Watch Now

Pepito Manaloto, Daddy's Gurl bahagyang bumaba ang ratings; Catch Me Out Philippines, patok sa viewers

by PEP Troika
Mar 29, 2021
Bagamat bahagyang nabawasan ang ratings ng Pepito Manaloto at Daddy's Gurl, malaki pa rin ang lamang ng mga nito sa shows ng karibal na networks. Kapuso reality franchise show na Catch Me Out Philippines, nakakuha ng 15 percent sa TV ratings.
PHOTO/S: Pepito Manaloto / Daddy's Gurl / Catch Me Out Philippines

GORGY RULA

Kapansin-pansin ang pagbaba ng rating ng Pepito Manaloto: Kuwento! Kuwento! kahit mataas pa rin ito kung tutuusin.

Nakasanayan na kasi nating mataas talaga ang rating ng naturang Kapuso sitcom.

Ayon sa AGB Nielsen, noong Marso 27, Sabado, ay naka-13.4% ito, mula sa 13.8% rating noong Marso 20. Ang katapat ng Pepito sa A2Z na Paano Kita Mapapasalamatan ay 1.5% lamang.

Kunsabagay, mababa talaga ang viewership kapag papasok na sa Semana Santa. Mas may ibang pinagkakaabalahan yata ang mga tao kesa sa manood ng TV.

Pero okay ang rating ng Catch Me Out Philippines ng GMA-7 sa 15.5%. Pati yata ang mga manonood sa kani-kanyang tahanan ay nakikihula kung sino ang amateur na nag-perform.

Ang Magpakailanman, kung saan na-feature ang kuwento ni Betong Sumaya, ay 17%. Mas mataas nang konti ang replay episode ng Magpakailanman noong Marso 20.

Ang katapat na Your Face Sounds Familiar sa A2Z ay 3.3%, at ang Maaalala Mo Kaya ay 3.1%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-9.4% ang Daddy’s Gurl na medyo bumaba rin. Ewan kung effect ito ng sinasabi ng ilang AlDub fans na ibu-boycott nila ito.

Medyo bumaba kasi ito kumpara sa nakaraang episode na 10.4%. Ang katapat nito sa A2Z na Aja! Aja! Tayo Sa Jeju ay 1.2%.

NOEL FERRER

I would really venture on a guess—medyo TV break din muna ako this Holy Week na igugugol ko sa pagbabasa, pagsusulat, at pangungumusta ng mga pamilya at kaibigan, one year after the ECQ Season 1.

Ewan ko pero parang TV has a way of triggering stress, dahil alam natin na sa realidad, puno ng walang kasiguraduhan at stress dahil sa COVID situation.

May mga kakilala akong magso-social media break ngayong Holy Week.

To each his own coping system. Kailangan natin talaga ng mabisang pampakalma—na hindi kayang maibigay ninuman—kundi tayo lang talaga.

A blessed Holy Week to everyone!

JERRY OLEA

Shout-out ng kaibigang Ruval Magpayo via Messenger, “ECQ means Encounter Christ Quietly this Holy Week.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong wala pang COVID-19 pandemic, “patay” na playdate para sa mga pelikula iyong ipapalabas bago mag-Semana Santa.

Either aligaga ang moviegoers sa pagbabakasyon, o isinasapuso ang pag-aayuno at pagbubulay-bulay.

Kapag Holy Week ay may mga pagbabago sa TV programming, lalo na kung Maundy Thursday at Good Friday.

Bilang major player sa TV networks, wagi pa rin ang GMA-7 sa ratings at commercial load.

Habang ang piling ABS-CBN shows ay may blocktime agreement sa TV5 at A2Z.

Ang shows ng TV5, A2Z, at Net 25 ay hindi pa rin nakakahabol sa ratings.

Nagulat ako kung bakit pinasimulan na ang rerun ng Ang Dalawang Mrs. Real ngayong Lunes Santo bilang kapalit ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Bakit hindi hinintay ang Abril 5, Lunes, para umpisahan ang rerun nito?

Nalalapit na ang pagtatapos ng teledramang Magkaagaw sa Kapuso afternoon block. Ito ba ang papalitan ng K-drama na The Penthouse?

Umiikot ang seryeng The Penthouse sa kuwento ng iba’t ibang mayayamang pamilya. Sa kabila ng kanilang ganda at tagumpay, mangingibabaw pa rin ang matinding ambisyon at pagnanasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok sa K-drama na ito sina Lee Ji-ah, Kim So Yeon, Eugene, Um Ki-joon, Yoon Jong-hoon, at Park Eun-seok.

Ire-replay ang I Can See You: Love on the Balcony sa April Fools Day/Maundy Thursday, Abril 1 ng 7:15 p.m. sa GMA-7.

Iyon ang first installment ng first season ng I Can See You anthology. In-upload ang nasabing installment sa Netflix noong Pebrero 15, 2021.

Tampok doon sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, na nababalitang magtatambal sa bagong TV series ng GMA-7.

Ang second installment ng second season ng I Can See You ay #Future, kung saan bida sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix.

Mapapanood ito simula Abril 5, Lunes hanggang Abril 9, Biyernes, pagkatapos ng First Yaya sa GMA Telebabad.

Ongoing na ang auditions para sa bagong singing competition ng GMA Network na pupusuan ng bayan, ang Sing For Hearts.

Para ito sa aspiring singers na kayang magpakilig with their looks and voice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Open ang auditions para sa solo male and female singers, single, at may edad na 21-30 years old.

Ipadala ang audition videos (via direct message) sa Facebook page ng GMA Talent Search, kalakip ang mga detalye kabilang ang name, age, at contact details.

Maaaring ipadala ang audition videos hanggang Abril 8, Huwebes. Kaabang-abang ang mga bagong TV program sa Abril, sa GMA man o sa TV5.

Sabik na rin tayong matunghayan ang weekly series na Agimat ng Agila. In-announce ni Senator Bong Revilla na magpi-premiere na ito sa Mayo sa GMA-7.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat bahagyang nabawasan ang ratings ng Pepito Manaloto at Daddy's Gurl, malaki pa rin ang lamang ng mga nito sa shows ng karibal na networks. Kapuso reality franchise show na Catch Me Out Philippines, nakakuha ng 15 percent sa TV ratings.
PHOTO/S: Pepito Manaloto / Daddy's Gurl / Catch Me Out Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results