Watch Now

Sharon Cuneta, may pabirong hirit tungkol sa mga bagong ka-love team nila ni Gabby Concepcion

by PEP Troika
Mar 9, 2021
Game na pinagtabi ni Sharon Cuneta ang litrato nila ng leading man niyang si Marco Gumabao at litrato ni Gabby Concepcion kasama ang leading lady nito na si Sanya Lopez.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram

NOEL FERRER

Nakakatuwa ang ingay sa Instagram nitong Marso 9, Martes ng gabi, nang i-post ng pumayat na Megastar Sharon Cuneta ang photo nila ng batang leading man na si Marco Gumabao sa pelikulang Revirginized ng Viva Films.

Pinagpilian nga kung ano ang tawag sa tambalan nila—kung MaRon (for Marco & Sharon) o CuBao (for Cuneta & Gumabao).

Si Gabby Concepcion naman ay nasa kasagsagan ng promo ng kanyang romantic-comedy series na First Yaya sa GMA-7.

Katambal ni Gabby si Sanya Lopez, at puwede silang tawaging GabYa or SanBy (Gabby & Sanya).

Masusubukan kung uubra ang fresh love teams na ito soon.

Nasa playful mood si Sharon nang i-post niya ang litrato nina Gabby at Sanya side-by-side sa litrato ng Megastar at ni Marco.

Tinawag ni Sharon si Gabby bilang ama ng pangay nilang anak na si KC Concepcion, na ang birth name ay Maria Kristina Cassandra.

“And you, Kristina’s Papi, Game Ka Na Ba?!," saad sa caption ni Sharon na may kalakip na smiley emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-tag din si Gabby sa Instagram post na iyon ni Sharon.

Sari-saring reaksiyon ng napakaraming Sharon-Gabby fans, na hindi talaga sumusuko sa paghahangad ng pagbabalik-tambalan ng dalawa.

Sana, mangyari na nga iyan, sa wakas!!!

Dating mag-asawa sina Sharon at Gabby. Ikinasal sila noong 1984, pero naghiwalay din noong 1987. Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 1994.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huli silang nagkatambal sa pelikulang Tayong Dalawa noong 1992. Sandali rin silang nagkatrabaho para sa isang endorsement noong 2018.

GORGY RULA

True! Nandiyan pa rin talaga ang kilig kina Sharon at Gabby.

Ang nakakatuwa lang, game na game si Shawie sa kulitan kay Marco na mas type ang pangalang CuBao para sa kanilang tambalan—na kinokontra ng Megastar.

Sino kaya ang dating leading man ni Sharon na nag-guest sa pelikulang Revirginized?

Ang dinig ko pa, kasunod nito ay gagawa raw si Sharon ng series na makakasama ang dating leading man sa mga nag-hit niyang pelikula.

Abangan!

JERRY OLEA

Nagbabadya si "Diosa," ang karakter ni Sharon sa pelikulang Una Kang Naging Akin (1991) na nagtampok din kina Gabby at Dawn Zulueta.

Hindi magkamayaw ang Sharonians nang ni-repost ni Mega ang reference kay "Diosa."

Ang ganda-ganda naman kasi ni Ate Shawie habang nakayakap kay Marco.

Bumabagets. Ang ningning sa kanyang mga mata, nangingibabaw. CuBao! CuBao! CuBao!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Game na pinagtabi ni Sharon Cuneta ang litrato nila ng leading man niyang si Marco Gumabao at litrato ni Gabby Concepcion kasama ang leading lady nito na si Sanya Lopez.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results