Happy Time, live mapapanood ngayong Feb. 24 matapos magkapatawaran sina Kitkat at Janno Gibbs

by PEP Troika
2 days ago
Magsasamang muli sina Kitkat at Janno Gibbs sa live episode ng Happy Time bukas, February 24.
PHOTO/S: Screen grab from Net25 YouTube

JERRY OLEA

Live ang Happy Time bukas, Pebrero 24, Miyerkules ng tanghali, sa Net 25.

Hindi na ipalalabas ang na-tape na episode noong Pebrero 18, Huwebes, sa Eagle Broadcasting Corporation sa Central Avenue, Quezon City, kung saan absent si Anjo Yllana.

Sa nasabing taping, balitang minura-mura ni Janno Gibbs si Kitkat sa "Kantanungan" segment kung saan kalahok din si Marco Sison.

Nag-walk out si Janno.

Tinapos ni Kitkat ang taping ng buong show kahit mag-isa lang siyang host, dahil isinaalang-alang niya ang gastos ng produksiyon, at ang kapakanan ng mga katrabaho.

Pagka-cut, saka pa lang humagulgol si Kitkat.

Pinatawad ni Kitkat si Janno, at inaasahang dadalo silang tatlo nina Anjo sa live episode ng kanilang noontime bukas.

“Opo, mahirap sa una, masakit sa dibdib. Mabigat pa rin noong una,” paliwanag ni Kitkat sa PEP Troika nitong Pebrero 23, Martes ng gabi, via Messenger.

“Naisip ko si Ate Cherry Pie [Picache]. Pinatay ang nanay niya pero nagawa niyang magpatawad...

Continue reading below ↓

“I grew up na pinapahalagahan ang word of God at lumaking may takot sa Diyos. Humawak ako ng Bible and I chose to be the bigger person...

“Totoo naman lahat ang nangyari. Nasaktan ako nang sobra. Nagalit ang pamilya ko. Pero sino ba naman ako para hindi magpatawad?

“Everybody needs a second chance, kahit sabi ng iba na ilang chance na iyan kay Kuya Janno.

“Pero eto, inisip ko, kausap ko si Lord, paano kung mamatay ako bigla? Hindi ako papatawarin ni Lord.

"Sasabihin Niya, ‘ABA, HINDI MO NAGAWANG PATAWARIN ANG NAGKASALA SA ‘YO, BAKIT KITA TATANGGAPIN?’

“Hindi po bagay sa akin, pero ganun po talaga kami ng pamilya ko. Kaya pati ang mga tao, I spoke for them. Kasi, kako, wala silang boses...”

NOEL FERRER

Okay ang ginawa ni Kitkat na pagpapatawad kay Janno.

Ano kaya ang saloobin ni Janno sa pagpapatawad sa kanya ni Kitkat? Tingnan natin sa live episode bukas kung sisipot si Janno, at kung may eksena sila ni Kitkat.

Continue reading below ↓

Ganyan talaga ang dynamics ng kahit na anong grupo, pero aminin na rin nating good economic decision ang magkapatawaran din sina Janno at Kitkat—para sa gitna ng pandemya, meron pa rin silang regular na trabaho.

GORGY RULA

Bakit naman ikinumpara ni Kitkat kay Cherry Pie? May buhay bang nawala? Ganun na kalala?

"Bawal judgmental" sabi ng Eat Bulaga.

Pero nung nagsimula itong Happy Time, naramdaman ko nang magkakaroon ng conflict.

Sinabihan ko na ang isa sa mga host na mag-ingat sa isa sa mga kasama nila. Pero mahirap nang magbigay ng opinyon dahil hindi pa talaga natin alam lahat ang buong kuwento.

Kasi, parang nagkaipon-ipon na at sumabog na lang sa segment na yun ng naturang programa.

Kung makakarating sana ang isyung ito sa Lunch Out Loud, baka maayos sa segment na "H.O.P. E. (Hindi, Oo, Baka, Ewan)."

Sana pagkatapos ng isyung ito, magkaayos na para nagkakaisa sila sa isang tugtog at isang sayaw.

Continue reading below ↓

Tingnan niyo ang It's Showtime, talagang nagkakasundo sila sa sayaw ng "Chick-a-Boom."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsasamang muli sina Kitkat at Janno Gibbs sa live episode ng Happy Time bukas, February 24.
PHOTO/S: Screen grab from Net25 YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results