GORGY RULA
Pagkatapos ilunsad ni Maja Salvador ang binuo niyang Crown Artist Management, wala pa silang ina-announce kung sinu-sino ang mga artistang hahawakan nila.
Si Maja pa lang mismo ang talent ng Crown Artist Management, pero may mga ipapakilala raw silang mga artistang ima-manage.
Ang nakarating sa PEP Troika, si John Lloyd Cruz daw ang isa sa ima-manage ng Crown Artist Management.
Pero wala pa silang pahayag kaugnay rito dahil sa susunod na buwan pa raw sila maglalabas ng announcement kung sinu-sinong talents ang hahawakan nila.
Tinanong ng PEP Troika ang boyfriend ni Maja na si Rambo Nuñez, na bahagi rin ng board of directors ng Crown Artist Management.
Sabi niya sa akin sa Messenger, “Sorry po, but we cannot disclose any artist yet.
“Pero meron kami scheduled announcement hopefully around mid-April kung sino po ang nasa pool namin.”
Isang kaibigan ng PEP Troika ang naka-text ni John Lloyd, at inamin daw ng aktor na magpapa-handle nga raw siya sa Crown Artist Management ni Maja. Hindi lang alam kung buong showbiz career ng aktor o ang endorsements nito.
Kaya abangan na lang ang announcement ng talent management ni Maja kung sinu-sino ang artists nila, at kung isa na nga rito si Lloydie.
Sa ngayon ay abala pa si Maja sa promo ng bagong teleserye niyang Niña Niño sa TV5 na magsisimula na sa April 5, kapalit sa matatapos ng Paano ang Pangako?.
NOEL FERRER
Managing artists is really based on trust and it really banks on a good match—same values, same vision, same strategies ng managers and talents.
Dati naman nang magkaibigan sina Maja at Lloydie, kaya nabuo na ang tiwala nila sa isa’t isa.
Aabangan natin kung sinu-sino ang magiging artists ng Crown Management.
Sa proseso niyon, hindi sana makalimutan ni Maja ang career niya dahil hindi birong mamahala ng career ng iba, ha!
All the best, Maj at Rambo—and yes, looking forward to seeing more of the best actor of this generation, John Lloyd Cruz!
JERRY OLEA
Sa pag-alis ni Johnny Manahan aka Mr. M sa ABS-CBN Star Magic, may mga artistang umalis din doon.
May mga lumipat na sa Viva Artist Agency, at ang iba’y sa Cornerstone naman daw.
Kaya iyong iba pa na ayaw sa bagong management ng Star Magic, may choice na lumipat sa Viva, GMA Artist Center, o sa Crown Artist Management ni Maja.
I wonder kung magpapa-manage kay Maja si Janella Salvador.
Sangkatutak pa rin ang mga bituin ng ABS-CBN kahit wala itong prangkisa. Sandamukal pa rin ang loyal na Kapamilya.
Noong Marso 15, Lunes, ay inanunsiyo ng ABS-CBN at Kumu ang kasunduan para sa paghahatid ng liwanag at ligaya ng mahigit 100 Kapamilya stars sa Kumu.
Nitong Marso 19, Biyernes ng 5:00-9:00 p.m., ginanap ang Big 4 Hours with Kumu All Stars digital event sa Kumu at Facebook account ng Star Magic.
Tampok sa digital show ang Big 4 at iba pang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Connect, ang mga P-Pop group na BGYO, BINI, at MNL48, at marami pang mga bituin mula sa Star Magic, Star Hunt, Polaris (It’s Showtime talents), Star Music, at RISE Artists Studio.
Si Elyson de Dios na First Prince sa sixth season ng StarStruck (2015) ay isa sa Starmates ng Star Hunt.
Kabilang sa Polaris singers ang dating members ng BoybandPH na sina Niel Murillo at Tristan Ramirez, maging ang TNT singers.
Ang love ni Janella na si Markus Paterson ay kabilang naman sa Rise Artists Studio.
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.