Sangkayayahan, nagbubunyi sa mataas na rating ng pilot episode ng First Yaya

by PEP Troika
Mar 16, 2021
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

GORGY RULA

Pwede nang magbunyi ang sangkayayahan dahil sa magandang resulta ng pilot episode ng First Yaya na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Ayon sa AGB Neilsen, nakakuha ito ng 19.7% sa GMA-7.

Ang katapat nitong FPJ’s Ang Probinsyano ay naka-8.9%, at ang Ang Sa Iyo ay Akin na malapit na ring magtapos ay naka-4.7%.

Ang combined ratings ng First Yaya sa GMA-7, Good TV (GTV), at Heart of Asia ay 23%. Kaya tuwang-tuwa ang buong team ng First Yaya dahil tinutukan ito ng marami at maganda ang feedback na nakakarating sa kanila.

Noong nakatsikahan namin si Sanya sa virtual mediacon ng pinagbibidahang teleserye, tinanong namin sa kanya na ngayong na level-up na siya bilang bida sa prime-time series, mag-iingat na ba siya sa pagtanggap ng projects lalo na ang pagpapa-sexy?

Kahit may ilang eksena sa First Yaya na naka-two piece siya, wholesome pa rin ang material at pampamilya kasi ang kuwento nito.

Continue reading below ↓

Ani Sanya, “Eto po kasing First Yaya, pwede ring pambata. So, medyo mahirap pa po tumanggap ulit agad ng mga ganung roles.

“Depende pa rin po siguro. Ang management naman po ang magde-decide bukod sa akin kung karapat-dapat ko bang tanggapin o hindi dahil mas alam po nila kung ano yung tama.

“Pag naman po masyadong sexy, baka hindi ko po muna tanggapin. Pero kung alam naman natin na napakaganda ng istorya at marami namang matututunan dito, tingnan po natin. Pag-aaralan naman po ng management.”

NOEL FERRER

Habang nagbubunyi ang mga taga-First Yaya, major namang nagpasalamat ang mga taga-Ang Sa Iyo Ay Akin sa kanilang record high of 253 million views sa YouTube at consistent being No. 1 sa iWantTFC.

Ang sa Iyo ay Akin 253M views on Youtube

Siyempre, dahil nawala ang franchise ng ABS-CBN, hindi patas na gawing batayan ang ratings lang. Ngayon, social media and other platforms should be factored in too.

Maging sa advertisers, you see the ABS-CBN teleserye stars na katapat ng GMA teleseryes like Coco Martin, Jodi Sta. Maria, and my talent Iza Calzado as being major endorsers of Unilab brands and other products and companies pa.

Sana, maabot yun ni Sanya Lopez para makita ang after-effect ng success ng kanyang promising teleserye.

JERRY OLEA

Gaya ng nasabi ko before, inaasahan kong magwawagi sa ratings ang First Yaya. Wala pa ring kalaban ang GMA-7.

Kahit replay pa ng teleserye ang ipinalit sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, malamang sa alamang na wagi pa rin ito sa game of ratings and commercial load.

Bet ko ang title na First Yaya. Bongga ang salitang “first” sa title — nagpapahiwatig na nangunguna ang GMA-7 sa hanay ng local TV stations ngayon.

Continue reading below ↓

Panalo ang dating, gaya ng “Pepito Manaloto”—Pito, Manalo. Wagi ang Seven.

Swak din ang pangalan ng mga karakter nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez na Glenn Acosta at Melody. Kapag ikinasal sila— Glenn & Melody Acosta... GMA.

Bakbakan din sa prime time ngayong linggo ang mga teleseryeng Love of My Life at Ang Sa Iyo Ay Akin na parehong magtatapos sa Marso 19, Biyernes.

Simula Marso 22, Lunes ng gabi, ay papalitan ang mga ito ng I Can See You (Season 2) at Huwag Kang Mangamba.

Unang installment ng I Can See You (Season 2) ang “On My Way To You” na bida sina Ruru Madrid at Shaira Diaz, na matagal nang naghahanda para sa serye nilang Lolong.

Co-stars ng ShaiRu sa I Can See You installment sina Gil Cuerva, Arra San Agustin, Malu de Guzman, Ashley Rivera, at Richard Yap.

Bida naman ang Gold Squad sa inspirational series na Huwag Kang Mangamba, kung saan magbabalik si Bro ng May Bukas Pa upang magbigay ng pag-asa at damayan ang mga nangangambang puso.

Continue reading below ↓

Sa isyorya, si Mira (Andrea Brillantes) ay isang bulag na batang ulila. Sa kabila ng kanyang sitwasyon, hindi siya nawawalan ng tiwala kay Bro at nananatiling positibo sa buhay.

Si Joy (Francine Diaz) naman ay isang rebeldeng anak na nawalan ng pag-asa sa Diyos. Pakiramdam ni Joy, hindi siya mahal ng kanyang pamilya.

Pagtatagpuin sina Mira at Joy ng isang malagim na aksidente na pareho nilang ikamamatay. Dahil sa himala ni Bro, muli silang mabubuhay upang tuparin ang misyon na muling maipatayo ang simbahan sa bayan ng Hermoso at ibalik ang pananampalataya ng mga tao rito.

Habang susubukan nilang magkasundo, magiging hadlang sa kanilang misyon ang mga tao sa Hermoso dahil matagal na nilang tinalikuran si Bro. Sunud-sunod kasi ang kamalasan sa bayan nila.

Ang tanging kakapitan ng mga taga-Hermoso ay si Deborah (Eula Valdes), isang manggagamot na ipapapaniwala sa mga tao na siya ang may kagagawan ng himalang nangyari sa pamangkin niyang si Joy.

Continue reading below ↓

Magkakasundo kaya sina Mira at Joy para matupad ang misyon ni Bro? Paano nila makukumbinsi ang mga taga-Hermoso na mayroong Diyos kung hindi naniniwala ang isa sa kanila sa himala?

Kasama rin sa Huwag Kang Mangamba sina Seth Fedelin, Kyle Echarri, Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, RK Bagatsing, Dominic Ochoa, Diether Ocampo, Enchong Dee, Matet de Leon, Soliman Cruz, Mercedes Cabral, Paolo Gumabao, Alyanna Angeles, at Angeline Quinto na umawit ng theme song.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results