Sharon Cuneta: "HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support..."

by PEP Troika
Mar 24, 2021
Lubhang nag-aalala si Sharon Cuneta sa nalamang update tungkol sa health condition ng matalik na kaibigang si Fanny Serrano. Aniya, "Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal?"

NOEL FERRER

Ramdam na ramdam ang bigat sa puso ng ating Megastar Sharon Cuneta sa kinasapitan ng kanyang kaibigan at long-time make-up artist na si Fanny Serrano.

Noong Marso 16, unang inihayag ni Sharon ang tungkol sa dinaanang "massive stroke" ni Fanny.

Ngayong Marso 24, Miyerkules ng dapithapon, nag-aalalang ibinalita ni Sharon na malubha pa rin ang kondisyon ng kaibigan

Ang kabuuang Instagram post ng Megastar:

"HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support... meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own...

"I do not know what to do with myself... TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end. But THIS IS NOT the end I want for you...

"I know it’s all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation. I truly have no words to say... there are just no words to say... there are just no words for how painful this is for me and the others who love you...

Continue reading below ↓

"Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal?

"Para na kitang Nanay... I love you so much...

"Bakit naman right after Rocky’s passing ikaw naman ang nasa peligro ngayon?"

IG Post: Sharon Cuneta for close friend Fanny Serrano

Ang Rocky na tinutukoy ni Sharon ay ang designer na si Rocky Gathercole, na proud sa pagiging Sharonian.

Hinaing pa Sharon, "Bakit ba yung mga pinakamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang?

"PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY. Huwag muna po sana, Lord..."

Nakakalungkot talaga at nagsunud-sunod talaga ang nangawalang mahal sa buhay ni Sharon.

GORGY RULA

Ayon sa ilang close din kay Tita Fanny na napagtanungan ko, nilagyan si TF ng tube dahil may tubig sa lungs at kailangang tanggalin.

Di naman daw masasabing life support yun.

Pero kailangan daw talagang ma-monitor nang mabuti dahil third attack na niya pala ito.

Ang grupo ng Legends na sina Lorna Tolentino, Amy Austria, Gina Alajar, Sandy Andolong, at marami pa, ay meron daw hourly prayer para kay Tita Fanny at sa iba pang may sakit at ilang pumanaw na.

Patuloy lang ang pagdarasal nilang malagpasan ito ng kanilang kaibigan.

JERRY OLEA

Matibay ang pananalig ni Fanny sa Panginoon.

Continue reading below ↓

Sa tuwi-tuwina ay may Facebook post siyang nagbibigay inspirasyon sa mga kaibigan, lalo na sa mga dumaraan sa pagsubok.

Kaisa tayo ng mga dumadalangin na maka-recover si TF sa lalong madaling panahon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lubhang nag-aalala si Sharon Cuneta sa nalamang update tungkol sa health condition ng matalik na kaibigang si Fanny Serrano. Aniya, "Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results