Dito at Doon nina Janine Gutierrez at JC Santos, mas mahal ang ticket kumpara sa Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban

by PEP Troika
Mar 9, 2021
Parehong ipalalabas sa streaming service na iWant TFC ang Dito at Doon nnina Janine Gutierrez at JC Santos (kaliwa) at ang Love Or Money nina Coco Martin at Angelica Panhaniban (kanan).

JERRY OLEA

Ipinalabas ang pelikulang U-Turn noong Oktubre 30-Nobyembre 12, 2020 sa KTX, SKYcable Pay Per View (PPV), Cignal Pay Per View, at iWant TFC.

P150 ang tiket para mapanood online ang horror movie nina Kim Chiu, JM de Guzman, at Tony Labrusca.

May 3 + 1 promo ito. Kapag bumili ka ng tatlong tiket, may libre kang isa pang tiket. Halloween Barkada Bundle!

P150 rin ang online ticket ng mga pelikulang My Lockdown Romance (Nobyembre 13-26, 2020) nina Jameson Blake & Joao Constancia; Boyette: Not A Girl Yet (Nobyembre 27-Disyembre 10, 2020) nina Zaijian Jaranilla & Iñigo Pascual; Four Sisters Before The Wedding (Disyembre 11-31, 2020) nina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Gillian Vicencio & Belle Mariano; at Princess DayaReese (Enero 1-2021) nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Nag-showing ang mga ito sa SKY Movies PPV distributed by CineXpress.

Nag-premiere ang pelikulang Anak ng Macho Dancer noong Enero 30, Sabado ng 9:00 p.m. Ang halaga ng tiket ay P690. Ang mga sumunod na screening nito sa KTX noong Pebrero 5-7, 19-28 ay P169 ang halaga.

Continue reading below ↓

Nag-premiere sa KTX ang remastered version ng pelikulang Tinimbang Ang Langit noong Pebrero 9, Martes ng 7:30 p.m. Ang tiket ay P150.

Pebrero 10, Miyerkules, nag-umpisa sa KTX ang Sagip Pelikula Festival.

Tampok dito ang iba pang remastered titles tulad ng Kung Mangarap Ka't Magising (1977), Haplos (1982), Oro Plata Mata (1982), Ikaw ay Akin (1978), Karma (1981), Bad Bananas sa Puting Tabing (1983), The Graduation (1969), Separada (1994), at iba pa. P99 o P150 ang halaga ng tiket.

Pebrero 12-Marso 16 ang streaming ng Hello Stranger The Movie nina Tony Labrusca at JC Alcantara sa KTX, iWant TFC, at SKY Cable. Ang tiket ay P200.

Ipapalabas ng SKY Pay Per View ang romantic comedy nina Coco Martin at Angelica Panganiban na Love or Money mula Marso 12 hanggang Abril 6, 2021.

Ang regular price ng tiket ay P250. May P50 na early bird discount sa mga bibili ng tiket hanggang Marso 11, Huwebes.

Continue reading below ↓

Ang Love or Money ay istorya ng ex-lovers na sina Leon at Angel. Nagtagpo sila sa Dubai matapos magkalayo nang tatlong taon. Nagtatrabaho si Leon bilang service crew, samantalang nakahanap ng sugar daddy si Leon.

Ipapalabas din ang Love or Money sa iWant TFC at KTX.

Sa Marso 31, Miyerkules, mag-uumpisa ang iWant TFC streaming ng pelikulang Dito at Doon nina Janine Gutierrez at JC Santos.

Simula Marso 8, Lunes, ay available na ang early bird ticket nito na P300.

Opo! Mas mahal ang tiket ng Janine-JC movie kesa sa Coco-Angelica film na Love or Money!

The romance drama Dito at Doon follows the journey of two friends who unexpectedly fall in love during the lockdown while getting to know each other through video calls.

NOEL FERRER

Ilang mga katanungan ng madlang people...

Marso 5, Biyernes, okay na sa IATF na magbukas ang mga sinehan pero pending pa sa approval ng mga LGU. Wala pa tayong nababalitaang galawan sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

If ever, ano kayang pelikula ang ipang-o-opening salvo nila?

Take note na noong Marso 5, Biyernes, ay 3,045 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19.

Noong Marso 6, Sabado, ay 3,439 ang mga bagong kaso.

Noong Marso 7, Linggo, ay 3,276 ang mga bagong kaso.

At nitong Marso 8, Lunes, ay 3,356 ang mga bagong kaso.

Ikalawang tanong... bakit mas mahal ang tickets ng Dito at Doon nina JC-Janine kesa sa Love or Money nina Coco-Angelica? Magandang malaman ang dahilan.

Ang digital concert ni Regine Velasquez na Freedom ay nag-streaming noong Pebrero 28 sa KTX. Ang ticket prizes ay P2,500 (limited slots) at P1,200.

Ang Tala The Film Concert ni Sarah Geronimo ay mapapanood sa KTX sa Marso 27, Sabado ng 8:00 p.m., maging sa iWant TFC, TFC IPTV, at SKY PPV.

Ang claim nito ay “the biggest concert experience of the year.” Ang ticket prizes ng Tala ay P3,000 (VVIP) at P1,500 (regular)—mas mahal kesa sa Freedom ni Regine.

Continue reading below ↓

What and who determine the pricing? Cost ba ito ng production or premium ng performer?

Kami sa PEP Troika would appreciate answers and comments.

GORGY RULA

Talagang nagsi-sink in na ba sa moviegoers ang ganitong kalakaran sa digital o online showing ng mga ganitong pelikula? Kasi, naiisip ko lang, mukhang eto na talaga ang kalakaran.

Kahit pwede na ang mga sinehan, sa pakiwari ko lang, nandiyan pa rin ang mga ganitong streaming service dahil marami pa rin ang takot lumabas, at mas gustong sa bahay na lang manood.

Pero ang laging problema, nahihirapan mag-connect. Hindi alam ang proseso para makapasok sa isang streaming device.

Suggestion ko lang sana... Baka pwedeng may maglagay ng isang parang app na tipong umbrella ng lahat ng mga streaming device. Doon na lang bibili ng ticket na mas okay kung controlled na ang presyo.

Pagbukas mo ng app na yun, nandun na ang choices kung saan mo gustong manood. Mamili ka na lang kung sa KTX, Vivamax, iFlix, iWant TFC, Amazon Prime Video, Cignal PPV, TFC IPTV, Apple TV o kung saan man.

Continue reading below ↓

Mas accesible at baka mas mapadali sa mga hindi ganoon ka-techie.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong ipalalabas sa streaming service na iWant TFC ang Dito at Doon nnina Janine Gutierrez at JC Santos (kaliwa) at ang Love Or Money nina Coco Martin at Angelica Panhaniban (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results