Derek Ramsay, nairita sa blind item na inuugnay sa kanila nina Angelica Panganiban, Erich Gonzales

by PEP Troika
Mar 19, 2021
Nilinaw ni Derek Ramsay na walang katotohanan ang isyung nagkaroon sila ng ugnayan ni Erich Gonzales noong panahong kasintahan pa ng aktor na si Angelica Panganiban.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Hindi talaga nauubusan ng isyu si Derek Ramsay hanggang ngayon.

Kahit patuloy pa rin ang bashing sa relasyon nila ni Ellen Adarna, nabuhay naman ang isyu kay Derek noong sila pa ni Angelica Panganiban.

Sangkot dito ang pagkaka-link niya kay Erich Gonzales.

Sina Derek at Angelica ay anim na taong naging magkarelasyon.

Si Erich ay co-star ni Derek sa pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang noong 2012.

Naungkat ang isyung ito nang mag-blind item si Mr. Fu sa online program nila nina Lolit Solis at Cristy Fermin noong Marso 16, Martes.

Tungkol sa naiwang panty sa kuwarto ng aktor ang kuwento ni Mr. Fu. Nakarating daw ang kuwentong yun sa mestisang girlfriend ni aktor.

Nang magkita raw sila sa isang event, nagbeso raw ang mestisang girlfriend at si aktres na pinagbibintangang nakaiwan ng panty sa kuwarto ni aktor.

Nang bumeso raw si mestisang aktres, binulungan daw niya ang kapwa aktres ng tipong, “Kumusta naman ang panty mong naiwan sa boyfriend ko?”

Continue reading below ↓

Ang haba ng tsikahan nila tungkol sa naiwang panty, na ibinuking ni Manay Lolit na sina Derek, Angelica, at Erich daw yun.

May mga pumik-ap, at pinag-usapan din namin ito sa radio program namin sa DZRH.

Tinawagan ng co-host kong si Morly Alinio si Derek para hingan ng sagot sa kuwentong yun.

Kuwento sa akin ni Morly, halatang nairita si Derek sa tsismis na yun.

Halos sampung taon na raw noong naging sila ni Angelica at hindi nga raw sila tinantanan ng mga intriga.

Pero yung intrigang may naiwang panty ay mariin daw itinanggi ni Derek.

Magkaibigan lang daw sila ni Erich at wala raw ganoong pangyayari.

Naalala rin daw ni Derek nung sila pa ni Angelica na may tsismis ding naiwang condom sa kotse niya.

Wala rin daw katotohanan yun, at bakit daw niya bababuyin ang kotse niya?

Bakit kaya parang pabalahuraan na ang mga isyu kay Derek?

Sana matapos na ito pag magsimula na siyang mag-taping ng bagong drama series niya sa GMA-7. Baka mag-start na raw sila after Holy Week.

Continue reading below ↓

Pero sa takbo ng mga pangyayari na ang dami na namang nahahawa nitong nakakatakot na virus, itutuloy kaya ito agad ng GMA-7?

JERRY OLEA

Nalalapit na ang Semana Santa, saka naman nauungkat ang mga usapang panty at condom?

Hindi ba’t usap-usapang nakipaghiwalay ang isang young actor sa isang young actress dahil nakakita ito ng used condom sa condo unit ng kasintahan?

Ito kasing si young actor ay ayaw sa pre-marital sex. Hindi sila compatible ng ex na young actress, 'ika nga.

Sa pelikulang Sin Island (2018), agaw-eksena si Tasha (Nathalie Hart) sa pagkukunwaring naiwan niya ang kanyang panty sa cottage ni David (Xian Lim).

Naku! Naalala ko tuloy ang isang sexy actress noon na hindi nag-a-underwear.

At least, hindi siya pwedeng paratangan ng nakaiwan ng “salungki” sa kung saan man.

NOEL FERRER

Saan hahantong ang mga ganitong kuwento?

Kung nanatiling blind, safe iyan at nailulusot, although may accountability pa rin.

Continue reading below ↓

Pero nang mapangalanan na sina Derek at Erich at Angelica, kinailangan ngang mag-react.

Ayun, sana end of issue. May magso-sorry ba? O ang excuse ay nagkakatuwaan lang?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilinaw ni Derek Ramsay na walang katotohanan ang isyung nagkaroon sila ng ugnayan ni Erich Gonzales noong panahong kasintahan pa ng aktor na si Angelica Panganiban.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results