GMA Network, may offer na malaking talent fee para maging Kapuso si Bea Alonzo?

by PEP Troika
Mar 30, 2021
Bea Alonzo, lilipat nga ba sa Kapuso network? Ngayong 2021, ang ilan sa mga nakapilang proyekto ni Bea ay ang pelikula nila ni Alden Richards na A Moment To Remember, pelikula nila ni John Lloyd Cruz na No Goodbyes, at isa pang pelikula na ipoprodyus ng Reality Entertainment Inc.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram

GORGY RULA

Matagal na palang pinag-uusapan itong kuwentong posibleng paglipat ni Bea Alonzo sa GMA Network.

Bukod kay Maja Salvador, na hindi naman natuloy, si Bea ngayon ang natsitsismis na magkakapirmahan na raw sa GMA-7.

Ayon sa isang source ng PEP Troika, nagkaayos na raw at may binanggit pa kung gaano kalaki ang kontratang pipirmahan.

Pwede rin naman dahil A-lister si Bea sa ABS-CBN, kaya pwede siyang mag-demand ng malaking talent fee.

Pero wala pang nakuhang konkretong sagot ang PEP Troika kung matutuloy ang pirmahan o hindi.

Isang GMA executive ang tinext namin, at wala raw siyang alam sa ngayon tungkol diyan.

Meron ding sumagot sa PEP Troika na wala pa raw kasiguraduhan.

So, ibig sabihin, meron talagang pag-uusap.

Sa aking tingin, mga Ka-Troiks, sana matuloy ang pagiging Kapuso ni Bea dahil kailangan natin ng malalaking artistang magbibida sa mga susunod na drama series.

Lalo na't pinili muna ni Marian Rivera na magpahinga ngayong nasa pandemya tayo.

Continue reading below ↓

Tamang-tama rin na may pelikulang A Moment To Remember sina Bea at Alden Richards.

May balita ka pa bang iba, Sir Noel, bilang classmate naman kayo ni Bea?

NOEL FERRER

Ang balita ko ay sa pelikula muna nila ni Alden Richards sa GMA-Viva-APT Films magko-concentrate si Classmate Bea Alonzo.

Kung sundan man iyan ng TV project, baka later pa at baka mahabang paghahanda pa ang gagawin.

Dahil may naririnig din akong project na gagawin si Bea with TV5/Cignal.

Malaking boost ito sa Kapuso network kung makuha nila si Bea dahil kakaunti ang A- listers doon.

At may nababalitaan pa akong isang lilipat sa Kapamilya network soon.

Whatever Classmate Bea decides, she always has our support!

Sana, makausap at madalaw natin siya soon... lalo na sa kanyang napakaganda at napakalawak na farm!

JERRY OLEA

Tinagurian si Bea Alonzo bilang Movie Queen of Today’s Generation.

Ngayong may movie sila ni Alden, at naka-line up din ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz na No Goodbyes, wala tayong question sa taguring iyon kay Bea.

Continue reading below ↓

Ang ABS-CBN film company na Star Cinema ang magpoprodyus ng No Goodbyes.

Teka! Ano na ba ang nangyari sa negosasyon para sa TV project nina Bea at John Lloyd para sa TV5?

Sa pagitan ng Singko at Siyete, saan ba mas nararapat si Bea?

Sakaling maging Kapuso ang aktres, siyempre pam-primetime ang kanyang ganda, kinang, at talento.

Siyempre rin, hindi natin siya tatawaging Kapuso Primetime Queen.

Considering her talent fee, nararapat kay Bea ang taguring... Reyna ng Telebisyon!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo, lilipat nga ba sa Kapuso network? Ngayong 2021, ang ilan sa mga nakapilang proyekto ni Bea ay ang pelikula nila ni Alden Richards na A Moment To Remember, pelikula nila ni John Lloyd Cruz na No Goodbyes, at isa pang pelikula na ipoprodyus ng Reality Entertainment Inc.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results