Love of My Life ng GMA-7, Ang Sa Iyo Ay Akin ng A2Z at TV5, tapatan ang finale episode

by PEP Troika
Mar 18, 2021
Alin sa Love of My Life ng GMA-7 at Ang Sa Iyo Ay Akin ng A2Z at TV5 ang makakakuha ng mas mataas na TV ratings?

JERRY OLEA

Nagtalakan nang maigting sina Adelle (Carla Abellana) at Kelley (Rhian Ramos) sa Kapuso primetime series na Love of My Life (LOMYL).

Nahimatay si Mama Isabella (Coney Reyes). Habang nakaratay sa ospital, napanaginipan ni Mama Isabella ang yumaong anak na si Stefano (Tom Rodriguez).

Pagmulat ni Mama Isabella, nasilayan niya sina Adelle at Kelley. Sabi ni Mama, mabuti na ang kanyang pakiramdam, at nag-usap at nagyakapan sila ni Stefano sa panaginip.

Ang kasunod na eksena, nag-usap sina Adelle at Kelley sa labas ng nursery kung nasaan si Belle, ang baby ni Adelle. Nag-sorry sila sa isa’t isa, naghawak-kamay at nagyakapan.

Nabalitaan ni Nikolai (Mikael Daez) na na-stroke ang kanyang ina. Sumugod si Nikolai sa ospital, at nangako kay Mama Isabella na hindi na niya ito iiwan.

Sinabihan ni Mama Isabella si Nikolai na hindi ito magiging okey hanggang hindi nito naaayos ang gusot kina Adelle at Kelley.

Sabay sina Adelle at Kelley na naglakad para balikan si Mama Isabella.

Continue reading below ↓

Tamang-tama, lumabas ng kuwarto si Nikolai. Tumalikod si Kelley at umupo sa bandang likuran ng pasilyo. Humakbang pasulong si Adelle at umupo rin. Umupo si Nikolai malapit kay Adelle at humugot ng malalim na buntong-hininga.

Nag-sorry si Nikolai sa nangyari sa baby ni Adelle.

Nag-usap sila nang masinsinan. Nag-apologize si Adelle kay Nikolai dahil nagulo niya ang buhay nito.

Malinaw na kay Adelle, ayaw niyang masaktan muli si Mama Isabella. Umayon si Nikolai, na natantong mahal na mahal niya ang kanyang ina.

Tumayo si Nikolai at pumuwesto sa pagitan ng dalawang babaeng nagmamahal sa kanya.

Sa penultimate episode ng Love of My Life ngayong Marso 18, Huwebes ng gabi, mag-uusap sina Kelley at Nikolai.

Isasauli ni Kelley kay Nikolai ang engagement ring. Mapapatawad pa kaya ni Kelley si Nikolai?

Madi-discharge na sa ospital si Mama Isabella. Magpapaalam na sa kanya sina Adelle at Kelley.

Masusubaybayan pa ba ni Mama Isabella ang paglaki ng kanyang mga apo?

Continue reading below ↓

Rhian Ramos, Coney Reyes, Carla Abellana in Love of My Life

GORGY RULA

Matagal bago sinimulan ang lock-in taping ng Love of My Life dahil kailangang kumbinsihin pa si Madam Coney.

Ayaw sana niyang ma-lock in dahil parang ang hirap sa kanyang iwan ang bahay niya ng ilang linggo.

At least, nagawa na nila at nasunod ang kuwento kahit maraming limitations sa lock-in taping.

Continue reading below ↓

Sa Lunes, March 22, ay ang second season ng anthology na I Can See You ang papalit sa timeslot ng Love of My Life

Ang unang installment na "On My Way to You" ay idinirek ni Mark Reyes, at tampok ang tambalang Ruru Madrid at Shaira Diaz.

Nilinaw ng senior program manager nilang si Anthony Pastorfide na nagkataon lang na bumagay sina Ruru at Shaira sa role kaya sila ang kinuha.

Wala raw itong konek sa gagawin nilang seryeng Lolong na nakatakda na ring simulan.

JERRY OLEA

Siyanga pala, penultimate episode na rin ng Ang Sa Iyo Ay Akin (ASIAA) ngayong March 18, Huwebes ng 8:40 p.m., sa TV5 at A2Z.

Nadakip si Caesar (Simon Ibarra) ng mga pulis matapos harapin ni Marissa (Jodi Sta Maria) na nais nang tapusin ang gulo na kinasasangkutan niya.

Nakahanap ng paraan si Caesar para tumakas pero hindi siya nagtagumpay. Napuruhan siya ng mga pulis at nalaglag sa malalim na bahagi ng gubat. Doon ito nagdeliryo at tinanggap na ang kanyang kamatayan.

Continue reading below ↓

Samantala, nakumpirma ni Gabriel (Sam Milby) ang kanyang matagal nang suspetsa tungkol kay Belen (Rita Avila)—na may itinatago itong kasamaan sa likod ng ipinapakitang malasakit sa anak na si Ellice (Iza Calzado).

Natuklasan ni Gabriel na nagnanakaw si Belen sa Cenidoza. Dahil malinaw ang ebidensiya, lalong nalugmok si Ellice sa kawalan ng pag-asa at agad na tinakwil ang ina.

Wala na nga bang panganib sa buhay ni Marissa ngayong hindi na nakatakas si Caesar sa mga pulis? Saan pupulutin si Belen matapos itakwil ni Ellice?

Tutukan ang huling dalawang gabi ng Ang Sa Iyo Ay Akin dahil may pasabog na bubulaga sa televiewers.

Rita Avila, Sam Milby, Iza Calzado in Ang Sa Iyo Ay Akin

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alin sa Love of My Life ng GMA-7 at Ang Sa Iyo Ay Akin ng A2Z at TV5 ang makakakuha ng mas mataas na TV ratings?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results