Baby switching, hindi lang sa teleserye nangyayari kundi maging sa tunay na buhay

by PEP Troika
Mar 2, 2021
(Top) GMA-7's Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday and Kapuso Mo Jessica Soho; (bottom) Coco Martin in Ang Probinsyano and the cast of Ang Sa Iyo Ay Sa Akin.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN

JERRY OLEA

Swak sa nalalapit na pagtatapos ng Kapuso series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday ang five-part feature ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Malalaman na nina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez) na magkapatid sila sa ama (Jay Manalo).

Abang-abang siyempre ang masusugid na tagasubaybay kung kailan matatanto nina Amy (Snooky Serna) at Sussie (Dina Bonnevie) na nagkapalit sila ng pinalaking anak.

Snooky Serna, Barbie Forteza, Kate Valdez, and Dina Bonnevie in Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday

Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday lead stars (from left) Snooky Serna, Barbie Forteza, Kate Valdez, and Dina Bonnevie.

Nalalapit na rin ang pagwawakas ng Kapuso series na Love of My Life, kaya lalong umiigting ang mga kaganapan dito.

Pakakasalan na ni Nikolai (Mikael Daez) si Kelly (Rhian Ramos). Inamin ni Adelle (Carla Abellana) kay Isabella (Coney Reyes) na mahal na rin niya si Nikolai.

Team Adelle vs Team Kelly, sino ang magwawagi?

Lubos na natutuwa ang Team Love of My Life sa positive feedback at mataas na ratings na natatanggap ng serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Team Adelle vs Team Kelly in Love of My Life

Samantala, naghihinagpis man ang puso ni Cardo (Coco Martin) ay makikipagbakbakan siya upang iligtas ang mga kaibigang nagdurusa sa kamay ni Lily (Lorna Tolentino) sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Nabigo ang Task Force Agila sa pagsagip kina Diana (Angel Aquino) at Teddy (Joel Torre) mula sa pagpapahirap nina Lily at Arturo (Tirso Cruz III).

Kailangan ng Task Force Agila ng mas malaking alas para makuha nang buhay sina Diana at Teddy. Gagamitin ni Cardo na pain si Clarisse (Rhen Escaño), ang anak ni Arturo.

Coco Martin and Rhen Escano in Ang Probinsyano

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Coco Martin and Rhen Escaño in Ang Probinsyano

Abala man sa misyon ang grupo, nalagasan sila ng isang kakampi. Sumama si Ramil (Michael de Mesa) kay Lito (Richard Gutierrez) para maging personal bodyguard nito.

Walang kamalay-malay si Ramil na ginagamit lang siya ni Lito upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kilos ni Cardo at ng Task Force Agila.

Magtagumpay kaya ang plano ni Cardo na sagipin sina Diana at Teddy? Malaman pa kaya ni Teddy na patay na ang anak na si Alyana?

Panoorin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

I-scan ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy rin itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 P.M. sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o website. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

NOEL FERRER

Ako naman, I’m glued to Ang Sa Iyo Ay Akin sa kanilang last three weeks.

Number 1 pa rin ito sa iWant TFC at sobrang gagaling nilang lahat sa cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 5th GEMS Hiyas ng Sining Awards, nagwagi bilang best actress (TV) ang talent kong si Iza Calzado, and best supporting performer (TV) si Maricel Soriano.

From the directors na sina FM Reyes at Avel Sumpongco, with Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Rita Avila, Joseph Marco, Kira Balinger, at Grae Fernandez, even Desiree del Valle, Cheska Iñigo, Simon Ibarra, Carla Martinez, among others—lahat magagaling!

Ang sa Iyo ay Akin lead stars

Hinihintay ang ending dahil apektado ang mga bata sa away-matatanda.

Maibabalik pa ba ang dating pagkakaibigan na parang tunay na kapatiran na nina Marissa at Ellice? Sana!

GORGY RULA

Di ba, inaalipusta ng iba ang mga de-kahong kuwento kagaya nitong nagpapalit ng anak sa hospital?

Pero totoong nangyayari talaga ito, at tinalakay sa five-part feature ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Iyon ang kauna-unahang documented case ng baby switching sa bansa, ayon sa Department of Health.

Ikinatuwa ng maraming manonood ang resulta nito kung saan ay naibalik na sa kanilang totoong mga magulang ang dalawang sanggol.

Dumaan sa dalawang DNA tests ang mga sanggol at mga magulang na sina Aphril at Marvin Sifiata at Margareth Traballo at Kim Jasper Mulleno, upang magkaalaman kung sino talaga ang totoong magkadugo.

KMJS baby switching episode

Kaya siguro marami na ang tumututok sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Malamang na marami pang maglabasang kuwento na nagkakapalit ng anak sa mga susunod pang drama series. Maiiba lang ang anggulo at takbo ng kuwento.

Pero sa panahon ngayon, ang daming kuwentong nababasa natin sa social media na totoong nangyayari sa tunay na buhay.

Na-impress ako sa trailer ng bagong teleserye ng Kapamilya channel na Huwag Kang Mangamba, na parang ibinalik nila ang tipo ng May Bukas Pa. Napaka-inspiring lalo na sa mga hirap na pinagdaanan natin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, may naririnig kaming ikinakasa na raw ang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Abangan na lang natin kung itutuloy nila ang FPJ’s Batang Quiapo na balak daw na susunod na gagawin ni Coco Martin.

JERRY OLEA

Mapapanood muli ang ilang Kapamilya series sa Jeepney TV.

Andiyan ang Nathaniel nina Gerald Anderson, Marco Masa at Coney Reyes, Lunes hanggang Biyernes tuwing 9:30 a.m.

Matutunghayan ulit si Anne Curtis bilang Dyosa simula sa Marso 8, Lunes ng 8:00 a.m.

Sa mga nabitin kina Joshua Garcia at Julia Barretto sa official music video ng "Paubaya" (23M views na sa YouTube channel ni Moira de la Torre mula noong Valentine’s Day), abangan ang muling pag-ere ng 2018 drama series ng JoshLia na Ngayon at Kailanman sa Jeepney TV 9:30 a.m., simula sa Marso 28, Linggo.

Sa Marso 29, Lunes, mapapanood na ulit ang All Of Me nina JM de Guzman at Yen Santos tuwing 1:30 p.m, na susundan ng unang primetime serye ng KathNiel na Princess and I pagsapit ng 5:45 pm.

Napapanood ang Jeepney TV sa SKYcable channel 9, GSAT Channel 55, Cignal Channel 44, at iba pang provincial cable systems sa buong bansa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) GMA-7's Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday and Kapuso Mo Jessica Soho; (bottom) Coco Martin in Ang Probinsyano and the cast of Ang Sa Iyo Ay Sa Akin.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results