Kapuso programs, "sakalam" sa ratings; Paano Ang Pangako?, anim na oras ang finale

by PEP Troika
Mar 22, 2021
(Clockwise) GMA-7's First Yaya; ABS-CBN's Ang Sa Iyo Ay Akin; TV5's Paano Ang Pangako?; and GMA-7's Love of My Life.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7 / ABS-CBN / TV5

GORGY RULA

Mataas ang rating ng finale ng Love of My Life noong Biyernes, Marso 19 sa GMA-7. Ayon sa AGB Neilsen, naka-19.7% ito.

Ang katapat nito sa Kapamilya Channel na Walang Hanggang Paalam ay 3.2%.

Ang First Yaya (GMA-7) ay naka-22.1% noong Biyernes, samantalang ang FPJ’s Ang Probinsyano (Kapamilya Channel) ay naka-9.1%, at ang finale ng Ang Sa Iyo Ay Akin (Kapamilya Channel) ay naka-5.5%.

Mataas ang viewership noong Sabado at Linggo, Marso 20 at 21.

Obvious na nasa kani-kanilang tahanan ang mga tao dahil natatakot na silang lumabas gawa ng pagsirit pataas ng mga nahawa ng COVID-19.

Bongga ang rating ng mga Kapuso primetime shows noong Sabado, Marso 20.

Replay lang ang Magpakailanman pero nakakuha ito ng 17.6%.

Noong Nobyembre 21, 2015 unang ipinalabas ng Magpakailanman ang episode na “Isang Mister, Lima Ang Misis” na pinangunahan nina Jay Manalo, Rochelle Pangilinan, Ina Feleo, Winwyn Marquez, at Ana Capri.

Continue reading below ↓

Ang katapat ng Magpakailanman sa Kapamilya Channel na Your Face Sounds Familiar ay 3.3%, at naka-3.2% naman ang Maalaala Mo Kaya.

Consistent na ring mataas ang Daddy’s Gurl na naka-10.1%, samantalang ang Aja! Aja! Tayo Sa Jeju sa A2Z ay 1.2%.

Noong Linggo ay lalong namayagpag ang mga programa ng Kapuso network.

Napapanood na rin sa GTV ang All-Out Sundays, kaya ang combined rating nito sa GMA-7 ay 6.3%. Ang ASAP Natin ‘To ay 3.4%.

Maganda rin ang na-feature sa The Atom Araullo Specials, kaya naka-4.7% naman ito.

Sinundan iyon ng replay episode ng Dear Uge na naka-4.5%, at ang katapat na FPJ: Da King sa A2Z ay 4.5% din.

Isang buwan ding replay ang mapapanood sa Dear Uge dahil tumigil muna sila sa pagti-taping.

Ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes ay 8.7%. Samantala, ang Iba Yan ni Angel Locsin ay 1.1%.

Consistent ding mataas ang Daig Kayo Ng Lola ko na pawang replay lahat. Nagtala ito ng 16.5%.

Continue reading below ↓

Sinundan ito ng Centerstage na 17.9%. Ang katapat nitong Your Face Sounds Familiar ay 3%.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho naman ay 21.4%, at ang Almost Paradise na nagsimula na sa A2Z ay 2.1%.

Bagong episode ang napanood sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) kung saan special guest nila si Rhian Ramos. Naka-6.2% ito.

Maraming nakabangkong episode ang TBATS kaya hindi pa sila makakapag-replay kahit pansamantalang natigil ang kanilang taping.

Ngayong Marso 22, Lunes ng gabi, ay mapapanood sa GMA Telebabad ang unang installment ng I Can See You (Season 2) na pinamagatang "On My Way To You."

Ito ang papalit sa timeslot na iniwan ng Love of My Life.

Masusubukan dito ang tambalang Ruru Madrid at Shaira Diaz na magbibida sa Lolong, at nag-guest kamakailan sa The Lost Recipe ng GTV.

NOEL FERRER

Noong weekend din biglang nag-special appearance si Presidential Spokesperson Harry Roque sa news detailing the new approved IATF Recommendations, at hindi na hinintay pa ang Monday meeting with the President.

Continue reading below ↓

I wonder, interesado pa ba ang mga taong panoorin ang mga ganitong government announcements? Ano kaya ang ratings nito?

Ngayong 8,019 na ang new record high ng mga bagong COVID cases, pinakikinggan o pinapanood pa ba ang mga ganitong mga anunsiyo, o tinatakasan o pinapatayan na ito ng kuryente at oras?

JERRY OLEA

Basta TV ratings, GMA-7 lang sakalam!

Sa YouTube, mas maraming views ang finale ng Ang Sa Iyo Ay Akin kesa sa Love Of My Life.

Pero ang ratings pa rin ang pinagbabasehan ng advertisers. Kaya nga siksik, liglig, hitik na hitik, nag-uumapaw sa mga patalastas ang mga programa ng Kapuso Network, kahit replay pa ang mga ito.

Bilang kapalit ng Ang Sa Iyo Ay Akin, mag-uumpisa mamayang 8:40 p.m. ang inspirational teleserye na Huwag Kang Mangamba sa TV5 at sa iba pang platforms ng ABS-CBN.

Magtatapos ang TV5 drama series na Paano Ang Pangako? sa Abril 3, Sabado de Gloria, ng 2:00-8:00 p.m. Anim na oras ang finale episode.

Continue reading below ↓

Ipapalabas na kasi ng TV5 umpisa Abril 5, Lunes, ang inspirational teleserye na Niña Niño nina Maja Salvador at Noel Comia. Malakas ang dating ng trailer nito, at kaabang-abang ang tandem ni Maja with Empoy.

Nalalapit na rin ang pagwawakas ng Walang Hanggang Paalam sa Abril.

Lalagablab ang kapalit nito... Init Sa Magdamag nina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM de Guzman.

Trailer pa lang, nakakadarang na! Swak na swak tuloy sa isang meme ng online kabitserye na Change Oil Sa Magdamag.

Dalawang linggo na lamang ang Bawal na Game Show nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros, ayon sa post ng TV5 nitong Lunes ng hapon.

Same-same ba sa Fill In The Bank nina Pokwang at Jose Manalo?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) GMA-7's First Yaya; ABS-CBN's Ang Sa Iyo Ay Akin; TV5's Paano Ang Pangako?; and GMA-7's Love of My Life.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7 / ABS-CBN / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results