Xian Lim, hindi na kinakabahan sa mga intrigang kahaharapin

by PEP Troika
Mar 4, 2021
Xian Lim on handling intrigues: “At this point, parang natanggap ko na sa bawat kilos ng isang aktor o ng isang artista ay meron at merong masasabi ang ibang tao. Maganda man o masama, you just have not pay attention to those things para sa akin."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Excited si Xian Lim sa bagong challenge na haharapin niya—ang mag-host ng isang game show.

Siya ang host sa bagong game show ng Viva Entertainment, ang 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy na mapapanood sa TV5 simula sa Marso 21, Linggo ng 8:00 p.m.

Sabi ni Xian sa nakaraang virtual mediacon ng show, hindi na niya tinanong ang taga-Viva kung bakit siya ang pinili at baka bawiin pa raw sa kanya. Pero kakaibang challenge ito sa kanya bilang host.

Pahayag niya, “This is something I’ve always wanted to do.

“May mga tanong sa akin before kung ano pa ba ang gusto mong gawin. Lagi kong sinasabi na aside from movies, from TV, gusto kong mag-host ng isang game show.”

Pero kapag napag-uusapan na ang totoong heartbeat, sinabi ni Xian na hindi na siya kabado o di lumalakas ang pintig ng puso niya sa mga isyu at intrigang posibleng harapin niya.

Continue reading below ↓

Dumating na raw siya sa stage na nalagpasan na niya ito, at kaya na raw niyang i-handle o harapin ang anumang intriga o anumang punang ibabato sa kanya ng ibang tao.

“At this point, parang natanggap ko na sa bawat kilos ng isang aktor o ng isang artista ay meron at merong masasabi ang ibang tao.

“Maganda man o masama, you just have not pay attention to those things para sa akin.

“Kasi, nung una talaga, naalala ko, nung nagsisimula pa lang ako, lahat, questions ko, 'Bakit ganito, bakit ganito?'

"Pero, you just… nasa sarili mo na lang, e,” saad ng aktor.

Ganun din daw sa relasyon nila ng girlfriend na si Kim Chiu. Tapos na rin daw sila sa mga maiinit na isyu noon, lalo nung nagsimula pa lang ang KimXi loveteam.

“Ngayon, parang we’re just doing our thing. Parang eto kami, eto yung mga ginagawa namin, eto yung sini-share namin na tipong ganun.

Continue reading below ↓

“Tumahimik na lang and eventually it died down,” sabi pa ng Kapamilya actor.

Ang sure lang daw siya, nandiyan pa rin at patuloy pa ring bumibilis ang heartbeat niya para kay Kim.

“Siyempre, lagi ko ngang sinasabi sa isang relationship, dapat every single day, you work on it.

“Bawal makampante sa isang relationship,” nakangiting pahayag ni Xian.

NOEL FERRER

Matagal nang konsepto ng TV5 at Viva ang 1000 Heartbeats na ngayon nga ay ginawang Pintig Pinoy, at wala pa sa hinagap na pwedeng mag-host ng game show si Xian Lim.

Does this mean, hindi na muna makakagawa ng ABS-CBN or GMA-7 show si Xian habang nagho-host siya nito sa TV5?

Hindi ko na sigurado ang ganitong kalakaran, simula nang mag-carry na rin ng Kapamilya shows ang Kapatid network.

Sana talaga, dumating ang pagkakataong pwede nang gumawa ng programa sa kahit na anong channel ang kahit na sinong artist—walang exclusivity at walang network wars. Sana.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Noong Agosto 2011 pa nagsimulang ipalabas ang Kapamilya teleseryeng My Binondo Girl kung saan unang nagtambal sina Kim at Xian, at kapagkuwan ay nagkamabutihan.

Huling nagtambal ang KimXi ay sa 2020 afternoon series na Love Thy Woman.

Sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ay engaged na, pero ang KimXi ay steady lang.

Sa Abril ay edad 31 na si Kim, pero wala yatang pumi-pressure na mag-level up sila ni Xian.

Basta, ang heartbeats nila ay para sa isa’t isa. Sapat na siguro iyon.

Nasubukan na ni Xian magdirek ng pelikula para sa Cinemalaya indie filmfest. Nakapag-host na rin siya ng mga timpalak.

Tingnan natin kung pupusuan ng televiewers ang pagsabak niya bilang host ng game show.

Basta, hindi siya nauubusan ng project.

Maliban sa teleseryeng Love Thy Woman, dalawang pelikula ni Xian ang ipinalabas last year—UnTrue with Cristine Reyes, at Love The Way U Lie with Alex Gonzaga. Parehong nasa Netflix ang dalawang pelikulang ito.

Continue reading below ↓

This year, nag-premiere ang Parang Kayo Pero Hindi nila ni Kylie Verzosa sa Vivamax. And then, heto nga, host siya ng isang game show sa TV5.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim on handling intrigues: “At this point, parang natanggap ko na sa bawat kilos ng isang aktor o ng isang artista ay meron at merong masasabi ang ibang tao. Maganda man o masama, you just have not pay attention to those things para sa akin."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results