Happy Time, hindi pa sigurado kung magla-live ngayong February 24

by PEP Troika
Feb 24, 2021
Isang malaking katanungan kung matutuloy ba ang live episode ng Net 25 noontime show na Happy Time ngayong February 24 dahil hindi pa sigurado kung sisipot ang mga host na sina Janno Gibbs (kanan) at Kitkat (gitna), kasama si Anjo Yllana (kaliwa).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Nakatutok ang entertainment press kung live nga ba ngayong tanghali, February 24, ang Happy Time nina Anjo Yllana, Janno Gibbs, at Kitkat sa Net 25.

Ang buong akala kasi ng lahat, naayos na ang gusot sa pagitan nina Janno at Kitkat, pero tila lumala pa ang gulo.

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, pinapasok na raw silang lahat ngayong araw dahil noong nakaraang linggo ay naka-tape sila.

Ngayon sila dapat magla-live at magti-tape ng ilang episodes.

Sabi ng isang taga-Happy Time na naka-text ko, papasok na sila ngayon pero hindi pa raw nila masabi kung magla-live ba sila.

Pero tiyak na matutuloy ang taping dahil may pinapasok na silang ibang artists para pumalit sakaling hindi pa rin magkaayos sina Janno at Kitkat.

Ang isa sa nakumpirma kong nasa studio na ngayon ng Net 25 ay si Boobsie, na magpi-pinch hit muna kung sino man sa tatlong hosts ang hindi makakaapir.

Continue reading below ↓

Abangan ang di nakaka-happy na kuwento ng Happy Time.

Sana, aware at interesado ang taumbayan sa isyung ito para matutukan din nila ang gulo na ito ng mga host ng naturang programa.

NOEL FERRER

It’s a saga and somehow a running gag na rin sa showbiz observers.

Magla-live ba sila o hindi?

Papasok ba si Janno o si Kitkat nang sabay o isa lang o hindi?

Ano kaya ang reaksiyon ng mga kasama nila sa set?

Sana, sa nangyayaring ito, tumaas ang rating nila at abangan pa lalo ang programa at gumanda pa ito.

Nakakalungkot lang kung hindi.

JERRY OLEA

Bubulaga kaya ngayong lunch sina Janno at Kitkat kapag showtime na ng kanilang noontime show?

Happy or unhappy time ba ito sa kanilang fans and followers?

Abangan ang susunod na kabanata!

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang malaking katanungan kung matutuloy ba ang live episode ng Net 25 noontime show na Happy Time ngayong February 24 dahil hindi pa sigurado kung sisipot ang mga host na sina Janno Gibbs (kanan) at Kitkat (gitna), kasama si Anjo Yllana (kaliwa).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results