugnay sa intrigang magarbo at magastos ang kasal nila ni Dave, “Kung ano ang makakaya namin. Isang beses lang ako ikakasal kaya maayos naman somehow.
“Dave, is a very hardworking man. He wants to give me a nice wedding na deserve ko.
"Nakakataba rin ng puso ang daming mga kaibigan na gusto tumulong sa wedding namin.
“Regarding sa month wala pang final waiting pa kami when makakauwi Ate ni Dave na nasa ibang bansa bilang dalawa lang silang magkapatid.”
Best wishes, Mr. and soon-to-be-Mrs. Almarinez!
NOEL FERRER
OK naman nang lumagay sa tahimik si Ara, she deserves to be happy.
Pero sana, magtagpo ang narrative nila ng fiancé niyang si Dave sa mga interview.
Kasi, sa Metro interview, ang sabi ni Ara, two years na sila.
Si Dave naman, consistent na three years (pati nang mag-guest siya sa Eat Bulaga! recently).
Hindi ba’t three years ago nang mabuking at naisapubliko ang kanilang pasabog na relasyon? (refer to our past PEP stories)
Tatlong taon na rin ang anak ni Dave sa dati niyang karelasyon na kaibigan ni Ara.
Okey namang magkaroon ng masaya at memorable na wedding. Deserved ng sinuman yun.
Pero sana, maging sensitive lang sa panahon ngayon na may pandemya—at may anak din sa kabilang panig na dapat isaalang-alang.