Cassy Legaspi, pamilya ang turing sa yayang nag-alaga sa kanya mula noong sanggol siya

by PEP Troika
Mar 11, 2021
Ikinuwento ni Cassy Legaspi na ang kanyang Yaya Cora ay siyang nag-alaga sa kanya mula noong siya ay three months old. "As in super, super love ko yung yaya ko, e," saad ni Cassy, na aminadong na-challenge sa kanyang maldita role sa First Yaya ng GMA-7.
PHOTO/S: @cassy Instagram

GORGY RULA

Naalala ko pa noong nasa Startalk ako dalawampung (20) taon na ang nakararaan, naghintay ako sa airport kasama ang iba pang crew ng iba’t ibang TV network sa pagdating nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, mula sa Amerika, kasama ang kanilang bagong silang na kambal.

Mainit na pinag-usapan noon ang panganganak ni Carmina, na hanggang sa nakabalik ng bansa ay wala pang ibinigay na pahayag kaugnay rito dahil hindi pa annulled noon ang kasal nila ni Rustom Padilla (na si BB Gandanghari na ngayon).

Tandang-tanda ko pa na ang tagal naming naghintay, at hindi namin nakunan ang pagdating nina Carmina at Zoren.

Pero ang una munang ibinaba ay ang dalawang yaya na may bitbit na tig-isang sanggol.

In-assume na sila na ang kambal na sina Mavy at Cassy.

Akalain mo na ang yayang may bitbit noon kay Cassy ay kasama at nag-aalaga pa rin sa kanya hanggang ngayon?

Continue reading below ↓

Kaya sa virtual mediacon ng First Yaya noong Martes, March 9, ipinagmalaki ni Cassy Legaspi na si Yaya Cora pa rin niya ang nag-aalaga sa kanya, mula noong three months old siya hanggang ngayong beinte anyos na siya.

Pamilya raw ang turing ng Legaspi familya kay Yaya Cora.

Lahad ni Cassy: "Yung mga yayas namin sa bahay, they’ve grown to be my second mom and I really trust them.

"Kahit every day, after my school, I always make them kuwento. They know buong life story ko, and they really take care of Mavy, I and family.

"All I can say is, we really value our helpers sa bahay, kasi… I wouldn’t call them as workers but family po talaga sila, and I really love them."

Continue reading below ↓

Dito sa First Yaya ay gaganap si Cassy bilang Nina, ang may pagkamalditang anak ni Gabby Concepcion na gumaganap naman bilang Pangulo.

Hindi maganda ang pakikitungo ni Nina sa kanyang yaya na si Melody, na ginagampanan ni Sanya Lopez.

Ayon kay Cassy, malayo ang ugali niya kay Nina sa tunay na buhay.

Kaya malaking bagay na ginabayan siya nang husto ng direktor na si LA Madrilejos.

"Yun nga po ang problema ko, that’s why Direk LA, he’s really really helping me throughout the show. Kasi, I’m nothing like Nina, as in super, super love ko yung yaya ko, e.

"Ganun po talaga ang ugali ni Nina sa first part [ng series], and eventually, maybe things might get patched up,” pakli ni Cassy.

Dagdag niya, "I’m nothing like Nina, kaya this role is super, super challenging.

"But [I am] super happy to have amazing co-actors, and Direk LA guides me to become a rebellious teenager."

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Cassy, nagkagaanan agad sila ng loob ni Sanya.

Nagkakaintindihan daw sila kahit minamalditahan niya ito sa mga eksena.

"Ewan ko, parang may chemistry kami ni Sanya na konting iyak, napi-feel ko na yung pain. Wow! Yung pain!" bulalas ni Cassy.

Sa March 15 na magsisimula ang First Yaya sa GMA Telebabad.

Continue reading below ↓

Sa parte ni Sanya, ini-enjoy lang daw niya ang ginagawa nila sa lock-in taping para hindi sila ma-pressure sa ratings at expectations ng manonood.

Sabi ni Sanya: "Siguro po, totoo yung sinasabi ni Direk LA, na huwag kayong ma-pressure kung ano man.

"Ang importante, nag-i-enjoy kayo, masaya kayo dito, at kapag tumaas ang rating natin, bonus na yun.

"So, yun na lang ang lagi nasa isip ko."

JERRY OLEA

Bongga si Sanya na title role sa First Yaya. Makikipagsalpukan siya kay Coco Martin na gumaganap bilang Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Leading man ni Sanya si Gabby Concepcion sa First Yaya.

Ang tambalan nilang SaGab, kakawing ng CuBao tandem nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao sa pelikulang Revirginized.

Continue reading below ↓

Kung Kapuso Primetime Queen si Marian Rivera, at Kapuso Primetime Princess si Barbie Forteza... si Sanya na ba ang Kapuso Primetime Duchess?

Naulinigan nating ikinakasa na rin ang pag-ere sa Mayo ng weekly action-fantasy na Agimat ng Agila, kung saan leading lady si Sanya ni Senator Bong Revilla.

Maliban sa First Yaya, panay-panay na rin ang plugging ng GMA-7 sa panghapong teledrama na Ang Dalawang Ikaw, na bida sina Rita Daniela at Ken Chan.

More and more ang mga bagong programa ng GMA Network, sa GMA-7 man o sa GTV.

Aabangan for sure ng Kapuso viewers ang GMA Inspire, Zoom-serye, Quarantitas, #Like4Like, The Fake Life, at Ilaw

Gayundin ang Frozen Love, Only Me and You, #Familygoals, Someone Like You, This Is Your Moment, at Sa Gillage.

Kagigiliwan din ang Ate Girls, Basketboys, Hapi And Gae, Jowa Sessions, Sana All, at Dreamland Hotel na mapapanood naman sa GTV.

NOEL FERRER

Of course, we take Marian Rivera’s explanation na very valid na gusto muna niyang mag-concentrate sa family life niya.

Continue reading below ↓

Marahil, hindi pa ang First Yaya ang proyektong magpapabalik sa kanya sa paggawa ng isang teleserye.

Bakit kaya? What project kaya will compel her to accept a role on primetime TV again? That would be worth waiting for.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinuwento ni Cassy Legaspi na ang kanyang Yaya Cora ay siyang nag-alaga sa kanya mula noong siya ay three months old. "As in super, super love ko yung yaya ko, e," saad ni Cassy, na aminadong na-challenge sa kanyang maldita role sa First Yaya ng GMA-7.
PHOTO/S: @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results