Beth Tamayo ikinasal sa Amerikanong si Adam Hutchinson via online

by PEP Troika
Mar 5, 2021
Actress Beth Tamayo and her American fiance Adam Hutchinson tie the knot via an online civil ceremony at the comfort of their own home in Bay Area, San Francisco, California.
PHOTO/S: Beth Tamayo Facebook

NOEL FERRER

Isa pa sa mga nadagdag na nagpakasal nitong pandemic ay ang kaibigan nating si Beth Tamayo.

Ikinasal sa Beth sa Amerikanong si Adam Hutchinson, via online, sa mismong bahay nila sa Bay Area, sa San Francisco, California nitong March 3 (March 4 sa Pilipinas).

Sabi ni Beth sa kanyang Facebook post, “3.3.2021 [three red hearts emojis] Getting married during the pandemic was quite an experience.

"Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home.

“We even used a toolbox as our laptop stand! So classy!"

Beth Tamayo, Adam Hutchinson online civil wedding

Continue reading below ↓

“When it is SAFE, we will definitely celebrate with our family and friends and have the best time ever!

“Wanted to personally thank Hannah Lee for taking the time to join us and help with last minute stuff and taking our pictures. To Nol Cueto for taking care of our flowers! My sister Joanne Odulio-Caldejon who was one of our witnesses and surprised us with an awesome yard sign!

“To Corby and Gina Henkels Lange who officiated. To my in-laws Russ and Julie A Hutchinson [three red hearts emojis]

“To my mom Zeny Tamayo who woke up early to watch it behind the scenes. To my co-workers and friends who sent us flowers. To everyone who texted us and sent their best wishes, THANK YOU! We feel the love and appreciate you all! Love you guys!”

Inaayos nating makasama natin si Beth at maipakilala ang kanyang asawa sa The Troika Talk sa lalong madaling panahon!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Mabuhay ang bagong kasal!

Nairaos nina Beth Tamayo at Adam Hutchinson nang maluwalhati ang online wedding, at bakas sa mukha nila ang wagas na kaligayahan!

For sure, masaya para kay Beth ang mga kasamahan niya sa That’s Entertainment, maging ang kaibigang Judy Ann Santos, at pamangkin na si Dominic Roque.

Cheers, Mr. & Mrs. Hutchinson!

Beth Tamayo, Adam Hutchinson wedding

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang kuwento ng buhay ni Beth ang isa sa masasabi nating punung-puno ng pag-asa.

Huwag lang mapanghinaan ng loob, kapit lang sa pananalig at taimtim na pagdarasal, malalagpasan at malalagpasan mo ang lahat na balakid na humaharang sa mga pinagdadaanan.

Sa mga hindi pa alam ang kuwento ni Beth Tamayo, sana okay lang sa kanyang ibahagi uli ito para masilbing leksyon na rin sa lahat. Hindi rin kasi biro ang mga pinagdaanan niya.

Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa, at hindi bumitaw ang mga taong nagmamahal sa kanya at patuloy na sumusuporta sa kanya. Kaya masaya kami sa kanya.

Deserved niya ito lahat dahil mabuti siyang tao at hindi pa rin talaga nagbabago.

Mabuhay ka, Beth! Best wishes to Mr. and Mrs. Adam Hutchinson.

Newly-weds Beth Tamayo, Adam Hutchinson

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Beth Tamayo and her American fiance Adam Hutchinson tie the knot via an online civil ceremony at the comfort of their own home in Bay Area, San Francisco, California.
PHOTO/S: Beth Tamayo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results