Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday, magtatapos na mataas ang rating

by PEP Troika
Mar 12, 2021
Ngayong Biyernes ng gabi, March 12, eere ang huling episode ng Kapuso prime-time series tampok sina Dina Bonnevie, Barbie Forteza, Kate Valdez, at Snooky Serna.

JERRY OLEA

Makabagbag-damdamin ang penultimate episode ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday nitong Marso 11, Huwebes ng gabi, sa GMA 7.

Pareho ng dalangin sina Sussie (Dina Bonnevie) at Amy (Snooky Serna) sa kapilya ng ospital—ang magising na ang comatose na si Joaquin (Jay Manalo).

Nag-usap sila nang masinsinan. Matapos ang dalawang dekada, nagkapatawaran sila at nagkabati sa harap ng altar.

Pinuntahan nina Sussie at Amy ang mga anak nilang sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez). Hinikayat nina Mommy Sussie at Nanay Amy ang kanilang daughters na isantabi ang galit at hidwaan alang-alang kay Joaquin.

Nagkasundo sila. Napahinuhod na magyakap ang anak ni Waray at anak ni Biday.

Kapagkuwan ay nag-usap sina Sussie at Ginalyn. Nagpasalamat si Sussie sa tunay na anak. Nagyakapan sila. Nagkausap din sina Amy at Caitlyn, at nagkayakapan.

Kapagkuwan ay lumapit sa kanila sina Sussie at Ginalyn, at masayang nag-group hug ang apat.

Continue reading below ↓

Saka um-enter frame si doktora. Kinumusta ni Sussie kay doktora ang lagay ni Joaquin. Hindi sumagot si doktora, bagkus ay buong lumbay na yumuko.

Hindi nakahuma sina Susie, Amy, Ginalyn, at Caitlyn. Napawi ang kanilang ngiti. Ang kaligayahang nadama ay agad napalitan ng lubos na pighati.

Sabay-sabay na lumagaslas ang kanilang luha, at inalo ang isa’t isa. Sa pagkakabigkis nila ay tumibay ang kanilang loob.

Ang kasunod na eksena ay unang araw ng lamay sa sala ng tahanan ni Joaquin. Busilak na puti ang motif.

Magkahawak-kamay ang half-sisters na sina Ginalyn at Caitlyn na pumasok, dala ang urn na naglalaman ng cremains ng kanilang ama. Iniabot nila ang urn kay Sussie. Inilagay mag-isa ni Susie ang urn sa dambana.

Kapagkuwan ay isa-isang ginunita nina Sussie, Amy, Caitlyn at Ginalyn ang magagandang alaala nila kay Joaquin, at ang habilin nito sa kanila.

Sa finale ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday ngayong Marso 12, Biyernes ng gabi, malalaman ang last will and testament na ipinagawa ni Joaquin dalawang linggo bago ito na-heart attack.

Siyempre... matatanto kung sino kina Ginalyn at Caitlyn ang makakatuluyan ng pogilicious yummylicious na si Cocoy (Migo Adecer).

Dina Bonnevie, Kate Valdez, Snooky Serna, Barbie Forteza in Anak ni Waray vs Anak ni Biday

GORGY RULA

Ang saya-saya ng buong team ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday dahil sa positive feedback na natatanggap nila sa takbo ng kuwento.

Ngayong gabi na ang final episode nito, at lalong umiinit ang takbo ng kuwento kaya hindi na ito binitawan ng mga manonood.

Continue reading below ↓

Nung nakaraang Miyerkules, March 10, ay nagpasalamat silang lahat sa mataas na rating na umabot ng 18.6%, ayon sa AGB Neilsen.

Ang katapat na FPJ’s Ang Probinsyano sa TV 5, A2Z, Cinemo, at Kapamilya Channel ay nakakuha ng 8.8%, samantalang ang Ang Sa Iyo ay Akin ay 5.1%.

Noong Huwebes, March 11, ay tumaas ang Anak ni Waray na nakapagtala ng 19.1%

Ang FPJ’s Ang Probinsyano naman ay 9.2%, at ang Ang Sa Iyo ay Akin ay 4.8.%

Sa takbo ng kuwento ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday ay ipapaubaya ni Caitlyn (Kate Valdez) si Cocoy (Migo Adecer) kay Ginalyn (Barbie Forteza) dahil itong huli raw ang tunay na mahal ng binata.

Pero pagkatapos ng drama series na ito, mukhang binubuo na ang tambalang Migo at Kate. Sila na nga kaya ang susunod na magka-love team?

“Before pa naman po, nagkakasama na kami ni Migo sa mga projects,” sabi ni Kate.

Continue reading below ↓

“Mas maraming nakapansin sa tandem namin noong nagkasama kami sa Encantadia.

“Then, ngayon na lang po ulit kami nagkasama na mas maraming scenes together kaya mas napansin po kami ngayon ng viewers.”

NOEL FERRER

Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday will bow out of television with the classic tradition of GMA... good rating and the traditional storytelling.

Congratulations sa hardwork ng creative and production teams ng teleseryeng ito.

Ang challenge ay mag-explore pa ng mga mapangahas na storyline like My Husband’s Lover, na maituturing na breakthrough na much celebrated hanggang dulo—with A-lister cast members, a brave narrative, and really excellent production values, not to mention, a memorable theme song.

Looking forward sa ganitong output muli from GMA.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong Biyernes ng gabi, March 12, eere ang huling episode ng Kapuso prime-time series tampok sina Dina Bonnevie, Barbie Forteza, Kate Valdez, at Snooky Serna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results