Pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards, hihintayin ang pagbubukas ng mga sinehan bago ipalabas

by PEP Troika
Mar 3, 2021
Bea Alonzo (second from left) and Alden Richards (center) with Viva Films executive Vincent del Rosario (extreme left), GMA Films President Annette Gozon-Valdes (second from right), and APT Entertainment's Mike Tuviera (extreme right). Bea and Alden will star in the movie A Moment To Remember.
PHOTO/S: @annettegozonvaldes on Instagram

GORGY RULA

Walang pressure ang shooting ng pelikulang A Moment to Remember na pagsasamahan nina Bea Alonzo at Alden Richards.

Wala kasi silang deadline o hahabuling playdate dahil hihintayin pa nila ang pagbubukas ng mga sinehan.

“Sabi nga ni Vincent del Rosario, pam-big screen talaga ito. Kaya hintayin.

“Siguro, baka by end of this year o early next year baka ma-normalize na at parating naman yung vaccine,” pakli ni Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO.

Nakausap ko si Ma'am Annette kagabi, Martes, March 2.

Ang pelikula ay Philippine adaptation ng Japanese TV drama na Pure Soul (2001), na pinagbatayan din ng South Korean movie na A Moment to Remember (2004).

Base sa description ng storyline: "The film follows the journey of a young couple whose relationship will be put to the test when the woman is diagnosed with early onset of Alzheimer’s disease. It is a story that will test how much love can withstand and show how it can triumph in the midst of pain, fear, denial and acceptance."

Continue reading below ↓

Bandang end of March o April na magsisimulang mag-shoot sina Bea at Alden para sa A Moment To Remember.

Pero nagsimula na raw mag-workshop sina Bea at Alden sa direktor nilang si Nuel Naval, at naka-schedule ang kasunod pang workshop, pati ang look test at story conference.

Hindi raw dire-diretso ang shooting nito dahil bandang April ay sisimulan na rin ni Alden ang bagong drama series niya sa GMA 7.

Pero paano ba nabuo ang project na ito at nagkaroon ng pagsasanib sa GMA Pictures, Viva Films, at APT Entertainment?

Kuwento sa amin ni Ma’am Annette, “Dati kasi, talagang gusto na naming magka-Alden-Bea.

"Kinausap na namin dati yung Star Cinema kung pwede, open naman sila.

“'Tapos, may talks kasi kami with Viva for Alden project talaga.

“'Tapos nagkataon, ito yung time na parang nag-sign na yata si Bea with Shirley Kuan, 'tapos kinausap yata nila si Boss Vic [del Rosario]. 'Tapos sabi ni Boss Vic, eto na lang.

Continue reading below ↓

“Gusto rin nila si Alden yung partner… so eto, may project for Alden na remake nga ng Pure Soul, na yun nga ang A Moment to Remember ng Korea.

“So, eksakto, parang suwerte.”

Talagang pinagtugma ang lahat para kina Alden at Bea.

Napasama rito ang APT Entertainment dahil may existing movie contract si Alden sa naturang produksyon.

“May movie contract siya with APT at saka para ano lang… para good vibes lahat, di ba?

“Saka magandang magsanib talaga yung tatlo para magtulungan,” dagdag na pahayag ni Ma’am Annette.

JERRY OLEA

Tamang panahon, tamang proyekto.

Event ang pagtatambal ng Asia’s Multimedia Star at New Generation’s Movie Queen.

Alden-Bea, a tandem to remember.

Naibalita sa 24 Oras ang contract signing nila nitong Marso 2, Martes.

Sabi ni Alden, “It’s my first remake, and there’s always comparison. What we wanted as actors is to do our own take on how we understood the role.

Continue reading below ↓

“Ang ganda ng material, sobra. Kung babalik na yung cinemas, it’s really for it. Mas dama mo yung istorya.”

Idolo ni Alden si John Lloyd Cruz, kaya gusto niyang maka-partner din ang madalas nitong katambal na si Bea Alonzo.

Napanood ni Bea si Alden sa movie nito with Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye (2019), kaya wish din nitong magtambal sila ng Kapuso actor.

Pahayag ni Bea, “I’m excited na makakapagtrabaho na kami this time. We’re very happy na nag-inject sila ng Filipino culture doon sa script.

“We are working around the parameters of what Korea wants us to do, of course to also maintain and respect the original form of the movie.

“It’s going to be a little different from the original title but we will make sure that it’s going to be a good one. It’s going to be extra challenging and also very inspiring.”

NOEL FERRER

Maganda ang synergy ng tatlong production outfits para pagandahin at itodo ang mileage ng pelikulang ito nina Bea at Alden.

Continue reading below ↓

Maganda na bine-break ang barriers, magkasama ang Kapuso at Kapamilya lead stars, 'tapos Kapuso production with a Kapamilya director.

Sino kaya ang magiging lead team for production? Viva or APT?

Sana talaga, maganda ang kalabasan. At sana rin, safe nang magbukas ang mga sinehan soon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo (second from left) and Alden Richards (center) with Viva Films executive Vincent del Rosario (extreme left), GMA Films President Annette Gozon-Valdes (second from right), and APT Entertainment's Mike Tuviera (extreme right). Bea and Alden will star in the movie A Moment To Remember.
PHOTO/S: @annettegozonvaldes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results