"Metro" ni Ely Buendia, may patutsada sa gobyerno?; "Ang Lider 2022" ni Freddie Aguilar, sino ang sinusuportahan?

by PEP Troika
Mar 16, 2021
Mga kanta nina Ely Buendia (left), Freddie Aguilar (right), at ibang OPM artists, tila may paalala sa kapwa Pilipino kung anong mga katangiang dapat hanapin sa lider na ihahalal sa eleksyon 2022.
PHOTO/S: YouTube

NOEL FERRER

Matapang, makabuluhan, napapanahon, sapul!

Iyan ang mga reaksiyon ng mga unang nakarinig ng bagong in-upload na kanta ni Ely Buendia sa YouTube.

Pinamagatang "Metro," ito ang patunay na may angking lakas at panghalina ang sining.

Sa puntong ito, ang awit, ang musika para ilabas ang ating nararamdaman. Hindi malayong mag-viral ito.

At kung magkaganunmam, maging simula ng marami pang mapanuring gawain ng sining—matapang pero sa huli’t huli, makakapagbuo muli sa atin.

Narito ang buong lyrics ng "Metro" by Ely Buendia:

Bulag sila sa mga pahirap / Na iyong nararanasan / Di nila naiintindihan

At may mga nagbibingi-bingihan / Sa mga kasinungalingan / Di kaya sila ay bayaran?

Kamatayan at sakit Kalayaan ay nagigipit Lupa at dagat natin ay pinagsasanla Kapatid, di pa ba nagsasawa?

Tumatakbo ang metro / Huwag ka nang muling magpapalinlang

Sa pangakong pinako / Mga abuso sa kapangyarihan

At maling pamamalakad / Ang sagabal sa kaunlaran

Continue reading below ↓

Walang pinuno ang hindi marunong Lutasin ang mga problema

Ito’y panata nila sa bayan / Simulan ang pagbabago

Sa isang pinuno / Na may pagmamalasakit at paninindigan

Panahon na upang imulat ang mata sa katotohanan

Pandemya at kawalan ng kabuhayan / Asan na ang nawawalang lupa’t pera

Bagsak ang ekonomiya / Di ka ba nagtataka?

Pinunong may talino, puso at tapang Ito ang kailangan ng ating bayan

Kapatid, di pa ba nagsasawa?

Tumatakbo ang metro Isa lang ang inyong pagpipilian

Pangulo ba o panggulo? (6x)

JERRY OLEA

Tila sagot sa kantang "Ang Lider 2022" ni Freddie Aguilar itong "Metro" ni Ely Buendia.

Noong Pebrero 15, 2021 in-upload ang music video ng nasabing kanta ni Ka Freddie sa YouTube channel ng We Need A Leader PH.

Naka-upload din sa nasabing YouTube channel ang "Metro."

Maging ang music video ng mga awiting "Bayan Kong Mahal"—na ang music and lyrics ay gawa ni Lolita Carbon at kinanta ng ASIN Band—at "May Bukas Pa Bangon Bayan" ng Aegis ay naroon din.

Continue reading below ↓

Makikita rin sa We Need A Leader PH ang music view ng mga bersyong Bisaya na "Nasud Kong Hinigugma" at "May Ugma Pa Bangon Nasud."

Ang liriko ng "Ang Lider 2022" ni Freddie Aguilar:

Bagsak ang ekonomiya Ng bayan kong sinta Milyon ang walang trabaho

Dahil sa Covid na ito Idagdag mo pa ang West Philippine Sea Mga bagyong matitindi

Kawawa ang bayan Kawawa si Juan Mabigat ang problema Ng susunod na Pangulo

Kaya ang piliin ninyo Dapat ay may talino / May kakayahan siyang mamuno

Busilak ang kanyang puso / Para sa Inang Bayan

Inang Bayan Ang Presidente ko’y may utak / May paninindigan

Siya ay tunay na leader / May bayag at matapang

May prinsipyo May puso at damdamin sa tao

Aabangan natin ang iba pang bagong awit na ia-upload sa nasabing YouTube channel.

I wonder kung mapapantayan ng mga makabuluhang awit na ito ang pambubulabog ng "Panalo" at "Paubaya."

Continue reading below ↓

As of this writing, halos 53M views na sa YouTube channel ng Wish 1075 ang music video ng "Panalo" ni Ez Mil, na nag-premiere noong Enero 29, 2021.

Ang official music video ng Paubaya ni Moira de la Torre ay lampas 25M views na sa kanyang eponymous YouTube channel mula nang mag-premiere noong Pebrero 14, 2021.

Samantala, ang official music video ng "What?" ng SB19 ay naka-4.7M views na mula nang mag-premiere noong Marso 9, Martes, sa YouTube channel na SB19 Official.

GORGY RULA

Dito talaga nakikita ang galing ng Pinoy artists.

Sana, kahit paano, mapanatag tayo, mabawasan ang kaba sa mga nangyayari sa paligid.

May mga ilang TV tapings na ipinagpaliban muna dahil may mga nag-positive pagkatapos ng swab test.

May gagawin pa sana si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Palawan para sa guesting niya sa Grateful Tuesdays, ang online show ng chemist na si Pinky Tobiano kasama sina Jaya at Zephanie.

Continue reading below ↓

Pero hindi na itinuloy ang pag-alis ng grupo, at sa Manila na lamang muna ang kanilang location.

Mapapanood sila mamayang 7:00 p.m. sa Facebook ng Cornerstone.

Pero bago pumasok doon, kailangang may swab test din.

Wala sanang mag-positive para tuloy na ang pagsisimula ng season 3 ng online show na ito.

Sa takbo ng mga pangyayari, tayo na lang ang mag-ingat, at magtulungan.

Huwag na iasa sa mga pangako at press release ng ilan sa mga namumuno.

Sa ngayon ay naka-quarantine na si President Rodrigo Duterte dahil na-expose siya sa iba pang cabinet members na nagpositibo sa COVID-19.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga kanta nina Ely Buendia (left), Freddie Aguilar (right), at ibang OPM artists, tila may paalala sa kapwa Pilipino kung anong mga katangiang dapat hanapin sa lider na ihahalal sa eleksyon 2022.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results