Guesting ni Arjo Atayde sa Daddy's Gurl, may basbas ni Vic Sotto

by PEP Troika
Mar 5, 2021
Vic Sotto on Maine Mendoza's relationship with Arjo Atayde: “Yung personal na buhay niya, dapat respetuhin natin. E, talagang sila ay nagmamahalan. Kung mahal niya si Arjo, out na tayo run, buhay niya yun, e. Nakikita ko namang masaya siya at naalagaan naman siya nang mabuti, okay lang.”

GORGY RULA

Mapapanood na bukas, Marso 6, Sabado ng 9:15 p.m., ang guesting ni Arjo Atayde sa Daddy’s Gurl ng GMA-7.

Ngayon pa lang ay pinapa-trending na ng fans ni Maine Mendoza, at maging ng ibang AlDub fans na rin, ang #DADDYSGURLCuteCompetitor #MaineMendoza pati ang #68thMainesary.

Ang iba ay pinik-ap pa ang interview namin kay Vic Sotto sa DZRH noong nakaraang Miyerkules, March 3, kung saan nagbigay ng pahayag si Bossing sa guesting ni Arjo.

May ilang fans kasing kumukontra sa guesting na yun. Maaaring galing ito sa ibang grupo ng fans na talagang loyal sa AlDub tandem nina Alden Richards at Maine.

Hindi naman daw maiiwasan yun, sabi ni Bossing Vic. Pero nakikita raw nila ang pagmamahalan nina Arjo at Maine, kaya umokey siya sa guesting ni Arjo para sa birthday episode ng kasintahan.

Ani Bossing Vic, “Nung binanggit ng aking staff kung pwede mag-guest si Arjo, okay lang, sabi ko, birthday naman nung tao.

Continue reading below ↓

“Yung personal na buhay niya, dapat respetuhin natin. E, talagang sila ay nagmamahalan.

"Kung mahal niya si Arjo, out na tayo run, buhay niya yun, e.

“Nakikita ko namang masaya siya at naalagaan naman siya nang mabuti, okay lang.”

Abangan natin bukas kung paano ito susuportahan ng loyalists ni Maine na tanggap ang relasyon nila ni Arjo.

Malagpasan kaya nito ang rating ng Daddy’s Gurl noong nakaraang Sabado, February 27, na naka-10.2%?

JERRY OLEA

Arjo Atayde vs Arjo Atayde!

Ire-replay ng Maalaala Mo Kaya bukas ng 9:00 p.m. ang Rocky Gathercole story.

Hindi sadya ng MMK na tapatan ang guesting ni Arjo sa Daddy’s Gurl (9:15 p.m, pagkatapos ng Magpakailanman).

Pumanaw kasi ang bantog na fashion designer na si Rocky Gathercole nitong Marso 3, Miyerkules, kaya ire-replay nila ang nasabing episode na unang ipinalabas noong Hulyo 1, 2017.

Arjo Atayde as Rocky Gathercole in MMK

Continue reading below ↓

Sa likod ng mga disenyo ni Rocky ay nariyan ang isang batang ginustong magkaroon ng buong pamilya.

Isang linggo matapos siyang ipinanganak, iniwan na siya ng ina, at lumaki lamang siya sa pagbabantay ng lasenggero at babaerong ama.

Paglipas ng pahanon, napagtanto ni Rocky ang kanyang tunay na kasarian. Dahil dito, nagdesisyon siyang hanapin ang kanyang ina, at iwan ang ama.

Ang inakalang masayang pagkikita ay nagdulot pa ng mas malalim na sugat. Itinaboy si Rocky ng kanyang ina dahil ayaw nitong magulo pa ang bago nitong pamilya.

Kaya si Rocky ay naiwan na mag-isa at pagala-gala sa kalsada ng Maynila.

Paano niya nakayanan mabuhay mag-isa? Ano ang naging tulay para maging isang sikat na designer si Rocky?

Tampok din sa episode na ito sina Zaijian Jaranilla bilang batang Rocky, Nonie Buencamino, Jenny Miller, Shy Carlos, Fanny Serrano, at Pooh.

Mapapanood ang MMK sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC, TFC at A2Z Channel 11.

Continue reading below ↓

Siyanga pala, ginunita ng AlDub Nation ang 294th weeksary ng tambalang Alden-Yaya Dub kahapon, Marso 4, Huwebes.

Andiyan pa rin ang mga solid AlDub kahit may Arjo na si Maine, at iba-iba na ang nakakatambal ng Asia’s Multimedia Star.

Nitong Marso 2, Martes, ay pumirma na ng kontrata sina Alden Richards at Bea Alonzo para sa pelikulang A Moment To Remember. Nakatrabaho na ni Alden si Bea sa isang shampoo commercial.

Hindi pa kumpirmado, pero naulinigan natin na si Jasmine Curtis-Smith ang malamang makatambal ni Alden sa susunod niyang teleserye.

Nagtambal sina Alden at Jasmine sa unang installment ng I Can See You anthology, ang “Love on the Balcony” na streaming sa Netflix mula noon pang Pebrero 15.

NOEL FERRER

Isang feat na masasabi ang pag-o-over the bakod ni Arjo sa Kapuso network, kahit na sabihin pang special blocktime arrangement ang meron between MZet ang GMA-7.

'Tapos, with this MMK replay, nataong kapipirma pa lang muli ni Arjo bilang Kapamilya exclusive talent, lalo pa’t may added value pa’t kakapanalo pa lang ni Arjo bilang Best Actor sa Asian TV Awards.

Continue reading below ↓

Good things happen to good people indeed.

Pagkatapos ng kind words ni Maine for Arjo in his added years as Kapamilya, sana talaga, mas marami pang pagkakataong magkasama sa mga magagandang projects kahit online o sa pelikula man.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on Maine Mendoza's relationship with Arjo Atayde: “Yung personal na buhay niya, dapat respetuhin natin. E, talagang sila ay nagmamahalan. Kung mahal niya si Arjo, out na tayo run, buhay niya yun, e. Nakikita ko namang masaya siya at naalagaan naman siya nang mabuti, okay lang.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results