Alex Diaz nilinaw ang estado sa GMA-7 dahil sa paglabas niya sa GTV show

by PEP Troika
Mar 8, 2021
Alex Diaz (left) on working with Kapuso actor Yasser Marta: “Working with Yasser was great. I’ve been fortunate lately sa mga nakapartner ko sa BL projects dahil open-minded and forward thinking silang lahat. Yasser was no exception, he’s kind, he’s handsome, and he’s a great actor."
PHOTO/S: Courtesy of GTV

JERRY OLEA

Bida sina Alex Diaz at Yasser Marta sa “Fairy Tail Romance” episode ng My Fantastic Pag-ibig na magpi-premiere sa Marso 13, Sabado ng 7:30 p.m., sa GTV (dating GMA News TV).

Light fantasy drama ang episode, kung saan ang karakter ni Alex ay isang merman na may pagtingin sa isang tao, na ginagampanan ni Yasser.

Tampok din sa episode sina Jo Berry, Skelly, at Cecil Paz, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Ito ang unang proyekto ni Alex sa GMA-7.

Kapuso na ba si Alex officially? Pipirma na ba siya ng kontrata sa GMA Artist Center?

“I’m not officially a Kapuso nor have I had any offers to sign with GMA, but I’m really grateful to be working especially on such an interesting character,” lahad ni Alex via Messenger nitong Marso 8, Lunes.

“Working on set with production and the cast was great and fun as always. Matagal na kaming magkakilala ni Direk Adolf and it’s always fun working with good friends.”

Continue reading below ↓

Kumusta ang pakikipagtrabaho kay Yasser? Naramdaman ba niyang swak ang kanilang chemistry?

“Working with Yasser was great. I’ve been fortunate lately sa mga nakapartner ko sa BL projects dahil open-minded and forward thinking silang lahat,” pahayag ng aktor.

“Yasser was no exception, he’s kind, he’s handsome, and he’s a great actor. Excited akong makita ninyo yung efforts namin sa kuwentong ito.”

Gaano ka-challenging ang gumanap na merman?

“Mahirap din! Sobrang iba ang buhay ni Lantis kay Nep. Which meant that I had to learn how to navigate Nep’s world as someone who’d never even stepped foot on land,” tugon ni Alex.

“Interesting scenario siya. Pati yung mga sequences na lumalangoy ako, halos 10-15 feet deep yung ibang shots na nilalangoy ko with the mermaid tail. Swimming with the tail is much harder than it looks! It was exciting and challenging!

“Also, bago namin shinoot yung aeriel drone shot, I saw a giant sting ray jump out of the water! It was exciting and scary na maging ganun kalapit sa nature!”

Continue reading below ↓

Anong assessment niya sa kanyang showbiz career?

“I’m just happy to be working! I’m happy to be waking up doing something that makes me so passionate,” saad ni Alex.

“Blessed lang talaga kaya thankful din ako to be working consistently despite all that’s happened.”

GORGY RULA

Forte ng GMA-7 ang fantasy, at sana nga kasing ganda rin ito ng Daig Kayo ng Lola Ko, na magsisimula na ring mag-taping ulit. Pero ang dinig ko, hindi na kasali si Tita Gloria Romero.

Tingnan natin itong My Fantastic Pag-ibig na itinotodo na ng promote ni Alex Diaz sa kanyang TikTok account.

Mukhang bumagay sa kanya ang role, pero bakit laging nalilinya siya sa BL projects?

Pero promising si Alex, at bakit nga ba hindi siya papirmahin ng GMA-7?

Okay naman siyang umarte at puring-puri nga siya ni Nora Aunor dahil kasama rin siya sa pelikulang Kontrabida na pinagbidahan ng original Superstar. Tila isa yata sa naging paborito ngayon ni Direk Adolf Alix si Alex.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Tama ka, Tito Gorgy, damang-dama ni Alex ang kanyang roles at wala siyang takot ma-typecast.

Sana nga ay patuloy na makagawa ng magagandang fantasy programs na hindi lang nakakaaliw kundi nakakapagturo ng magagandang aral sa mga bata.

Congrats, Direk Rico Gutierrez (direktor ng Daig Kayo ng Lola Ko) na naparangalan sa animated movie nila internationally.

Sana, magawa mo ito sa GMA at sa mga susunod mo pang projects!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Diaz (left) on working with Kapuso actor Yasser Marta: “Working with Yasser was great. I’ve been fortunate lately sa mga nakapartner ko sa BL projects dahil open-minded and forward thinking silang lahat. Yasser was no exception, he’s kind, he’s handsome, and he’s a great actor."
PHOTO/S: Courtesy of GTV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results