Arjo Atayde, kumpirmadong special guest sa sitcom ni Maine Mendoza sa GMA-7

by PEP Troika
Feb 25, 2021
Kapamilya actor na si Arjo Atayde, special guest sa Kapuso blocktimer sitcom na Daddy's Gurl. Sakto ito sa birthday month ng Daddy's Gurl star at girlfriend ni Arjo na si Maine Mendoza (wearing a headband in photo).
PHOTO/S: Screengrab from Daddy's Gurl teaser

GORGY RULA

Kinumpirma ng reliable source ng PEP Troika na si Arjo Atayde ang special guest ng Daddy’s Gurl sa kanilang March 6 episode.

Ang Daddy's Gurl ay ang blocktimer sitcom sa GMA Network na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Likod lang ng isang lalaki ang makikita sa teaser ng sitcom, pero marami na ang humuhulang si Arjo yun.

May ilang hindi naniniwala, at baka raw Kapuso actor ang special guest sa Daddy's Gurl. Kaya may mga nagtatalo na kung si Arjo nga ba yun o hindi.

Marami ang excited sa episode na ito, dahil tamang-tama lang sa birthday celebration ni Maine.

Sa March 3 ang ika-26 kaarawan ni Maine.

Maine Mendoza, Arjo Atayde

Continue reading below ↓

Nagpadala ako ng text message sa ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez.

Hindi naman sumagot ang beteranang aktres kung paano napapayag ang Star Magic na mag-guest sa sitcom ng GMA Network.

Ang Star Magic ay talent management arm ng ABS-CBN, na siyang home network ni Arjo.

Pero independent production naman ito ng M-Zet at APT, at siyempre para naman kay Maine, kaya marahil natuloy ang guesting ng Kapamilya actor.

Base sa comments sa Twitter, marami naman ang natuwa at curious kung may "kilig factor" ba sa screen sina Arjo at Maine.

Unang nagkatrabaho sina Arjo at Maine sa 2018 Metro Manila Film Fest entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles, kunsaan kontrabida si Arjo at katambal naman ni Maine si Coco Martin.

Pero nandiyan pa rin ang mga AlDub fanatics at loyal kay Alden na umaasang makakasama uli ng Asia’s Multimedia Star si Maine.

Puwede pa kaya?

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

Nakakatuwa iyan dahil ngayong pandemya, nakita nating mas naging bukas ang networks at mga programa sa talents na dati’y hindi nakakaapak sa network na hindi nito teritoryo.

Aabangan natin itong pagsasama nina Arjo at Maine sa Daddy’s Gurl na birthday celebration na rin ni Maine.

Tila hindi naman ito hudyat na lilipat ng network si Arjo dahil nakatakda siyang pumirma ng renewal contract sa ABS-CBN.

Kasabay ni Arjo sa pag-renew ng kontrata ang ibang Kapamilya stars na sina Gary Valenciano, Maymay Entrata, Edward Barber, Donny Pangilinan, at Francine Diaz.

Tama rin talagang hindi lahat ng tumatawid ay namamatay!

JERRY OLEA

Mabuhay! Mabuhay ang pagtawid ni Arjo sa Kapuso network alang-alang sa kaarawan ng dilag na nagmamay-ari ng kanyang puso!

Huwag na muna tayong hopia, asado, o expectorant na magtatambal muli sina Alden at Maine.

Ayon sa ating source, malamang sa alamang na si Jasmine Curtis-Smith ang katambal ni Alden sa susunod nitong Kapuso teleserye.

Continue reading below ↓

Kaya ba si Jasmine ang itinambal sa unang installment ng I Can See You na "Love on the Balcony?"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor na si Arjo Atayde, special guest sa Kapuso blocktimer sitcom na Daddy's Gurl. Sakto ito sa birthday month ng Daddy's Gurl star at girlfriend ni Arjo na si Maine Mendoza (wearing a headband in photo).
PHOTO/S: Screengrab from Daddy's Gurl teaser
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results