Ogie Alcasid hihintayin ang ibang brands ng COVID-19 vaccines bago magpabakuna

by PEP Troika
Mar 1, 2021
Ogie Alcasid: “I think our family is ready… halos lahat ngayon, nagri-research tungkol sa bakuna, lalo na yung asawa ko. Parang gusto namin si Pfizer, Moderna o si Astra Zeneca, any of those three, parang okay sa akin.”

GORGY RULA

Ayon sa nasagap ko mula sa ilang kasamahan kong roving reporters ng DZRH, as of March 1, Monday, 3:45 p.m., ay limang katao sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang nahilo pagkatapos silang nabakunahan ng Sinovac, at dinala sa ER.

Ayon sa taga-DOH, minor side effect lang ito at hindi dapat ikabahala.

Pero hindi maitatangging marami pa rin ang takot magpabakuna, lalo na sa Sinovac dahil sinasabing hindi advisable sa health workers ang ganitong bakuna dahil sa 54% hanggang 58% lamang ang efficacy rate nito.

Pero mas nananaig pa rin ang takot sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Kaya kung ako ang tatanungin, gusto ko na ring magpabakuna. Pero siguro, hihintayin ko na lang ang pagdating ng ibang brands kagaya ng Pfizer, Moderna o AstraZeneca.

Heto nga at katu-tweet lang ni San Juan Mayor Francis Zamora na magpapa-quarantine na siya sa Cardinal Santos Medical Center dahil nag-positive siya sa COVID-19, pero asymptomatic naman daw siya.

Continue reading below ↓

Kalakip nito ang kanyang official statement:

San Juan Mayor Francis Zamora official statement on COVID-19 condition

Kaya tanggalin na rin siguro ang takot sa bakuna. Kailangan natin ito.

Marami na rin sa mga taga-showbiz ang gustong magpabakuna pero pinag-aaralan nilang mabuti kung sa aling brand sila magpapaturok.

Kagaya ni Ogie Alcasid, na nakatsikahan namin sa mediacon ng virtual concert nila ni Ian Veneracion na Virtually Yours, Kilabotitos. Sinabi niyang willing silang magpabakuna ng misis niyang si Regine Velasquez.

Continue reading below ↓

Ang Asia’s Songbird daw, nagri-research kung alin ang mabisang gamot na magpabakuna.

Ani Ogie, “I think our family is ready… halos lahat ngayon, nagri-research tungkol sa bakuna, lalo na yung asawa ko.

“Parang gusto namin si Pfizer, Moderna o si Astra Zeneca. Any of those three, parang okay sa akin.”

Malaking epekto raw sa pamilya ang COVID-19 dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Herminio Alcasid Sr.

“It was a big blow because it was hard, because hindi namin siya nakita, from the time he got sick until he passed away,” saad ni Ogie.

Kaya sobrang nag-iingat sila sa paghahanda sa kanilang Kilabotitos virtual concert na mapapanood sa KTX.ph sa March 26.

Samantala, si Ian Veneracion naman ay hindi pa masabi kung magpapabakuna ba siya at ang kanyang pamilya, at kung anong brand sila magpapaturok.

“I haven’t formed an opinion about it, but I think that’s the only way to go for everyone.

Continue reading below ↓

“Kung anong klase, hindi ko pa alam,” sabi ni Ian.

JERRY OLEA

As of March 1, Monday, 4 p.m., umabot na sa 578,381 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa ating bayang magiliw. 31,708 sa mga ito ay aktibo.

“RESBAKUNA, Kasangga ng Bida” ang battlecry ng Department of Health (Philippines) sa pakikipaglaban sa coronavirus.

Post ng DOH sa Facebook page nito this Monday: “TIGNAN ang larawan ng mga kababayan natin na RUMESBAKUNA pose ngayong araw!

“Ikaw, kailan ka RERESBAKUNA?

“RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!”

Pahayag ni Bb. Chareluck Santos, nars ng Philippine General Hospital, at unang COVID-19 vaccinator ng Pilipinas, “Marami sa atin na healthcare workers ay matagal nang lumalaban sa COVID-19… At panahon na para tayo ay mas lumaban pa lalo.

“Kung tayo dati ay nakikipaglaban sa pamamagitan ng pag-aalaga ng ating mga pasyente, panahon na para dagdagan natin ang proteksyon ng mga katawan natin, ang mga sarili natin—proteksyon hindi lamang (para sa sarili), kundi (para sa) ating pamilya, mga kasamahan, at komunidad.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sorry, but I spent time with my friend from PGH at labis na nabahala sa mga naganap na pagpapabakuna ng Sinovac sa frontliners.

Ang tanong: The Health Technology Assessment Council makes recommendations for programs—and vaccination is a program. It doesn’t matter whether the vaccine is donated or not. Sabi raw kasi ng DOH, hindi kailangan ng HTA findings, kasi donated yun. Ano ang pinagkaiba?

Sabi nga ni Senator Nancy Binay na magiging guest ko sa aking LEVEL UP program sa Biyernes, “Sa usapin ng bakuna, hindi dapat piliin iyung pwede na or ok lang. We need to get the best because our people deserves nothing less.”

Paano na, mga kapwa Pilipino? At bakit parang iniwasan din ito ng ilang mga lider sa gobyerno with the excuse na unahin na muna ang mga nasa hierarchy tulad ng frontliners?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid: “I think our family is ready… halos lahat ngayon, nagri-research tungkol sa bakuna, lalo na yung asawa ko. Parang gusto namin si Pfizer, Moderna o si Astra Zeneca, any of those three, parang okay sa akin.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results