Maski si Anjo Yllana, hindi masagot kung kailan makakabalik sina Janno Gibbs at Kitkat sa Happy Time

by PEP Troika
Mar 7, 2021
Habang wala sina Janno Gibbs at Kitkat sa Happy Time, nag-e-enjoy naman daw si Anjo Yllana (nasa larawan) na kasama sa show bilang co-hosts sina Boobsie, Mico Aytona, at CJ Hirro.
PHOTO/S: Screen grab from DZRH

GORGY RULA

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Anjo Yllana kung regular na ba niyang makakasama sina Boobsie, Mico Aytona, at CJ Hirro sa Happy Time.

Tuluyan na bang tinanggal sina Janno Gibbs at Kitkat sa noontime show ng Net 25?

Hindi pa masasagot iyan ni Anjo dahil wala raw sinasabi sa kanya ang management.

“Not sure. Basta work lang kami,” text sa akin ni Anjo nang nagkumustahan kami nitong Marso 7, Linggo ng gabi.

Nasilip ko ang ilang episodes ng Happy Time at masaya naman sila.

Nakakatawa talaga si Boobsie, magaling kumanta, at okey rin sa hosting si CJ, at kaagad naka-blend sa kanila si Mico.

Matipid ang sagot sa akin ni Anjo pagdating kina Janno at Kitkat.

Nasa management na raw ang desisyon kung ano na talaga ang plano nila sa dalawang original niyang co-host.

“Between them and management na, e... di ko alam ano latest na. Wala silang sinasabi sa amin, good job lang [tatlong laugh emoticon].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In fairness, masaya naman mga kasama ko ngayon. Kaso di ko alam kung ano plans ng management,” dagdag niyang text sa akin.

Nag-e-enjoy siya kina Boobsie at ang gaan daw nilang katrabaho. Pero hindi pa raw niya masagot kung regular na ba talaga sila o may posibilidad pang makabalik sina Janno at Kitkat.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap nina Janno at Kitkat.

“The decision to bring them back is management’s decision. Kung permanent na ba eto, wala pa sinasabi ang management.

“Kami, kung ano lang ipagawa, ginagalingan lang namin. Ang wish ko lang, magkabati na sila [Janno and Kitkat], kung di pa sila bati,” huling text sa akin ni Anjo.

NOEL FERRER

Base sa pronouncement ng Net25 na nauna nang napabalita dito sa PEP, “isa lang kasi ang kundisyon na ibinigay sa dalawa ng Net25 management—ang magkasundo sila pagkatapos ng kanilang alitan na nangyari sa taping nila noong February 18, 2021.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung si Janno ay handa raw makipag-ayos, kumusta kaya si Kitkat?

For now, nananatiling silang dalawa ang nawalan ng trabaho dahil sa sigalot na ito.

JERRY OLEA

Malalim ang hugot ni Kitkat sa Facebook post nitong Marso 7, Linggo.

Ani Kitkat, “Forgiveness is not about the other person. It does not mean that what happened is okay. You don’t need to tell the other person that you forgive them or LET THEM BACK TO YOUR LIFE. Do not take the other person who harmed you take up your life.

“Forgiveness does not mean condoning or excusing a wrong. And it doesn’t minimize or justify the wrong. We can forgive the person without excusing the act.

“I love you Jesus and Mama Mary, Amen Happy Sunday.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang wala sina Janno Gibbs at Kitkat sa Happy Time, nag-e-enjoy naman daw si Anjo Yllana (nasa larawan) na kasama sa show bilang co-hosts sina Boobsie, Mico Aytona, at CJ Hirro.
PHOTO/S: Screen grab from DZRH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results