Ano ang ipapayo ni Pilar Pilapil kay President Duterte kung siya ang ina nito?

by PEP Troika
Mar 8, 2021
Si Pilar Pilapil ay gaganap na presidential mother sa upcoming Kapuso prime-time series na First Yaya. Kaya natanong siya kung ano ang ibibigay niyang advice kung siya ang ina ng Pangulo sa tunay na buhay na si Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: @dylanchuamakeup / @jojonones Instagram

GORGY RULA

Isa si Pilar Pilapil sa veteran stars na mas gusto ang lock-in taping kesa sa dating set-up na taping noong wala pa ang pandemya.

First time itong nagawa ni Pilar sa First Yaya na ikinatuwa niya dahil naka-bonding niya ang kanyang co-stars lalo na ang mga bagets.

“Okay naman. Kasama rin ako sa barkada nila. Sometimes, I get to be a counselor. Sometimes, parang nagpapatawa rin ako sa kanila, comedian din ako.

“I get along with them very very well. I love them. They’re nice group,” napapangiti niyang sagot sa virtual mediacon ng First Yaya nitong Lunes ng hapon, Marso 8.

First Yaya cast

Continue reading below ↓

Na-enjoy raw niya kapag niyayaya siya ng mga bagets na sumama sa kanilang pagti-TikTok.

“Sumasama ako sa Tiktok, pero sabi ko sa kanila, huwag ninyong ipalabas!” natatawa niyang pahayag.

Isang kontrabidang mother ni Gabby Concepcion na presidente ng bansa ang role ni Pilar sa First Yaya.

Halos kagaya rin daw ito ng ilang kontrabida roles na nagampanan niya noon, pero dito raw sa seryeng ito ay talagang all-out ang pagkakontrabida niya.

Pilar Pilapil, Gabby Concepcion, and Maxine Medina in First Yaya

Continue reading below ↓

Pero sa aming pakikipagtsikahan sa kanya, tinanong ko na rin kay Madam Pilar na kung halimbawang siya ang nanay ng ating pangulong Rodrigo Duterte, ano ang puwede niyang maibigay na payo sa Presidente ng bansa?

“The advice that I can give, is probably to be more careful in addressing the public.

“Knowing that we are a people of different ages and different ways of thinking.

“Be more careful in addressing the public, and at the same time, to be aware of the people around him.

“The people around him are a people who can we really trust and the country can trust,” diretso niyang sagot sa amin.

Hindi na namin siya inurirat pa at baka maging pulitika na ang usapan.

Magsisimula na ang First Yaya, na pagbibidahan din ni Sanya Lopez, sa Marso 15 sa GMA Telebabad.

NOEL FERRER

Interesting actually ang pagkakaroon ng character ng Presidente sa magkatapat na networks—si Gabby Concepcion sa First Yaya at si Rowell Santiago sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Si Pilar Pilapil ay co-star ngayon ni Gabby sa teleserye, at idinirek ni Rowell sa pelikulang Forever (1994) na launching ni Mikee Cojuangco.

More than the reality of lock-in tapings na tanggap na ng mga artista ngayon, magandang subaybayan ang portrayal ng Presidente sa mga soap opera na nabanggit.

Pa-comedy ba o pa-aksyon, o pa-drama? Presidenteng mali-mali ba, o palaban, o imbalidong natutulog sa dami ng mga nagaganap sa bayan?

Siguradong kathang-isip lang ang lahat ng ito. Pero di ba, magandang pag-aralan if arts imitates life, or vice versa, or wala lang.

JERRY OLEA

Isa si Pilar sa living treasures ng Philippine showbiz.

Sa presscon noon ng Kapamilya teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit (2019) ay agaw-eksena ang kanyang witty answers.

Nakakaaliw ang talas ng kanyang pagiging ismarte.

Maikli pero markado ang papel niya sa pelikulang Unexpectedly Yours (2017) bilang dominanteng ina ni Patty (Sharon Cuneta, at sa pelikulang Etiquette for Mistresses (2015) bilang legal wife ni Gab (Eddie Gutierrez).

Continue reading below ↓

Hindi ko malilimot ang pagganap niya sa pelikulang Tinik sa Dibdib (1985) bilang Tricia, na kerengkeng kay Lando (Phillip Salvador).

Bongga ang billing niya sa poster, ha?! Nakakaaliw ang pagganap niya na Valentina sa pelikulang Darna (1991), na pinagbidahan ni Nanette Medved, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Memorable din ang pagganap niya sa mga pelikulang Napakasakit, Kuya Eddie (1986), Bukas, Luluhod Ang Mga Tala (1984), Sino’ng Pipigil sa Pagpatak ng Ulan? (1979), at Isang Gabi... Tatlong Babae! (1974).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Pilar Pilapil ay gaganap na presidential mother sa upcoming Kapuso prime-time series na First Yaya. Kaya natanong siya kung ano ang ibibigay niyang advice kung siya ang ina ng Pangulo sa tunay na buhay na si Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: @dylanchuamakeup / @jojonones Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results