Billy Crawford, malaki ang pasasalamat na nalampasan ang "walls" ngayong pandemya

by PEP Troika
Mar 3, 2021
Billy Crawford: “I’m just really thankful na meron akong blessing. Meron akong mga shows sa TV5, meron akong prime-time entertainment. Kumbaga, dito ko tinanim yung sinabi sa akin ng tatay ko na there’s no such things as problems. Kasi, lahat ng problema, may solusyon."
PHOTO/S: @billycrawford on Instagram

GORGY RULA

Proud na proud si Billy Crawford na ipinakita sa ilang entertainment press ang anak nila ni Coleen Garcia na si Baby Amari bago magsimula ang mediacon ng bagong game show niya sa TV5 na The Wall Philippines noong Martes ng hapon, Marso 2.

Ayon kay Billy, ang pagdating ni Baby Amari ang pinakamagandang pangyayari sa kanilang buhay nitong pandemya.

Continue reading below ↓

Pero marami raw dapat ipagpasalamat si Billy sa Diyos dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nila ngayong pandemya, pagkatapos ng ABS-CBN shutdown, hindi siya nawalan ng trabaho.

Tuluy-tuloy pa rin siya sa Lunch Out Loud ng Brightlight Productions, at dagdag na blessing itong The Wall Philippines na ibinigay sa kanya ng Viva Entertainment.

Magsisimula ang The Wall Philippines sa Marso 13, Sabado, 6 p.m., sa TV5.

Kuwento sa amin ni Billy, ilang beses nilang pinag-usapan ni Coleen kung ano ang gagawin nila nang hindi pa dumarating ang mga trabaho niya.

Iniyakan daw nila iyon.

Pero dahil sa taimtim na pagdarasal, nalagpasan nila, naakyat nila ang "walls" na hinarap nilang mag-asawa.

Saad ni Billy sa virtual mediacon, “Nung nawalan kami ng trabaho after ABS-CBN, medyo parang at one point… alam mo, may mga times na nag-uusap kaming mag-asawa na, 'Anong gagawin natin? Iwan na lang ba natin lahat, 'tapos lipat na lang tayo ng ibang bansa?'"

Continue reading below ↓

Paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi raw sila pinabayaan.

“May mga tipong life decisions na kailangang gawin. Kasi, hindi madali mag-outlook o magtanaw ng positivity sa lahat na negative na nangyayari sa paligid mo.

“Pero ang number one na natutunan namin is nagtiwala kami sa Panginoon, nagdasal kami nang todo-todo, at iniyakan naming pamilya kung ano talaga ang kailangan naming gawin.

"And we are slowly climbing that wall and, until now, kahit anong mangyari….

“I’m just really thankful na meron akong blessing. Meron akong mga shows sa TV5, meron akong prime-time entertainment.

“Kumbaga, dito ko tinanim yung sinabi sa akin ng tatay ko na there’s no such things as problems. Kasi, lahat ng problema, may solusyon.

"Hanggang ngayon, tinanim ko pa rin iyan sa puso, sa isip ko.

“Kaya no matter what pandemic season there is or coming or dealing, ang pinakaimportante is we have to look forward and we have to do what’s right for our family. Kaya nandito pa rin po ako.

Continue reading below ↓

“I’m happy na alam mong nakakangiti ako paggising natin sa umaga. Hindi tayo napapakamot sa ulo kung ano ang gagawin ko bukas, ano ang gagawin ko next week.

“I have a lot of things to do. Alam mo yung drive, lalo na’t nandiyan ang anak namin ni Coleen, mas lalo kaming sumisipag,” madamdaming pahayag ni Billy.

Continue reading below ↓

Kasabay ng The Wall Philippines, inilunsad din ng Viva ang isa pang game show, ang 1000 Heartbeats Pintig Pinoy na ihu-host naman ni Xian Lim.

Magsisimula ito sa March 21, Linggo, 8 p.m.

Mapapanood ang 1000 Heartbeats Pintig Pinoy sa TV5, at pwede rin sa Cignal Play app na libreng i-download ng Android at IOS users.

NOEL FERRER

Good luck and all the best, Billy, sa lahat ng assignments mo ngayon.

Sana magtagal ang mga ito in order to sustain you and your family’s needs.

One year na nga halos since nalagay tayo sa lockdown. Ang dami nang pagbabagong nangyari.

Ang hamon ngayon is how to hurdle these challenges nang intact pa rin ang iyong kahusayan, integridad, at prinsipyo.

JERRY OLEA

Happy tayo para kay Billy na nandiyan pa rin ang noontime show niyang Lunch Out Loud, at nadagdagan siya ng isa pang TV show.

Sana, all? Sana, Wall!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford: “I’m just really thankful na meron akong blessing. Meron akong mga shows sa TV5, meron akong prime-time entertainment. Kumbaga, dito ko tinanim yung sinabi sa akin ng tatay ko na there’s no such things as problems. Kasi, lahat ng problema, may solusyon."
PHOTO/S: @billycrawford on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results