Iza Calzado, ipinagpapasalamat na nadagdagan ang pagpapalabasan ng Kapamilya shows

by PEP Troika
Mar 5, 2021
Sa huling dalawang linggo ng Kapamilya prime-time series na Ang Sa Iyo Ay Akin, na mapapanood na rin sa TV5, ay painit nang painit ang mga eksena nina Iza Calzado (kaliwa) at Jodi Sta. Maria (kanan).
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

NOEL FERRER

What a good announcement habang nagpi-finale presscon ang No. 1 teleserye ngayong pandemic na Ang Sa Iyo Ay Akin (ASIAA).

Kinumpirmang maipapalabas ang last two weeks ng maiinit na episodes ng Ang Sa Iyo Ay Akin sa TV5.

Ang naisip ko lang, matatapos na ang Ang Sa Iyo Ay Akin. Dahil siguro sa ASIAA, marami at sapat na ang natutunan natin: pagkakaibigan, pamilya, pagmamahalan, at pagpapatawad.

Sana, ganun din ang pandemya, matapos na.

Sadly, we just got word na pumalo ulit sa 3,045 ang new COVID cases ngayon. Nakakatakot po ito.

Catch the last two weeks ng ASIAA—along with FPJ’s Ang Probinsyano, Walang Hanggang Paalam, at ang finale rin ng Pinoy Big Brother: Connect sa TV5 starting March 8, Monday.

ABS-CBN Primetime shows on TV5

Sabi nga ng lead actress ng ASIAA at talent kong si Iza Calzado, “It’s not just about our show, but ABS-CBN programs being given another platform under this scenario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Despite the franchise being taken away from us, people found ways to watch the show. We are forever grateful.”

GORGY RULA

Nitong nakaraang linggo, mas mataas ang rating ng Kapamilya programs sa A2Z kumpara sa ABS-CBN shows na ipinalalabas sa TV5.

Noong Linggo, February 28, mas mataas ang ASAP sa A2Z na naka-1.3%, kumpara sa 1.2% ng TV5, ayon sa AGB Nielsen.

Sinundan ito ng FPJ Da King na 2% sa A2Z, at 1.5% naman sa TV5.

Kaya ang naglalaban ngayon pagdating sa ratings ay TV5, A2Z, at GTV. Nahihirapan silang pantayan ang ratings ng mga programa sa GMA-7.

So far, hindi pa gaanong nakakasampa sa 4% ang rating ng mga prime-time Kapamilya programs sa A2Z. Ganun din kaya ang makukuhang rating sa TV5?

Tingnan natin kung makakatulong sa dalawang network ang partnership na ito ng A2Z at TV5 dahil hindi pa rin ganoon kalawak ang reach ng mga programa ng Kapatid network.

Maaring mabalanse lang dahil sa Metro Manila napapanood ang A2Z, meron naman sa mga probinsya ang TV5.

JERRY OLEA

Simula noong Pebrero 22, napapanood sa TV5 ang seryeng Paano Ang Pangako? mula Lunes hanggang Biyernes, 7:15 p.m.

Napaaga ang timeslot ng teleserye nina Maricel Laxa, Beauty Gonzalez, at Elijah Canlas dahil simula Marso 8, mapapanood ang Kapamilya programs sa TV5 kung weeknights mula 8:00 p.m. hanggang 10:30 p.m.

TV5 drama series Paano ang Pangako

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

8:00 p.m. ang FPJ’s Ang Probinsyano, na susundan ng Ang Sa Iyo Ay Akin by 8:40 p.m.

Susunod ang Walang Hanggang Paalam, and then, PBB Connect.

Gabi-gabi ang PBB Connect, na gaganapin ang Big Night sa Marso 14, Linggo.

“We welcome the inclusion of ABS-CBN entertainment shows in our roster of programs. We believe that this content deal will benefit Filipino viewers across the country because of TV5’s extensive coverage," sabi ni Robert P. Galang, ang presidente at CEO ng Cignal at TV5.

Makikipagsalpukan na ang FPJ’s Ang Probinsyano at Ang Sa Iyo Ay Akin sa dalawang prime-time series ng GMA-7 na malapit nang magwakas, kaya bonggang-bongga ang mga ganap.

Sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday, nabunyag na ang baby switching—si Ginalyn (Barbie Forteza) ang anak ni Sussie (Dina Bonnevie), at si Caitlyn (Kate Valdez) ang anak ni Amy (Snooky Serna).

Ang ganda ng color coordination ng kanilang mga suot sa revelation. Siksik, liglig, hitik na hitik ng patalastas ang programa! Nag-uumapaw!

Sa Love of My Life, tila matatanto na ni Kelly (Rhian Ramos) na mahal pa rin ni Adelle (Carla Abellana) si Nikolai (Mikael Daez). Wagi!!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa huling dalawang linggo ng Kapamilya prime-time series na Ang Sa Iyo Ay Akin, na mapapanood na rin sa TV5, ay painit nang painit ang mga eksena nina Iza Calzado (kaliwa) at Jodi Sta. Maria (kanan).
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results