Leftover vaccine? Parañaque City officer may paliwanag sa COVID vaccination ni Mark Anthony Fernandez

by PEP Troika
Mar 25, 2021
Parañaque City PIO Chief Mar Jimenez on Mark Anthony Fernandez vaccination: "So religiously, naghintay naman yung tao. Pero tatlong beses po siyang dinenay. Nung bandang malapit nang mag-closing yung bakuna, may sumobra pong bakuna."

GORGY RULA

Ipinaliwanag ni Mar Jimenez, chief ng Public Information Office ng Parañaque City, kung bakit nabakunahan si Mark Anthony Fernandez ng AstraZeneca COVID vaccine noong Lunes, Marso 22, sa Brgy. Don Bosco.

Ito ay sa gitna ng mga batikos na nabigyan diumano si Mark ng VIP treatment nang maturukan ito ng COVID-19 vaccine sa vaccination center ng Parañaque.

Si Jimenez ang tagapagsalita ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Ayon kay Jimenez nang nakapanayam siya sa DZRH ngayong Huwebes, Marso 25, "Dumating po yung pagkakataon na dumating si Fernandez sa isang vaccination center namin, at siya po ay nag-inquire kung pwede siya mabakunahan.

"Siya po ang dinenay ng ating physician doon. Hindi naman po talaga categorically qualified.

"Hindi po siya kwalipikado dahil, unang-una, siya po ay nasa second layer pa… third layer pa nga kung tutuusin dahil si senior citizen ang unang-unang prayoridad.

"First priority natin po ang ating frontliners.

Continue reading below ↓

"Since paubos na rin naman na nabigyan ang ating mga frontliners, minarapat na rin nating mag-roll out doon sa ating mga senior citizen.

"So, nagru-roll out na po tayo, tuluy-tuloy."

Pero nagtiyaga raw naghintay ang aktor, kahit tatlong beses na siyang tinanggihang mabakunahan.

Paliwanag ni Jimenez: "Nag-i-insist si Ginoong Mark Fernandez na mabakunahan na. Willing daw siyang mag-antay kung saka-sakaling may sosobrang bakuna.

"So, religiously, naghintay naman yung tao. Pero tatlong beses po siyang dinenay. Nung bandang malapit nang mag-closing yung bakuna, may sumobra pong bakuna.

"So, eto po naman, hindi natin pwedeng ibalik dahil, unang-una, hindi na po pupuwede.

"Pangalawa, ang city of Parañaque, wala po tayong paglalagyan ng bakuna na AstraZeneca na categorically dapat zero negative 30 yung temperatura. Wala pong ganung pasilidad ang ating lungsod."

Marami pa raw kasing hindi pumasa sa screening sa mga dapat babakunahan. Kaya may natira, at isa nga sa umaasang maturukan ay si Mark na gustung-gusto raw na mabakunahan.

Continue reading below ↓

"So, meron po tayong tinatawag na alternative.

"Yung kwalipikado o hindi po sila sumang-ayon on that day, dahil sa kagaya na tumaas ang kanilang BP, dinenay po sila ng ating physician.

"Pangalawa, kung sila po ay nakapag-take ng maintenance na may Aspirin before taking the vaccine, o inaatake ng nerbiyos," patuloy na paliwanag ni Jimenez.

Kaysa masira raw ang bakuna, minabuti nilang iturok na ito kay Mark na nagtiyaga raw naghintay.

JERRY OLEA

Iimbestigahan pa rin daw ito ng Department of Health (DOH).

Maaring papadalhan daw ang LGU ng Parañaque ng show cause order.

Ire-refer daw nila si Mark Anthony sa Department of Interior and Local Government at Department of Justice.

Mahirap din daw kasing maaksyunan iyan dahil wala naman talaga tayong batas kaugnay riyan.

Pero patuloy pa rin silang binabatikos ng publiko, at kailangang ipaliwanag daw iyan nang mabuti ng LGU at ng DOH Regional.

Ang isa pang concern nila, itong AstraZeneca na ginamit ng Parañaque ay donasyon ng World Health Organization (WHO).

Continue reading below ↓

Ang bilin ng WHO ay i-prioritize ang healthcare workers.

Kapag hindi raw yun masusunod, baka mapurnada pa ang 45M doses na darating.

So far, wala pa raw komento ang WHO tungkol diyan. Hindi lang tiyak kung nakarating na ang isyung ito sa kanila.

NOEL FERRER

Masakit lang na sa ibang naglabasang balita, at mismong sa pananalita ni Presidente Rodrigo Duterte kagabi, March 24, pa-blind item at ang pagiging Aktor ni Mark Anthony ang nadiin.

Ang Aktor, o League of Filipino Actors, ay ang organisasyong binuo ng mga artista na pinamumunuan ni Dingdong Dantes.

Nakita rin tuloy natin ang lakas ng reaksiyon at ang pagtingin ng tao sa mga artista.

Pero managot ang kailangang managot sa sitwasyong ito.

At hindi lang si Mark kundi pati ang mga mayor at tao sa gobyerno na nauna sa pila.

Dapat, patas ang lahat.

Dahil hindi makakatulong ang ganitong kalakaran, lalo pa’t record high na naman ang naitalang bagong COVID-19 cases sa bansa na umabot ng 8,773.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parañaque City PIO Chief Mar Jimenez on Mark Anthony Fernandez vaccination: "So religiously, naghintay naman yung tao. Pero tatlong beses po siyang dinenay. Nung bandang malapit nang mag-closing yung bakuna, may sumobra pong bakuna."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results