Billy Crawford, may mensahe sa mga taong nagtampo sa kanya dahil sa pag-alis niya sa ABS-CBN

by PEP Troika
Mar 7, 2021
Nilinaw ni Billy Crawford na tapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN bago pa man na-deny ang renewal ng franchise nito.
PHOTO/S: @billycrawford on Instagram

GORGY RULA

Natuwa si Billy Crawford nang nabalitaan niyang mapapanood na rin sa TV5 ang tatlong primetime drama series ng ABS-CBN—FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, at Walang Hanggang Paalam.

Masaya raw si Billy para sa mga primetime program ng dati niyang network.

Nilinaw niyang wala siyang tampo sa ABS-CBN 2. Wala siyang sagot sa isyu kung may nagtatampo ba sa kanya sa dating network dahil maayos daw ang pag-alis niya.

Bago pa man ang shutdown ay tapos na raw ang kontrata niya sa Kapamilya network. Walang sinasabi sa kanyang magri-renew siya.

“Hindi naman ako nag-burn ng bridge somehow.

“Actually, bago matapos yung franchise ng ABS or hindi pa na-renew yung franchise, natapos na yung kontrata ko sa ABS.

"It was either ano ang babalikan ko at that time—kasi, lahat kami, nasa limbo kami na hindi namin talaga alam kung ano ang mangyayari, kung ano ang desisyon ng government, ano ang desisyon ng ABS sa amin lahat.

Continue reading below ↓

"Marami-rami rin kami sa Kapamilya network. So, hindi ako sure kung ano talaga ang i-keep ng ABS.

“So, sa mga taong nagtampo sa akin, siguro normal naman yun.

"Pero sa tagal-tagal ko rin naman sa industriya, alam n’yo namang galing ako sa 7, pumunta ako ng 2, nagka-show ako sa channel 13, naikot ko na yata lahat.

“Para sa akin, kung nakakaintindi kayo ng pangangailangan ng tao, iyon talaga ang uunahin ng tao, e,” saad ni Billy nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Huwebes, March 4.

Masaya lang si Billy dahil tuloy pa rin ang komunikasyon nila ng mga kaibigan niya sa ABS-CBN 2.

Natuwa siyang ikinuwento sa aming kinausap pa raw siya ni Luis Manzano para ipaalam na gagawin na nito ang Your Face Sounds Familiar, ang huling programa ni Billy sa Kapamilya network.

Pinuri ni Billy ang kaibigan dahil hindi raw kailangang magpaalam sa kanya dahil hindi niya pag-aari ang naturang show.

Continue reading below ↓

“Nag-usap kami tungkol dun and I’m more than happy. Alam mo, yung sobrang tuwa ako na si Luis pa ang nag-take over. Kung saan huling ginawa ko sa ABS-CBN at that time.

“Nagsabi siya sa akin na, ‘Actually, kinausap ako ng management kung puwede ko raw ba i-host yung Your Face Sounds Familiar.’

“Alam mo, sa totoo lang, bihira tayo makakita ng tao sa industriya na magkakaroon ng respeto ng ganun, na alam mong magtatanong lang sa ‘yo na hindi naman niya kailangan.

“Nagpasintabi siya… saludo talaga ako sa taong iyon na alam mong tunay mong kaibigan.

“Marami pa sila sa ABS na until now, kausap ko pa rin… sina Vhong [Navarro], sina Jhong [Hilario]. Lahat, nag-usap-usap pa rin kami,” pahayag ng host ng bagong game show ng TV5 na The Wall Philippines.

NOEL FERRER

The decisions we make in our lives say a lot of things about us.

Siguro, mas nangibabaw kay Billy ang survival at hindi pagkaputol ng kanyang salary stream.

Continue reading below ↓

Although, did he really think na aalisin siya sa It’s Showtime? I doubt naman.

He just opted for probably a more lucrative offer in the other network.

Hanggang kailan? Hindi natin alam.

Pero iyon na ang desisyon ni Billy.

Had he waited kaya, or had he been told na gagawin niya ang It’s Showtime at Your Face, could he have stayed in the Kapamilya network?

For now, sa LOL at The Wall na muna siya.

JERRY OLEA

Hindi ko masisisi si Billy na sunggaban ang alok na mag-host ng Lunch Out Loud at TV5. Meron siyang mag-ina na kailangang buhayin.

Multi-talented si Billy at marunong makisama, kaya tumagal siya sa showbiz. Dito na nga siya lumaki.

Kaya kahit ano pa ang mangyari, naniniwala ako na may puwang si Billy sa local entertainment industry—sa pelikula man o telebisyon, maging sa musika.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilinaw ni Billy Crawford na tapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN bago pa man na-deny ang renewal ng franchise nito.
PHOTO/S: @billycrawford on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results