Bong Revilla, Angel Locsin, Kim Chiu kabilang sa special awardees sa 4th Eddys Awards

by PEP Troika
Mar 1, 2021
Kabilang sina (mula kaliwa) sina Bong Revilla Jr., Angel Locsin, at Kim Chiu sa recipients ng kauna-unahang Isah V. Red Award sa 4th Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
PHOTO/S: Gorgy Rula / @angellocsin on Instagram / @kimchiu on Instagram

JERRY OLEA

Pagkakalooban ng Isah V. Red Award sina Senator Bong Revilla Jr., Angel Locsin, Kim Chiu, Ramon Ang, Rei Anicoche-Tan, at Claire de Leon-Papa sa 4th Eddys (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ang streaming nito ay sa Marso 22, Lunes.

Ilulunsad sa 4th Eddys Awards ang Isah V. Red Award bilang pag-alala sa yumaong founding president ng SPEEd na si Isah V. Red.

"This recognition is given to individuals like him—a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country, and community—who beyond the realm of entertainment has so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious, and inimitable way," ayon sa SPEEd president na si Ian Fariñas.

Sampung nirerespetong alagad ng sining Ang Eddys Icon awardees ngayong 2021—sina Gloria Sevilla, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Dante Rivero, Tommy Abuel, Caridad Sanchez, Joel Lamangan, at Ricky Lee.

Continue reading below ↓

Ang tatanggap ng Eddys special awards ay sina Lolit Solis (Joe Quirino Award), Mario Bautista (Manny Pichel Award), Black Sheep (Rising Producers’ Circle), at The IdeaFirst Company (Producer of the Year).

Bibigyan ng posthumous recognition sina Peque Gallaga, Tony Mabesa, Menggie Cobarrubias, Ramon Revilla Sr., at Tony Ferrer.

Labing-apat na kategorya ang paglalabanan sa 4th Eddys, kabilang ang Best Picture, Best Director, Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, at Best Supporting Actor.

Andiyan din ang Best Cinematography, Best Visual Effects, Best Musical Score, Best Production Design, Best Sound, Best Editing, at Best Original Theme Song.

Ang pagbibigay-parangal ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng matino at de kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Makukumbinsi kaya ng SPEEd si Manay Lolit Solis na tanggapin ang special award na igagawad sa kanya?

Ilang beses nang sinabi sa akin ni Manay Lolit na magmula nang ginawa niya ang Manila Film Festivalt scam 26 years na ang nakararaan, never na siyang dadalo sa kahit na anong awards night.

Naalala kong muntik nang magtampo sa kanya ang namayapang si Manay Ichu Maceda dahil tinanggihan niya ang Dr. Jose Perez Memorial Award ng FAMAS.

“Pangako ko talaga iyan at parusa sa sarili ko sa ginawa ko na scam, ‘no!” tili ni Manay Lolit.

Kaya kahit virtual at kukunan lang siya ng video para tanggapin ang Joe Quirino award, ayaw raw niya talaga. Ewan ko kung kaya siyang mapakiusapan ng SPEEd.

Nagtataka lang ako, bakit nilaktawan ng Eddys ang pamimigay ng parangal sa taong 2019?

Kahit paano, maraming mga pelikula noong taong yun at bukas pa ang mga sinehan. May mga film festivals pang sinalihan ang mga obra ng mga kilalang filmmakers.

Continue reading below ↓

Sa taong 2020 nga "na-ICU" ang movie industry dahil walang bukas na mga sinehan mula Marso 15, 2020 at matagal na hindi nakapag-shoot ng pelikula.

Mas maiintindihan siguro kung nag-skip muna sila sa 2020 at mas nag-focus sa mga magagandang pelikula noong 2019.

NOEL FERRER

Mabuhay ang Eddys at SPEEd! Buti naman na sa gitna ng pandemya, matutuloy pa rin ang parangal nila.

Nag-pause man at hardly hit ang entertainment industry, tuloy pa rin ang ibang efforts ng ating kasamahan sa industriya.

So, 2020 ang coverage ng films ng 4th Eddys. Nilaktawan ang 2019 films.

With Eddys taking the lead, will the PMPC Star Awards for Movies follow suit? How about the Entertainment Press Society?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina (mula kaliwa) sina Bong Revilla Jr., Angel Locsin, at Kim Chiu sa recipients ng kauna-unahang Isah V. Red Award sa 4th Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
PHOTO/S: Gorgy Rula / @angellocsin on Instagram / @kimchiu on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results