Tatlong male celebrities, na-link noon kay Allan K?

by PEP Troika
Mar 7, 2021
Sinu-sino kaya ang tatlong male celebrities na na-link kay Allan K?
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Si Allan K ang special guest sa The Boobay and Tekla Show nitong Marso 7, Linggo ng gabi sa GMA-7.

Nawindang ang comedian/TV host nang isalang siya sa segment na "May Pa-Presscon" na kung saan maiinit ang mga tanong na kailangan niyang sagutin.

Pero muntik na raw siyang mahulog sa kinauupuan niya nang merong tatlong litratong ipinakita sa kanya at kailangan niyang magbigay ng mensahe.

Tatlong guwapo at katilam-tilam na male celebrities ang ipinakita na maaring na-link at dumaan sa kanyang buhay.

Isang nalilinya sa sports, isang nalilinya sa modeling, at isa naman sa showbiz.

Hindi nagbigay ng mensahe si AK kundi nag-comment lang.

Isa lang ang binanggit niya sa aming walang malisya ang closeness niya sa lalaking iyon.

Parang alaga lang daw talaga at tinutulung-tulungan nila.

Hindi na nag-comment si Allan K sa dalawa pa.

Ano sa tingin ninyo, ka-Troiks?

Tahimik lang kasi si Allan K at hindi siya ang tipong ipinangangalandakan kung meron siyang involvement sa isang male celebrity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya kahit anong kulit namin sa komedyante, smile lang ang sagot sa amin.

JERRY OLEA

Yeah... talap-talap ang tatlong kilalang male celebrities na naugnay kay Allan K.

Naalala ko tuloy ang Last Supper.

Yeah... matagal nang usap-usapan ang matamis na pinagsaluhan ng gay comedian at ng sports celebrity na makulay ang love life.

Kahit si Pogilicious Yummylicious Model, colorful din ang love life, di ba?

Scandalicious!

At ang young actor na taga-showbiz... ayan na!

NOEL FERRER

Good to see Allan K on weekend TV at siguradong pag-uusapan iyan lalo pa’t yung sports personality ay puwede niyang sabihan ng “Una Kang Naging Akin” vis-a-vis sa high-profile na nakarelasyon nito.

In a related news, alam ba ninyong ang show na dating hino-host ni Allan K na parang Karaoke Challenge ay bubuhayin ng TV5 with Kuya Randy Santiago as host plus K Brosas at Donita Nose sa SingGaling!!!?

Ang saya lang nito, at malay mo, kung maging successful ay baka maulit din ang concept na ito sa GMA-7, what do you think?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinu-sino kaya ang tatlong male celebrities na na-link kay Allan K?
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results