Watch Now

Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday finale nakamit ang pinakamataas na rating; First Yaya "deadma" sa COVID

by PEP Troika
Mar 15, 2021
Nagtapos na ang kuwento ng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday, na pinagbidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez, noong Biyernes, March 12. Ngayong Lunes, March 15, magsisimula naman ang airing ng bagong Kapuso prime-time series na First Yaya, tampok ang tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

GORGY RULA

Nakuha ng drama series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday ang pinakamataas na rating sa finale episode nito noong Marso 12, Biyernes ng gabi, sa GMA-7.

Nakakuha ito ng 19.6%, ayon sa AGB Neilsen.

Ang katapat nitong FPJ’s Ang Probinsyano ay 9.6%, at 5.1% naman ang Ang Sa Iyo ay Akin.

Malaking challenge din ito sa papalit sa timeslot na First Yaya, na magsisimula ngayong gabi, Marso 15, pagkatapos ng 24 Oras.

Kagaya ng kuwento ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday, inilayo muna nila iyon sa sitwasyon natin ngayong nasa pandemic.

Dito sa kuwento ni Yaya Melody (Sanya Lopez) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), hindi nila inilagay sa sitwasyong may pandemic para maiba raw ang atensiyon ng mga manonood.

Sa hirap na pinagdadaanan natin ngayong tumataas muli ang kaso ng COVID-19, mabuting i-entertain daw ang mga manonood sa kuwento ng First Yaya. Walang pandemya sa kuwento na kahit paano’y pansamantalang makakalimutan ang hirap na pinagdadaanan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Direk LA Madrilejos, “Hindi na namin tinackle yung pandemic, kasi the idea is… isang taon na yung lockdown, isang taon tayong na-stress. Isang taon tayong nanibago doon sa normal.

"So, kailangan nating magpasaya, magpangiti. Kung may napasaya kaming audience, sobrang reward na for us.

“Makakalimutan lang ng mga manonood na habang nanonood sila ng First Yaya, makakalimutan nila na may pandemic. Mawala muna sila sa reality na yun.

“Mapangiti lang sila ni Yaya Melody, ni President Glenn, sobrang okay na sa amin yun.”

Pero kahit walang pandemya, at hindi mababanggit ang COVID-19 sa kuwento, maingat pa rin sila sa taping. May limitations sa mga eksenang kukunan, pero dapat hindi ito makikita o mararamdaman ng mga manonood na kinunan ang buong serye sa panahon ng pandemya.

Bukod pa riyan, kailangan nilang sumunod sa mga ipinapatupad na safety protocols and guidelines.

“We go for puso ng kuwento. Dahil doon sa restrictions regarding sa bilang ng mga tao na pwedeng kasama sa taping, yung mga ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung gagawa kaming big scenes, mararamdaman ng mga tao na ginawa ito noong pandemic.

“So, pumunta kami sa ibang direksIyon, which is yung puso. Yung puso ng mga characters, yung puso ng kuwento mismo na kung paiikutin ng mga relasyon ng mga problema yung kuwento niya… yung yaya at ng president.

“Yung kuwento about family, about relationships, about sacrifices,” dagdag na pahayag ng direktor ng First Yaya.

JERRY OLEA

Aliw na aliw ako sa finale ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Maayos ang timpla, lalo pa’t ang gagaling ng mga pangunahing karakter na ginampanan nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Snooky Serna, at Dina Bonnevie.

Huhusgahan na si Sanya kung karapat-dapat ba siyang kapalit ni Marian Rivera bilang First Yaya. Siyempre pa, inaasahan na nating wagi ito sa ratings.

Congrats nga pala kay Sanya na nominadong best supporting actress sa 4th EDDYS ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) para sa pagganap niya sa pelikulang Isa Pang Bahaghari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga napanood kong local series sa panahon ng COVID-19, pinakagusto ko ang The House Arrest of Us na tinampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nagsimula ang kuwento nito nang araw na magkaroon ng lockdown, at ang ganda ng pagkakalatag ng conflicts dito. No wonder, umarangkada ito sa Netflix Philippines nang mag-streaming noong nakaraang buwan.

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla in The House Arrest of Us

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namayagpag ang mga Pinoy BL series last year. Pinakamahusay sa mga ito ay ang Gameboys, na tinalakay rin ang mga kaganapan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Patuloy na humahakot ng parangal at pagkilala ang Gameboys na pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos. Streaming din ito sa Netflix.

Elijah Canlas, Kokoy de Santos in Gameboys

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Tama ka, Tito Jerry, a year after the pandemic, namumukod-tangi ang KathNiel series na The House Arrest Of Us at EliKoy series na Gameboys na hindi dumedma sa pandemic!

Sabi ko nga sa inyo, ang aabangan ko na lang sa pagtatapat ng First Yaya at FPJ’s Ang Probinsyano ay kung paano nila i-portray ang top leader of our land.

Ililihis ba nila ito o gagawing makatotohanan—in light of the current situation.

Ready na kami sa Stars of the '80s... Gabby Concepcion at Rowell Santiago.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagtapos na ang kuwento ng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday, na pinagbidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez, noong Biyernes, March 12. Ngayong Lunes, March 15, magsisimula naman ang airing ng bagong Kapuso prime-time series na First Yaya, tampok ang tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results