My Rebound Girl ni Alex Gonzaga, semplang sa takilya pero patok sa Netflix

by PEP Troika
Mar 2, 2021
Alex Gonzaga and Joseph Marco starred in My Rebound Girl, a 2016 film produced by Regal Entertainment, Inc.
PHOTO/S: Regal Entertainment, Inc.

JERRY OLEA

Nag-premiere ang 2016 Regal movie na My Rebound Girl sa Netflix noong Pebrero 25, Huwebes.

Pebrero 27, Sabado ng 11:15 A.M., nag-tweet ang bida ng nasabing movie na si Alex Gonzaga:

“Another THANK YOU!!! My Rebound Girl is #1 on Netflix today!! Love u all!”

Tatlong araw na #1 sa Netflix Philippines ang nasabing movie na nagtatampok din kay Joseph Marco.

Continue reading below ↓

Nitong Marso 2, Martes, ay bumaba na ito sa pangalawang puwesto.

Kinabog ito ng 2021 South Korean TV series na Vincenzo, na pinagbibidahan ni Song Joong-ki. Apat na episodes na nito ang nasa Netflix.

Ito lamang My Rebound Girl ang lokal na palabas na pasok sa Top 10 ng Netflix Philippines.

Noong nakaraang buwan ay may mga araw na tatlong Pinoy na palabas ang pasok sa Top 10—ang KathNiel digi-movie series na The House Arrest Of Us, at ang Regal movies na The Annulment (2019, Lovi Poe at Joem Bascon) at Foolish Love (2017, Jake Cuenca at Angeline Quinto).

At any rate, as of Tuesday 7:00 p.m. ay #1 pa rin ang Vincenzo, at #2 pa rin ang My Rebound Girl sa Netflix Philippines.

Pumangatlo ang American medical drama TV series na New Amsterdam.

Pang-apat ang American documentary series na Age of Samurai: Battle for Japan. Anim na episodes ito.

Continue reading below ↓

Panlima ang 2018 American superhero film na Aquaman, na bida si Jason Momoa.

Pang-anim ang 2021 Indian Hindi-language mystery thriller film na The Girl on the Train. Base ito sa 2015 novel ni Paula Hawkins na kapareho ang title. Nauna ang American version ng pelikula noong 2016, kung saan bid si Emily Blunt.

Pampito ang Japanese dark fantasy anime TV series na Attack on Titan.

Pangwalo ang South Korean TV series na Sisyphus: The Myth.

Pansiyam ang South Korean TV series na 18 Again.

Pansampu ang 1997 American supernatural horror film na The Devil’s Advocate, kung saan bida sina Keanu Reeves, Al Pacino at Charlize Theron.

GORGY RULA

At least, napapansin sa Netflix ang itong mga pelikula ng Regal na floppey noon sa takilya.

Naalala ko pa ang presscon nitong My Rebound Girl na mas pinag-uusapan ang relasyon ni Alex kay Mikee Morada, at walang maisip na gimmick sa tambalan nila ni Joseph Marco.

Continue reading below ↓

Mukhang yun ang isa sa mga dahilan kaya hindi ito pumatok sa takilya.

At least, hindi nadadala sa kung anu-anong promo o gimmick ang mga manonood sa online. Basta maganda ang pelikula o naaliw sila, panonoorin nila ito at pwedeng mag-trending.

Pero sa tingin ko, malaking bagay riyan si Alex dahil bentang-benta siya sa netizens.

Ang nakakatakot lang nito, baka masyado nang masanay ang mga tao sa panonood sa mga ganitong streaming device, baka mawalan na talaga sila ng gana manood sa mga sinehan kapag magbukas na ang mga ito.

NOEL FERRER

Maraming mga pelikulang floppey sa takilya at nare-rediscover sa Netflix. Parang Through Night and Day iyan.

This should give Alex the foothold bilang movie star ulit!

Sana, sa pagbubukas ng mga sinehan, ma-maintain nito ang kanyang movie star status. Iba kasi ang edge nun, e!

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga and Joseph Marco starred in My Rebound Girl, a 2016 film produced by Regal Entertainment, Inc.
PHOTO/S: Regal Entertainment, Inc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results