Tito, Vic & Joey nag-reunion sa golden wedding anniversary nina Mr. & Mrs. T

by PEP Troika
Feb 28, 2021
Pagkatapos ng isang taon, nagkitang muli ang original hosts ng Eat Bulaga! na sina Joey de Leon, Vic Sotto, at Senator Tito Sotto sa golden wedding anniversary ng kanilang producers na sina Mr. & Mrs. Tony and Mads Tuviera.
PHOTO/S: @angpoetnyo on Instagram

GORGY RULA

Sobrang saya ng original hosts ng Eat Bulaga! na sina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon nang magkita sila sa golden wedding anniversary ng producer nilang sina Mr. and Mrs. Tony at Mads Tuviera nitong Pebrero 27, Sabado ng gabi.

Mahigit dalawampu (20) lang daw sila sa pagtitipong iyon, kung saan sobrang higpit ng venue. Pero mas masaya nga dahil intimate ang selebrasyon pagkatapos ng renewal of vows nina Mr. & Mrs. T.

Kinumusta ko kay Pauleen Luna-Sotto ang pagkikita ng TVJ. Aniya, sobrang saya ng tatlo.

Post nga ni Tito Joey sa kanyang Instagram account: “ONE YEAR NO SEE…naka-face mask pa! Half-face to half-face after a year but HALF-PY to see each other!”

Continue reading below ↓

Sino nga ba naman ang makapag-iisip na sa loob ng mahigit 40 years na pagsasama nila sa studio ng Eat Bulaga, napaghiwalay sila dahil sa pandemyang ito?

Kitang-kita raw sa tatlo na sobrang na-miss nila ang isa’t isa kaya ang saya raw nila nang magkita-kita sila sa celebration ng kanilang producer.

Sabi ni Pauleen, pagkatapos ng isang taon, iyon ang first time na nakalabas si Bossing Vic ng Alabang.

Nakakalabas lang daw ang comedian-TV host kapag naglalaro ng golf na malapit lang sa kanilang tahanan.

NOEL FERRER

Happy Golden Anniversary kina Mr T at Tita Mads, na parang magulang na rin natin na tinitingala sa kabutihan at kasayahan bilang pamilya.

Food and laughter ang nagbubuklod sa pamilyang ito kaya siguro marami nito kahapon, lalo pa’t kasama ang TVJ!

Nakapanayam ko si Joey de Leon sa aking Level Up program sa Radyo Katipunan noong Biyernes.

Buong saya at sigla niyang naikuwento ang kanyang pagpipinta ngayong panahon ng pandemya.

Continue reading below ↓

Ito raw ang nag-sustain sa kanya, at sa pagkalibang niya, nakagawa siya ng 40-50 art pieces na talaga namang may tatak Joey de Leon—unconventional, with crackling energy, visual puns, surprising juxtapositions, at transformation of numbers as images.

Dumalo si Tito Joey sa opening ng kanyang JOEY DE LEON IN THE HOUSE (Art Work From Home) noong February 11 sa Finale Art File sa Makati. Tatagal ito hanggang March 5.

Continue reading below ↓

At least, nakalabas siyang muli ng bahay, na bihira nga nilang gawin ni Vic.

Samantala, si Tito Sen naman ay parang sanay na sa mga public sessions dahil sa trabaho niya sa Senado. Ingat-ingat pa rin kahit parating na ang SinoVac!

JERRY OLEA

As of February 27, Saturday, 4:00 p.m. ay umabot na sa 574,247 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa. 37,093 sa mga ito ay aktibong kaso.

Sa pagbi-Visita Iglesia ko nitong Pebrero 25 at 26, Huwebes at Biyernes, sarado ang ilang simbahan sa Laguna.

Mahigpit ang pag-iingat sa mga bukas na simbahan, na may pa-alcohol at contact tracing.

Iyong Underground Cemetery sa Nagcarlan, sa Marso 2, Martes, pa nakatakdang buksan sa publiko.

As of last Friday, sarado pa ang Taytay Falls, Bucal Falls, at Dalitiwan Resort sa Majayjay. Kaya marapat lang na limitado ang mga pagtitipon.

Pawang senior citizens ang TVJ at ang golden wedding celebrators na sina G. at Gng. T, maging ang iba pang panauhin, di ba?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng isang taon, nagkitang muli ang original hosts ng Eat Bulaga! na sina Joey de Leon, Vic Sotto, at Senator Tito Sotto sa golden wedding anniversary ng kanilang producers na sina Mr. & Mrs. Tony and Mads Tuviera.
PHOTO/S: @angpoetnyo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results