Gigo de Guzman, ibinahagi ang mga huling sandali ng inang si Claire dela Fuente

by PEP Troika
Mar 30, 2021
Gigo de Guzman on late mom Claire dela Fuente: "I hope that she is at peace now na alam ko, ang dami niyang pinagdaanan. Ang dami naming pinagdaanan. Sana, nakapahinga na siya ngayon."

GORGY RULA

Nagpaabot ng pakikiramay si Sharon Dacera, ina ng namayapang si Christine Dacera, nang nalaman niyang pumanaw ang singer na si Claire dela Fuente.

Ayon sa DZRH reporter na si Noche Cacas, nagpadala ng mensahe si Mrs. Dacera nang ipinost niya sa Facebook account ng DZRH ang tungkol sa pagpanaw ni Claire.

Ang mensaheng ipinadala ni Mrs. Dacera: “The Lord God is the most high… He is our creator and savior… God is always in control brother… it’s so hard to lose a loved one… I feel what they feel po. My condolences to their family too.”

Nang nakapanayam ni Noche, kasama sina Regi Espiritu at Rey Sibayan, ang anak ni Claire na si Gigo de Guzman sa DZRH ngayong hapon, March 30, ipinarating nila ang pakikiramay ni Mrs. Dacera.

“Ang masasabi ko po, thank you po sa pakikiramay sa amin. Thank you rin po,” umiiyak na sagot ni Gigo.

Continue reading below ↓

Isinalaysay ni Gigo nang nalaman nilang positive sa COVID-19 ang kanyang ina.

Huwebes daw nila ito nalaman, at kinabukasan ay dinala na raw sa hospital si Claire kahit ayaw pa sana nito.

Payo kasi ng doktor na i-confine na si Claire dahil bumababa ang oxygen level nito. Pero ayaw pa sanang magpa-hospital ni Claire dahil natatakot ito.

Lahad ni Gigo, “Nung huling gabi po niya sa bahay bago siya pumunta sa hospital, she asked me to sit beside her.

"Kasi, positive naman daw ako, at natatakot siya, kasi nga positive din siya.

"Sinamahan ko siya sa last night niya dito sa bahay."

Kagabi, March 29, ay nagpa-order pa raw ng pagkain si Claire. Nagkamali pa raw ang singer ng address na naibigay sa delivery.

Medyo hirap na raw sa paghinga ang kanyang ina. Gusto pa raw sanang kausapin ni Gigo ang ina pero tumatanggi raw si Claire.

“Kakausapin ko pa po sana siya, pero ayaw niya. ‘Sandali lang, anak,’ sabi niya sa akin, ibinaba na po niya ang phone,” patuloy na kuwento ni Gigo.

Continue reading below ↓

Ayon kay Gigo, sobrang na-stress ang kanyang ina sa mga pinagdaanan nila, kaya bumigay na ito. Kaya gusto daw iparating ni Gigo sa ina na kakayanin niya itong pinagdaanan nila.

Pinalaki daw silang magkapatid ng kanilang ina na maging matapang at matatag, kahit ano pang pagsubok ang dumaan.

“Napakita niya sa akin na kahit ano ang pinagdaanan namin, mahal na mahal niya ako. Lagi siyang nandiyan.

“Huwag na siya mag-aalala. Kaya ko naman 'to, kaya namin ng kapatid ko 'to. Pinalaki kami na independent, malakas, at matapang.

“I hope that she is at peace now na alam ko, ang dami niyang pinagdaanan.

“Ang dami naming pinagdaanan. Sana, nakapahinga na siya ngayon,” umiiyak na pahayag ni Gigo.

JERRY OLEA

“Kailangan ko’y ikaw/ Walang iba kundi ikaw/ Ikaw ang buhay ko

“Kailangan ko’y ikaw/ Kapiling sa habang buhay/ Upang lagi kong mapaglingkuran Huwag sanang iwanan/ Ngayon at magpakailanman

“Kung ikaw ay mawawala/ Ay mabuti pa ang kamatayan...”

Continue reading below ↓

Refrain iyan ng kanta ni Claire na "Kailangan Ko’y Ikaw."

Ipinagluluksa ng mga taga-showbiz ang pagpanaw ng mang-aawit na tinaguriang "Karen Carpenter of the Philippines" at "Asia’s Sweetest Voice."

Facebook post ni Senator Bong Revilla nitong Marso 30, Martes ng hapon, “Rest well, my dear friend Claire.

“I am at a loss for words and so surprised that you have gone so quickly and too soon.

“Salamat sa ating naging pagtutulungan sa nakalipas na mga panahon. Napakalaking bagay ng tulong mo sa akin noon sa VRB para sa isang holistic na programa laban sa pamimirata.

“I've always known you to be a strong, impassioned and kind person and many will attest to that. Your socio-civic efforts are recognized by many whose lives you have touched. Ang kontribusyon ng nag-iisang Claire dela Fuente sa larangan ng sining ay hindi matatawaran.

“May God embrace you and welcome you in heaven.”

Facebook post ni Monica Herrera, “I'm so shocked to hear about the passing of one of the best singer in the industry, jukebox queen and such a beautiful person, inside and out and a dear friend, Claire Dela Fuente..magka chat lang tayo, I'm deeply saddenned by your passing.. Rest in heaven my friend..”

Continue reading below ↓

Ang katotong Pete Ampoloquio Jr., hiningan ko ng pagpupugay kay Claire via Messenger.

Ani Pete, “I don't know what to say. She has been a friend for the past 40 years and I can never forget her kindness and generosity.

“She is a most giving friend and was always around during times of emotional upheavals. She knows how to comfort you during the hard times and was always there to give comfort when you needed it the most.

“My birthday would never be the same without her. For the past 40 years, she would always give me a birthday blowout. Thank u Claire for all the love you've given me. I will miss you forever!”

NOEL FERRER

Kay Imelda Papin daw nabalitaan ni Eva Eugenio ang pagpanaw ng kanilang fellow Jukebox Queen na si Claire dela Fuente.

Kamakailan ay nakausap daw ni Eva si Claire. Kuwento raw nito sa kanya ay matagal na siyang may nararamdaman, at feeling daw ni Claire ay may sakit siya sa puso.

Continue reading below ↓

Kaya first attack pa lang daw ito ni Claire, at naging fatal na.

Youngest daw si Claire sa trio nila nina Eva at Imelda na tinagurian ni Rico J. Puno bilang "formalin beauties."

Nakilala si Claire bilang Karen Carpenter ng Pilipinas na ang hit song na "Sayang" ay ni-revive nina Vernie Varga, Bituin Escalante, Myrus, at maging ni Zsa Zsa Padilla.

Nakilala rin si Claire bilang lider ng mga may-ari ng bus na IMBOA. And recently, naging visible siya sa kaso na kinasangkutan ng kanyang anak na si Gigo.

Ngayong nasa mahigit pa rin sa 9k ang bagong COVID cases sa ating bansa, maganda ang obserbasyon ng kaibigan nating si Karen Davila.

Sabi ni Karen, “Claire’s death shows how full our hospitals are. Friend told me she was COVID positive. She was in a hospital tent since yesterday waiting to enter the ER. Then this morning, her oxygen levels dropped and she died of cardiac arrest.”

Continue reading below ↓

Ipinaaabot natin ang taos-pusong pakikiramay sa pamilyang naiwan ng OPM Icon na si Claire.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigo de Guzman on late mom Claire dela Fuente: "I hope that she is at peace now na alam ko, ang dami niyang pinagdaanan. Ang dami naming pinagdaanan. Sana, nakapahinga na siya ngayon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results