Sharon Cuneta, umalma sa fake news na pumanaw na si Fanny Serrano; Bulacan councilor, nag-sorry sa kanyang wrong info

by PEP Troika
Mar 25, 2021
Sharon Cuneta on Facebook post claiming that Fanny Serrano has died: "This is circulating now. It is fake news. May malay si TF today so I called him and the nice nurse put me on speaker kaya nakausap ko siya kahit di siya makasagot."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram

NOEL FERRER

Fake news po ang kumakalat na balita tungkol sa pagyao ni Tita Fanny Serrano, o mas kilala sa showbiz circles bilang TF.

Ngayong Huwebes, March 25, umalma si Megastar Sharon Cuneta, na malapit talaga kay TF.

Idiniin ni Sharon na walang katotohanan ang bali-balitang yumao na ang batikang make-up artist.

Ibinahagi rin ni Sharon ang screenshot ng fake news na kumakalat sa Facebook.

Pahayag ni Sharon sa pamamagitan ng kanyang Instagram post:

"This is circulating now. It is fake news.

"May malay si TF today so I called him and the nice nurse put me on speaker kaya nakausap ko siya kahit di siya makasagot.

"Please help us spread the word the he is still with us. Buhay pa siya.

"And to those who have nothing better to do, this is not the time to be assholes okay?

"Sorry, pero ang sasama nyo!"

Again ang leksyon: think before you click!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ang nag-post sa Facebook na pumanaw na si Fanny ay si Esmael Bernardino Lopena, na konsehal sa Calumpit, Bulacan.

Bilang Tony Lapeña, lumabas si Esmael sa indie movies na Ang Laro sa Buhay ni Juan (2009), Ben & Sam (2010), Sponsor (2011), Private Nights (2011), Taksikab (2011), at Ang Misis ni Meyor (2013).

Inamin ni Esmael na mali ang impormasyong nakalap niya tungkol sa health condition ni Fanny.

Dalawang beses nag-comment at nag-sorry si Esmael sa IG post ni Mega.

Paliwanag ni Esmael, "Hi maam Sharon I am realy realy sorry for that miss information I am Esmael Lopena From Calumpit Bulacan And I am a so big fan of you and Tita Fanny Serrano...

"I was a big big mistake I... I deleted my post right away... mali po ang nagbalita rin sa akin sa group chat namin and binawi nya po ito agad I am so so sorry."

Continue reading below ↓

Sa isa pang komento ni Esmael sabi niya: "I am realy sorry Wala po akong masamang intensyon sa aking na post... that was a mistake

"At mali din po ang ipinarating sa balita sa akin Mahal na mahal ko po kayo at si tita Fanny...

"Kayat nakatutok din po ako sa mga updates ng aming friend na si Phio Enaje Na syang malapit na friend ni tita Fanny... at binawi rin nya po agad, im so sorry, i delited that post righr away naam..."

GORGY RULA

Kaagad ding nag-text si Lorna Tolentino na fake news nga ang kumakalat na balita.

Isa raw talaga sa nag-aasikaso at updated sa kalagayan ni Tita Fanny ay ang mag-asawang Amy Austria at Duke Ventura.

Sila namang mga "Legends" ay patuloy sa pagdarasal na malagpasan ito ni Tita Fanny.

Every hour ay merong nakatoka kung sino ang magdadasal o pwede ring mag-Bible study para sa agarang paggaling ni Tita Fanny, at ipinagdarasal na rin ang iba pang dumaan nagkasasakit ngayon, lalo na yung nagka-COVID.

Continue reading below ↓

Yun talaga ang pinakamabisa—ang patuloy na pagdarasal.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on Facebook post claiming that Fanny Serrano has died: "This is circulating now. It is fake news. May malay si TF today so I called him and the nice nurse put me on speaker kaya nakausap ko siya kahit di siya makasagot."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results