Baby switching sa Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday, tinataasan ng kilay

by PEP Troika
Mar 8, 2021
More intense scenes are expected in these prime-time shows this week (clockwise) Love of My Life, Ang Sa Iyo Ay Akin, FPJ's Ang Probinsyano, Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Mabangis ang salpukan ng mga prime-time teleserye this week (Marso 8-12, Lunes hanggang Biyernes).

Finale week na ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Dahil sa DNA test, mapapatunayang parehong anak ni Joaquin (Jay Manalo) sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez). Malalaman na nina Amy (Snooky Serna) at Sussie (Dina Bonnevie) kung nagkaroon nga ba ng baby switching.

Noon pa man ay magaan ang kalooban ni Amy kay Caitlyn. Pero si Sussie, tila walang lukso ng dugo kay Ginalyn. O ayaw lang ni Sussie na usigin siya ng budhi dahil sa mga pang-aapi at pagpapahirap sa kanyang tunay na anak? If ever, matatanggap ba ni Ginalyn na si Sussie ang kanyang biological mother sa kabila ng mga kasalanan nito sa kanya?

Palabas ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday tuwing 8:00 p.m., pagkatapos ng 24 Oras.

Pagsapit ng 8:50 p.m., andiyan naman ang Love of My Life na dalawang linggo na lamang sa ere.

Paano pag nalaman ni Nikolai (Mikael Daez) na mahal na rin siya ni Adelle (Carla Abellana)? Pakakasalan pa rin ba ni Nikolai si Kelly (Rhian Ramos)? More and more ang matitinding eksena sa Love of My Life!

Simula Marso 8, Lunes, mapapanood na sa TV5 ang primetime shows ng ABS-CBN Entertainment.

Tuwing 8:00 p.m. ang FPJ’s Ang Probinsyano. Nilinaw ng ABS-CBN na tuloy pa rin ang pagpapalabas nito at hindi ito magwawakas sa Abril 2021.

Matutunghayan pa ang mga eksenang nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya, bansa, at Diyos sa pagsubaybay sa kuwento ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito pagsapit ng 8:40 p.m. ang Ang Sa Iyo Ay Akin, na dalawang linggo na rin lang sa ere.

Malalagay sa bingit ng kamatayan si Jake (Grae Fernandez) sa tangka nitong muling takasan sina Caesar (Simon Ibarra). Nagpasya si Caesar na sumama kay Red (Manuel Chua) matapos matunton ng huli ang lokasyon nina Jake at Hope (Kira Balinger) para siguraduhing mapatay ang dalawa.

Nalaman din ni Gabriel (Sam Milby) ang kinaroroonan ng mga anak kaya magmamadali itong puntahan sila. Sa paglapit ni Gabriel sa kinaroroonan nina Jake at Hope, makakasalubong niya si Avel (Joseph Marco). Sa pag-uunahan nina Gabriel, Avel, at Caesar na maabutan ang dalawa, isang kapahamakan ang sasalubong kay Jake.

Samantala, tuluyan nang napaikot ni Marissa (Jodi Sta. Maria) si Caesar dahil nakumbinsi itong ilaglag si Ellice (Iza Calzado) kapalit ang mga dokumentong naglalaman ng mga anomalyang kasangkot siya.

Magwagi kaya si Caesar sa kanyang mga binabalak? Tuluyan kayang mawalan muli ng anak si Marissa? Ano ang mangyayari kay Ellice sa pagsisiwalat ni Caesar?

GORGY RULA

Ang kuwento ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday ay tinataasan ng kilay ng ibang nagmamarunong o nagmamagaling dahil ayan na naman, palitan ng mga anak na sa teleserye lang daw ito nangyayari.

Pero totoong nangyayari ang baby switching na inilantad ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Meron pa silang inilabas noong Linggo, March 7, na halos magkapareho ang kuwento na nagkapalitan. Pero bangkay naman ang sanggol na iniluwal ng isang ina sa hospital. Nagsilbing eye-opener ito sa lahat na dapat talagang mabigyang atensyon dahil sa kapabayaan ng ilang hospital.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi nga ng bida ng Anak ni Waray... na si Barbie Forteza, “I was actually surprised to learn that it could really happen in real life.

“Personally, I hope maaayos po ‘yan and don’t let it happen again, ang hirap pong i-handle ‘yan, e.”

Excited na ang iba pang cast na mapanood ang ending ng drama series na ito dahil iba raw talaga ang bonding nila noong naka-lock-in taping sila sa Batangas at sa Tagaytay.

Nami-miss na raw ni Kate Valdez si Barbie, dahil talagang nabuo ang magandang friendship nila sa taping.

Ngayon pa lang ay todo na rin sa plugging ang GMA-7 sa First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na ipapalit sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

NOEL FERRER

Pagsapit ng 12:00 midnight ng bawat araw, nakagawian kong panoorin ang advance episodes ng number one teleserye ngayon sa iWant TFC—besting even the formidable FPJ’s Ang ProbinsyanoAng Sa Iyo Ay Akin (ASIAA).

Kesehodang magbayad ng additional money para lang malaman ang kinasapitan ng characters na wala kang itulak-kabigin sa galing ng pagganap!

This week, mapapanood ang sinabi sa presscon na paghaharap ng dalawang magnanay na sina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Lucing (Maricel Soriano), Ellice (ang talent kong si Iza Calzado) at Belen (Rita Avila).

Napanood ko na ang advance preview nito at talaga namang one for the books. Hindi lang umaatikabo ang linyahan, kundi pati na ang sampalan at iyakan na kasama na sa soap tradition.

Isang kasamahan sa produksiyon, na ngayo’y nasa Kapuso network na, ay hooked na hooked sa ASIAA. Inaabangan din niya ang advanced episodes nito sa iWant TFC, na ang sabi ko’y i-suggest sa GMA-7 na gawin din ito para may bagong revenue stream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin ay may purchasing power ang mga nanonood ng ASIAA at di alintana ang pagbabayad ng dagdag na halaga para lang hindi mabitin ang panonood ng paborito nilang teleserye.

Dagdag na motivation ito sa buong team para lalo pagbutihin at pagandahin ang kanilang trabaho, kaya consistently number one ang Ang Sa Iyo Ay Akin sa digital platform—dahilan para tawagin itong “The Most Successful Teleserye During The Pandemic (And The ABS-CBN Shutdown)."

Wagi!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
More intense scenes are expected in these prime-time shows this week (clockwise) Love of My Life, Ang Sa Iyo Ay Akin, FPJ's Ang Probinsyano, Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results