Gay fans, nag-fiesta sa mga pasilip nina Gerald, Kit, Markki, Sean, Paolo, Marco

by PEP Troika
Mar 26, 2021
Festival of hunks: (from Left) Gerald Anderson, Kit Thompson, Markki Stroem, Sean de Guzman, Paolo Gumabao, and Marco Gomez.
PHOTO/S: Instagram / Twitter

JERRY OLEA

Nag-fiesta ang gay fans sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na nag-premiere sa KTX noong Enero 30, Sabado ng 9:00 p.m.

Nagtalop sa movie sina Sean de Guzman, Ricky Gumera, Miko Pasamonte, at ilang ekstra.

Agad iyong pinirata at kumalat ang mga eksenang hubaran at lampungan sa iba’t ibang platform sa social media.

Matapos ang naturang launching movie niya, may mga kasunod na projects si Sean sa iba’t ibang produksyon.

Continue reading below ↓

Sinu-shoot niya ngayon ang pelikulang Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa, kung saan may kissing scene sila ni Teejay Marquez.

Ang Anak ng Macho Dancer at Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat Lupa ay idinirek ni Joel Lamangan, na siya ring direktor ng forthcoming films na Lockdown at Silab.

Launching movie ni Paolo Gumabao ang Lockdown, na ang trailer ay in-upload noong Marso 16, Martes, sa YouTube channel ng cinematographer na si Gilbert Obispo.

Continue reading below ↓

Maliban kay Paolo, walang kyeme latik sa pagtatanggal ng saplot sa Lockdown sina Sean de Guzman, Dincent Lujero, Neil Suarez, Jeff Carpio, at Kristian Allene.

Sa Silab, yummylicious ang kadakilaan ng baguhang si Marco Gomez (na kasama ni Sean de Guzman sa all-male dance group na Clique 5).

Marco Gomez in Silab

Continue reading below ↓

Marco Gomez

Co-stars ni Marco sa Silab sina Jason Abalos, Cloe Barreto, Chanda Romero, at Lotlot de Leon.

Wala pang pahayag kung kailan at saan mapapanood ang Lockdown at Silab.

Sa pagsapit ng kanyang kaarawan noong Marso 21, Linggo, nag-post si Markki ng litrato na naka-birthday suit sa Instagram at Facebook.

Continue reading below ↓

“Adam in Paradise” ang tema ng photo shoot, at kapagkuwan ay may posts si Markki ng iba pang au naturel poses niya.

“This birthday shoot was primarily meant to share an intimate side of me with all my amazing followers. It was also meant to inspire... Even at 34 years old, you can still maintain a healthy lifestyle,” lahad ni Markki sa FB nitong Marso 25, Huwebes.

Si Kit Thompson, pwetmalu sa Instagram post noong Marso 23, Martes ng hapon. Kuha ang pa-wetpaks ni Kit sa dalampasigan ng Siargao.

Continue reading below ↓

Ang bumulabog nang lubos sa netizens ay ang pa-white brief ni Gerald Anderson sa isang eksena nila ni Yam Concepcion sa Kapamilya teleseryeng Init Sa Magdamag.

Gerald Anderson brief scene in Init sa Magdamag

In-upload iyon noong Marso 24, Miyerkules sa Facebook page ng ABS-CBN. As of this writing, mahigit 3M views na ang nasabing video clip.

Continue reading below ↓

Noong Oktubre 18, 2020 pa natin naibalita rito sa PEP Troika ang pa-white brief ni Gerald sa Init sa Magdamag, kung saan may pa-panty naman si Yam.

NOEL FERRER

Excited ako sa Lockdown.

Mukhang binusisi ito ng scriptwriter na si Troy Espiritu, na nagsulat ng mga pelikulang Ma’ Rosa (2016) at Alpha: The Right To Kill (2018). Mas sensitive ang materyal nito.

Doon naman sa revealing acts nina Markki, Kit, Gerald, at iba pang nagkaka-namesung, naiintindihan kong umaasa silang baka kapitan ito ng madlang people dahil sa lockdown at virus fatigue!

My God, sabi ng analysts, ispageting pataas nang pataas ang mga kaso ng COVID!!! God save us!!!

GORGY RULA

Maganda rin naman ang promo na yun ng Init sa Magdamag.

Mainit ang eksena, kahit halata namang may suot pang brief si Gerald sa loob ng boxer brief. Ang sexy pa rin at lalong lumakas ang sex appeal ng 32-anyos na Kapamilya actor.

Continue reading below ↓

Ang ganda rin ni Yam Concepcion sa teleseryeng yun.

Bongga rin ang pasabog na sexy pictorials ni Markki Stroem, at bagay sa kanya ang bagong hairtstyle.

Kaya lang, sa mga kuhang yun ni Markki, naalala ko ang sexy pictorials ng dating hubaderong si Juan Carlos Castro. Parang magkamukha sila, pati ang hulma ng katawan.

Maski itanong po ninyo kay Melissa Mendez.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Festival of hunks: (from Left) Gerald Anderson, Kit Thompson, Markki Stroem, Sean de Guzman, Paolo Gumabao, and Marco Gomez.
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results