Watch Now

Anjo Yllana, hindi pa nakakausap ang Happy Time co-hosts na sina Janno Gibbs at Kitkat

by PEP Troika
Feb 27, 2021
Anjo Yllana (left) on former Happy Time co-hosts Kitkat (center) and Janno Gibbs (right): "Nalulungkot lang ako kasi kami yung original, e. Kami yung magkasama nung nag-start. Tanggal na ba talaga sila?"
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Nagulat at nalulungkot si Anjo Yllana sa mga nangyayari sa isyung kinasangkutan ng co-hosts niya sa Happy Time na sina Janno Gibbs at Kitkat.

Ilang beses kong kinulit ang comedian-TV host para magbigay ng pahayag, pero tumatanggi siya dahil hindi raw niya alam ang buong pangyayari.

Absent daw kasi siya noong nangyari ang gulo sa mismong taping ng Happy Time noong February 18.

Noong kausap ko siya sa telepono nung Biyernes, February 26, hindi pa raw niya nakakausap ang dalawa.

“Hinihintay ko na lang na ready na silang pag-usapan,” pakli ni Anjo.

Nagulat siya nang sinabi kong naglabas na ng statement si Janno, at sinabing tinanggal na sila ni Kitkat sa noontime show. Sumunod ding naglabas ng statement si Kitkat, kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang panig.

Hindi rin daw kasi siya kinakausap ng management ng Net 25 kung ano ang plano nila.

Hindi pa rin daw siya sinasabihang papalitan na sina Janno at Kitkat, at kung si Boobsie ang ipapalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pa nila ako kinakausap. Ang alam ko lang, kinausap nila sina Janno at Kitkat, wala naman ako dun.

"Hindi naman ako pinatawag. Wala naman silang sinasabi sa akin,” saad ni Anjo.

Halos araw-araw raw niyang tini-text si Janno kung okay lang ba ito. Lagi raw niyang sinasabihan ang kaibigan na nandiyan lang siya kung gusto nito ng kausap.

“Tini-text ko siya. ‘Kumusta ka na, ‘tol?' Okay naman daw siya.

“Tinawagan ko rin siya once, hindi siya sumagot. Siguro medyo mainit pa… hindi pa siya ready na pag-usapan namin,” sabi ni Anjo.

Kahit si Kitkat ay hindi pa rin daw niya nakakausap.

Akala raw ni Anjo, noong bumalik siya sa live airing at taping ng Happy Time nung Miyerkules, February 24, ay makakasama na niya ang dalawa. Pero hindi dumating sina Janno at Kitkat dahil pinaalis na nga sila ng management.

“Okay naman sina Boobsie, e. Masaya naman.

"Pero siyempre, nalulungkot lang ako kasi kami yung original, e. Kami yung magkasama nung nag-start.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tanggal na ba talaga sila?” tanong pa niya sa akin.

Hinihintay lang daw niyang kausapin siya ng management kung ano ang plano sa Happy Time.

Pero umaasa pa rin daw si Anjo na magkaayos sina Janno at Kitkat, at magsasama sila uli sa kanilang noontime show.

NOEL FERRER

Pwede mong tulungan ang gustong magpatulong.

Marahil, naghihintay lang talaga si Anjo kina Janno at Kitkat na kausapin siya. Sana, may magawa pa para isalba sila sa trabaho.

Kapag nag-sink in sigurado ang katotohanang blessing na magkaroon ng regular na trabaho ngayong pandemya, ang tanong na kailangang bunuin nina Janno at Kitkat ay...“Is this all worth it?”

JERRY OLEA

Kasabihan nga na kung nag-uumapaw ang iyong emosyon, makabubuting manahimik ka. Huwag kang magpadala sa bugso ng damdamin.

Kung galit ka, malamang na makasakit ka at lumala ang sitwasyon.

Kung nagagalak ka, baka may maipangako ka na hindi mo naman matutupad.

KUNG nanahimik lang sana sina Janno at Kitkat...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KUNG hindi sila nag-post ng ano man sa social media...

KUNG hindi sila nagsagutan ng paratang at patutsada...

KUNG! KUNG! KUNG! Kangkong!

Disin sana’y nasa Happy Time pa siguro sila!

Life goes on. Tuloy ang Happy Time sa Net 25.

Aba! Ang Eat Bulaga, mula noong 1979 ay maraming co-hosts ang dumating at nawala!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana (left) on former Happy Time co-hosts Kitkat (center) and Janno Gibbs (right): "Nalulungkot lang ako kasi kami yung original, e. Kami yung magkasama nung nag-start. Tanggal na ba talaga sila?"
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results