Watch Now

Ang Probinsyano at Ang Sa Iyo Ay Akin, tumaas ang ratings mula nang ipalabas sa TV5

by PEP Troika
Mar 10, 2021
FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin, nagkaroon ng improvement sa ratings mula nang magsimula itong ipalabas sa TV5.
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

GORGY RULA

Base sa nakuhang ratings ng PEP Troika mula sa AGB Nielsen, naka-17.9% ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday ng GMA-7 noong Lunes, March 8.

Tumaas naman ang ratings ng mga Kapamilya teleserye mula nang ipalabas ito sa TV5.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano ay naka-7.9%, at ang Ang Sa Iyo Ay Akin ay naka-4.8%.

Nitong Marso 9, Martes, ay 17.6% ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday, 9.2% ang FPJ’s Ang Probinsyano, at 5.3% ang Ang Sa Iyo ay Akin.

Masaya ang mga taga-Anak ni Waray vs Anak ni Biday dahil lalong umiinit ang kuwento, na alam nilang hindi na ito bibitawan ng mga manonood.

Papalitan ito ng First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Sabi nga ni Sanya, ayaw niyang magpa-pressure. Basta pinapaganda raw nila ang kanilang drama series na kakaiba ang kuwento at bagong panoorin sa mga manonood.

Sanya Lopez in First Yaya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Level-up ang salpukan ng mga prime-time series mula noong Marso 8, Lunes, na nag-umpisang umere sa TV5 ang ABS-CBN Primetime Bida.

As expected, wagi pa rin ang Kapuso Network, ratings-wise at sa commercial load.

Sa huling Miyerkules ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday mamayang 8:00 p.m. sa GMA-7, magmamatigas pa rin si Sussie (Dina Bonnevie) sa biological daughter niyang si Ginalyn (Barbie Forteza). Kailan pa lalambot ang puso ni Sussie para sa kanyang sariling dugo at laman?

Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsapit ng 8:50 p.m., lalong tumitindi ang mga kaganapan sa Love of My Life ng GMA-7. Lumayo si Nikolai (Mikael Daez) nang malamang mahal pa rin siya ni Adelle (Carla Abellana). Ayaw nang pakasalan ni Nikolai si Kelly (Rhian Ramos). Alam na rin ni Kelly ang totoo.

Hanggang next week na lang ang Love of My Life. Kapana-panabik ang pagtutuos nina Kelly at Adelle! Buntis vs Buntis!

Love of ny Life

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa FPJ’s Ang Probinsyano (8:00 p.m.), patung-patong ang mga kalbaryo ni Cardo (Coco Martin) para matakasan ang kamatayan. Mula sa pagtatago niya nang matagal na panahon, haharapin na ni Cardo si Arturo (Tirso Cruz III) para hingin ang paglaya nina Diana (Angel Aquino) at Teddy (Joel Torre) kapalit ng bihag niyang si Clarisse (Rhen Escaño), ang anak ni Arturo.

Dahil alam ni Cardo na tuso ang kanilang katapat, may nakalatag na silang plano para makalabas nang buhay sa bakbakan. Ngunit baka hindi maging sapat ang paghahanda nila sa pagdating ng mga tauhan ni Lily (Lorna Tolentino) para tuluyan nang mailigpit ang Task Force Agila.

Dadagdag din sa unos na kailangang pagtagumpayan ni Cardo ay ang nakatakdang paghaharap muli ng Task Force Agila at ng Black Ops sa pangunguna ni Albert (Geoff Eigenmann), na gigil na gigil na mapatay si Cardo para sa ikaaangat ng ranggo niya.

Kaninong buhay ang susunod na malalagay sa alanganin? Kaninong grupo ang magtatagumpay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Coco Martin as Cardo Dalisay in FPJ's Ang Probinsyano

Coco Martin in FPJ's Ang Probinsyano

Kasunod ng FPJ’s Ang Probinsyano ang Ang Sa Iyo Ay Akin (8:40 p.m.), na magwawakas na rin next week.

iWantTFC subscribers ang unang makakapanood ng pagtatapos ng Ang Sa Iyo Ay Akin, at pagsisimula ng bagong ABS-CBN programs na Huwag Kang Mangamba at Aja Aja Tayo Sa Jeju ngayong Marso dalawang araw bago sila ipalabas sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa mga hindi na makapaghintay sa kahihinatnan ng relasyon nila Marissa (Jodi Sta. Maria) at Ellice (Iza Calzado) sa Ang Sa Iyo Ay Akin, ipapalabas ang pagtatapos ng serye sa iWantTFC sa Marso 17, dalawang araw bago ito mapanood sa kahit anong channel o ABS-CBN platform.

Sa iWantTFC rin unang masusulyapan ang inspirational teleseryeng Huwag Kang Mangamba ngayong Marso 20. Bida rito sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz, at Kyle Echarri.

Ibabahagi nito ang kwento ng dalawang batang pagtatagpuin ng isang aksidente at sisikaping bumalik ang pananampalataya ng bayan nila sa Diyos.

Andrea Brillantes, Francine Diaz in Huwag Kang Mangamba

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrea Brillantes (left) and Francine Diaz in Huwag Kang Mangamba

Saya at adventure naman ang hatid ng Aja Aja Tayo Sa Jeju, isang variety-reality show kung saan lilibutin nina Robi Domingo, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Donny Pangilinan ang Jeju, South Korea. Gagawa sila ng challenges kasama ang iba’t ibang Pinoy at Korean guests.

Una itong ipapalabas sa iWantTFC sa Marso 18 bago sa ibang platforms. Linggo-linggong mapapanood ang adventures nila sa bagong advance episode na ilalabas kada Huwebes, 8 p.m.

Robi Domingo, Kristel Fulgar, Shine Kuk, and Donny Pangilinan in Aja Aja Tayo Sa Jeju

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Robi Domingo, Kristel Fulgar, Shine Kuk, and Donny Pangilinan in Aja Aja Tayo Sa Jeju

Patuloy pa ring napapanood sa iWant TFC ang dalawang araw na advance episodes ng mga teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, Walang Hanggang Paalam, at Bagong Umaga.

Libreng mae-enjoy ng subscribers sa Pilipinas ang pinakahuling episodes ng mga teleseryeng ito sa loob ng pitong araw. Maa-access ang lahat ng episodes kapag nag-subscribe sa standard (P59 kada buwan) o premium subscription (P119) para ma-enjoy ang panonood nang walang ads.

NOEL FERRER

Saludo ako sa effort ng mga produksiyon na bukod sa traditional trailers at social media posts, nakakabilib ang efforts para magkaroon ng mga in-program intrusions lalo na sa social media in order ko keep the audience interest in the program.

Sorry, pero kapag limitado ang resources, lalo na kapag walang prangkisa, ang JRB Creatives ni Julie Ann Benitez ay nagsasagawa ng kanilang sariling talkback session CONSISTENTLY.

This Wednesday, it’s hosted by Keiko Aquino with ASIAA directors FM Reyes and Avel Sunpongco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

With this, kuha nila agad ang pulso at reaksyon ng audience nila, at suwerte rin, kasi nagkakaroon ng analysis at educational component ang ginagawa ng produksiyon kapag nagda-dialogue sila with their audience.

Alam ko at one point, ginawa rin ito ng FPJ’s Ang Probinsyano at Walang Hanggang Paalam. Pero ang consistent ay ang Ang Sa Iyo Ay Akin, at sumusunod dito ang Bagong Umaga.

Bravo!!! Bilib kami sa inyo for going beyond the call of duty, and much appreciated itong extra malasakit at service ninyo sa inyong audience. #SanaAll

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin, nagkaroon ng improvement sa ratings mula nang magsimula itong ipalabas sa TV5.
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results