Adrianna So, biglang pinalitan si Danita Paner sa Paano Ang Pangako?

by PEP Troika
Mar 20, 2021
Adrianna So (left) on replacing Danita Paner (right) as Andi in Paano Ang Pangako: "More on ginamit ko siya as inspiration, kasi medyo malaki ang transition niya ngayon ng character niya sa book three. So, ginawan ko si Andi ng playlist after ko basahin yung script, para mapabilis ako makapunta kung ano yung nasa script. Sana, nag-translate."
PHOTO/S: Courtesy of IdeaFirst

GORGY RULA

Tinanggap at nirespeto ng production staff ng Paano ang Pangako? ang desisyon ni Danita Paner na hindi na siya sasali sa huling cycle ng taping ng TV5 teleserye.

Nakiusap si Danita na huwag muna siya mag-taping dahil sa may immuno-compromised loved ones siyang kasama sa bahay. Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID, natatakot ang aktres na lumabas at ma-expose siya sa maraming tao.

Ginagampanan ni Danita ang role bilang si Andi, ang main kontrabida sa Paano ang Pangako?, at napakahalaga ng karakter niya sa kuwento lalo na’t magtatapos na ito.

Kaya nag-decide ang production na palitan na lang siya, at doon nila naisip ang magaling ding aktres na si Adrianna So.

Kuwento ni Direk Perci Intalan nang nakatsikahan namin sa virtual mediacon nila kay Adrianna noong Biyernes, March 19, “Nung sinabi niya [Danita] sa aming hindi na siya comfortable to shoot, siyempre nag-panic kami, pero hindi na namin siya pinilit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then, eto na. Tinawagan namin si Adrianna. This was the day before the shoot.

“Nagulat na lang si Adrianna, ngumiti na lang… tinawanan na lang kami at dire-diretso na siya sa RT-PCR kahit hindi pa niya nakita yung script.

“Hindi niya alam yung character. Hindi ko nga alam kung napanood niya yung show.

“The next day, she was there, nasa San Pablo na siya, nagsu-shoot na.

"We’re very thankful that she said yes. Walang tanung-tanong at all, sabak na lang siya."

Ang laking challenge nito para kay Adrianna, lalo na’t ngayon lang daw siya gaganap ng isang napakasamang kontrabida sa isang teleserye.

“This is the first time that I'm gonna portray this kind of character.

“Although, siyempre para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nalaman ko na ako ang magti-take over.

“Pero challenge siya, and for the idea… for considering me to take the role it’s a big deal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, sineryoso ko po lahat. Sana tama yung preparation ko,” nakangiting pahayag ni Adrianna.

Mabuti na lang at hinahayaan naman daw siya nina Direk Perci at Direk Eric Quizon sa sarili niyang atake sa role.

“Thankful po ako dahil ang mga directors ko, binigyan ako ng freedom to do what I wanna do… but at the same time, give me pointers kung sobra, kulang or something,” pakli ni Adrianna.

Hindi niya kailangang gayahin dito ang style ni Danita bilang si Andi.

“More on ginamit ko siya as inspiration, kasi medyo malaki ang transition niya ngayon ng character niya sa book three.

“So, ginawan ko si Andi ng playlist after ko basahin yung script, para mapabilis ako makapunta kung ano yung nasa script. Sana, nag-translate,” sabi pa ni Adrianna.

Sa Lunes, March 22, ay mapapanood na sa Paano ang Pangako? si Adrianna bilang si Andi.

7:15 p.m. ito napapanood sa TV5 pagkatapos ng news at bago ang FPJ’s Ang Probinsyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Parang magandang timing ang pagpasok ni Adrianna sa Paano Ang Pangako? nang nandoon na ang teleserye block ng Kapamilya network.

Sabi nga ni Direk Perci, nakatulong ang pagpasok ng mga Kapamilya primetime shows sa programa nila para lalong tumaas ang rating.

“Ang maganda, nang dumating sila, lalong tumaas yung ratings. Nag-work hand in hand, kasi buong bloke siya… nagdikit-dikit.

“Maganda yung flow. Kasi kagabi nanood ako, after news, dire-diretso hanggang Probinsyano, ang ganda ng tawid.

“Nakaka-miss din pala ‘tong may news, tapos nag-soap na sunud-sunod. Ang saya pala siya na buong bloke siya. I think, nagkatulungan.”

Natama sa Black Saturday, Abril 3, ang finale ng Paano ang Pangako?.

Magsisimula raw ito ng 2:00 p.m. hanggang 8:00 p.m. So, anim na oras ang bonggang ending nito. Pangako Marathon Finale ito!

JERRY OLEA

Nagsimula ang TV career ni Adrianna noong 2012 sa defunct reality show ng TV5 na Artista Academy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumukaw siya sa aking pansin bilang Pearl sa Pinoy BL series na Gameboys nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

Balik-TV5 si Adrianna sa Paano Ang Pangako? na tampok si Elijah, at si Kyle Velino na kasali rin sa Gameboys.

Siyempre, ibang-iba ang dynamics nila rito, na nagpapalutang ng husay nila bilang mga artista.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Adrianna So (left) on replacing Danita Paner (right) as Andi in Paano Ang Pangako: "More on ginamit ko siya as inspiration, kasi medyo malaki ang transition niya ngayon ng character niya sa book three. So, ginawan ko si Andi ng playlist after ko basahin yung script, para mapabilis ako makapunta kung ano yung nasa script. Sana, nag-translate."
PHOTO/S: Courtesy of IdeaFirst
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results