JERRY OLEA
Back-to-back-to-back ang pagpaparangal kay Dingdong Dantes.
Pinagpugayan si Dingdong sa dalawang kategorya ng 5th Film Ambassadors Night (FAN 2021) na nag-streaming nitong Pebrero 28, Linggo ng 8:00-11:57 p.m., sa website ng FDCP Channel.
Una, bilang Cinemadvocate na nagmamalasakit sa mga taga-industriya ng TV at pelikula, partikular sa stuntmen.
“Sobrang nakakataba po ng puso na makatanggap ng ganitong recognition,” pahayag ni Dingdong, na lider ng AKTOR (League of Filipino Actors).
“Na-consider ko po itong trabahong ito and of course, His blessings, as an opportunity to reach out to others, and help in transforming their lives.
“Kaya iyong mga humanitarian and charitable initiatives through the YES Pinoy Foundation, sa Dingdong PH, AKTOR, and my various involvements—these are humble contributions to my fellow Filipinos who have warmly embraced me and my family all throughout these years.
“I will also be able to pass on this commitment hindi lang sa aming partners ang beneficiaries, pero siyempre, sa aking mga anak na rin.
“Si Zia, si Sixto. That they may also live by goals greater than themselves...”
Ang lima pang kinilala bilang Cinemadvocate sa FAN 2021 ay sina Angel Locsin, NCCA Chairman and CCP President Nick Lizaso, Congressman Toff de Venecia, Lockdown Cinema Club, at Inter-Guild Alliance.
Bilang Aktor, nakamit ni Dingdong ang Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards last year sa South Korea.
Sabi ni Dingdong, “I am truly grateful to the FDCP for the Achievement in World Cinema Award for the recognition of Descendants of the Sun in the Seoul International Drama Awards.
“Para sa akin po, this symbolizes the government and the country’s support and acknowledgment of our craft, and the hard work of all the people, and the network behind Descendants of the Sun, the Philippine adaptation.
“More importantly, this award is a tribute to our modern-day Filipino heroes—our soldiers, healthcare workers, and volunteers.
“Ako po ay deeply honored, together with the whole DOTS team, to be sharing your inspiring stories to the whole world.”
Ang iba pang pinarangalan sa FAN 2021 bilang Aktor ay sina Alden Richards, Arjo Atayde, Ruby Ruiz, Elijah Canlas, Louise Abuel, Cristine Reyes, Isabel Sandoval, Lovi Poe, Allen Dizon, Cherie Gil, Alfred Vargas, Ronwaldo Martin, at Angel Aquino.
Wagi si Dingdong ng Best Performance by an Actor (TV series) para pa rin sa Descendants of the Sun sa 5th GEMS Virtual Awarding Program, na nag-premiere nitong Marso 1, Lunes ng 5:00-6:00 p.m. sa YouTube channel ni Henry Magahis.
Talumpati ni Dingdong, “To GEMS, to the Guild of Educators, Mentors and Students... maraming-maraming salamat po sa inyong recognition.
“At sa parangal na ito, gusto ko lang sabihin, sobrang saya ko po dito sa ibinigay ninyo sa akin.
“Aaminin ko na nakakagana ho talaga, at nakaka-inspire na magkaroon ng mga ganito.
“Dahil syempre, sa panahon ngayon, maraming uncertainties but because of that, mas gaganahan ako na gawin pang lalong maigi ang aking trabaho of telling stories.
“So, muli, maraming-maraming salamat sa inyo. And please stay strong, safe and healthy always!”
Si Iza Calzado ang nanalo ng Best Performance by an Actress (TV series) para sa Ang Sa Iyo Ay Akin.
GORGY RULA
Siyempre, kailangan din nating batiin ang ating ka-Troika na si Sir Noel Ferrer na nagwaging Best Male Radio Broadcaster para sa Level-Up: Showbiz Saturdate with Noel Ferrer and Co. (na wagi rin bilang Best Radio Program — Entertainment)!
Natalo niya ang iba pang bigating broadcaster, kaya mabuhay ka, Sir Noel!
Mabilis at maayos ang virtual awarding ceremony ng GEMS.
Mahaba naman, pero maayos at talagang pinaghandaan ang katatapos lang na Film Ambassadors Night ng FDCP.
Abangan natin ang mga susunod na virtual awarding ng iba’t ibang grupo, kagaya ng Eddys Awards ng SPEEd, meron ding UP Gandingan, at iba pang grupo kagaya ng PMPC, PASADO, at marami pa.
Iba pa rin talaga ang dating ginagawang pamamahagi ng awards, pero sa ngayon ay nandiyan pa rin ang takot ng karamihan kahit nagsisimula nang mag-roll out ang COVID vaccination dito sa atin.
Kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19.
Ang latest pa, may ilang kaso ng South African variant na na-detect sa Pasay. Kaya hanggang virtual pa rin ang ganitong seremonya at nasa GCQ pa tayo.
Sana, tuluy-tuloy na itong pagdating ng iba’t ibang brand ng bakuna. Nang sa gayun ay kahit paano’y makapagdulot ng kapanatagan ng isip sa taumbayan, kapag marami na sa atin ang nabakunahan.
NOEL FERRER
Congratulations, Dingdong!
Congratulations din sa atin sa PEP Troika bilang Best Digital/Online Entertainment News and Commentary ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students).
Nakakatuwa lang na sa ating ikatlong taon sa PEP ay napansin at napahalagahan tayo ng mga nasa academe.
Lalo pa nating pagbubutihin ang pagbibigay ng masaya, makabuluhan, at matapang na mga entertainment items para sa ating loyal followers dito sa PEP!
Maraming salamat sa inyong suporta!
JERRY OLEA
Napakarami man ng pinarangalan ng GEMS ay napagkasya nila sa isang oras ang programa. Mabilis ang pace. Hindi nakakainip.
Ang ilan pa sa awardees ng 5th GEMS—Hiyas ng Sining ay ang mga sumusunod:
Maricel Soriano (Best Performance in a Supporting Role, TV series para sa Ang Sa Iyo Ay Akin)
A Soldier’s Heart (Best TV Series)
Nora Aunor (Best Performance by an Actress in a Lead Role para sa pelikulang Isa Pang Bahaghari)
Phillip Salvador (Best Performance by an Actor in a Lead Role para sa pelikulang Isa Pang Bahaghari)
Michael de Mesa (Best Performance in a Supporting Role para sa pelikulang Isa Pang Bahaghari)
Antoinette Jadaone (Best Director para sa pelikulang Fan Girl)
Fan Girl (Best Film)
Watch List (Natatanging Pelikulang Pangkarapatang Pantao, Espesyal na Karangalan)
The Boy Foretold by the Stars (Natatanging Pelikulang Pangkasarian, Espesyal na Karangalan)
Isa Pang Bahaghari (Natatanging Pelikulang Pampamilya, Espesyal na Karangalan)
Heaven’s Best Entertainment (Film Production of the Year)
Elberto Regis (Natatanging Hiyas ng Sining, Larangan ng Pelikula)
ABS-CBN (Natatanging Hiyas ng Sining, Larangan ng Telebisyon)
GMA-7 (TV Station of the Year)