Imelda Papin, Eva Eugenio, shocked pa rin sa pagpanaw ni Claire dela Fuente

by PEP Troika
Mar 31, 2021
Hindi pa rin makapaniwala sina Imelda Papin (center) at Eva Eugenio (right) sa pagpanaw ng kanilang kaibigang si Claire dela Fuente (left). Pumanaw kahapon, March 30, si Claire dahil sa cardiac arrest.
PHOTO/S: YouTube (GMA News)

Gorgy Rula

Nakausap namin sa aming radio program sa DZRH noong Marso 30, Martes Santo ng gabi, sina Vice Governor Imelda Papin at Eva Eugenio.

Pareho silang malalapit na kaibigan ni Claire dela Fuente, na pumanaw noong umaga ng Martes dahil sa cardiac arrest.

Hanggang sa noong mga oras na iyun, hindi pa rin daw nagsi-sink in na wala na ang best friend nilang kapwa Jukebox Queen, na madalas nilang kasama sa concerts.

Kuwento ni Eva, nag-uusap sila sa telepono ni Pilita Corrales nang tumawag daw si Raul Laurente (dating manager ni Manilyn Reynes) at ibinalitang pumanaw na si Claire.

Ayaw raw niyang maniwala at baka fake news na naman ito.

Lahad ni Eva: "Sabi ko, 'Baka fake news lang iyan. Sandali, tawagan ko si Imelda.' Sabi sa akin ni Pilita, ‘Sige, tawagan mo rin ako uli.'"

Kay Imelda niya na-confirm ang balita.

Nangangatal pa raw siya sa sobrang shock at kahit noong nakakapanayam namin siya, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang kanilang kaibigan.

Continue reading below ↓

Naalala pa niyang nag-New Year siya sa bahay ni Claire dalawang taon na ang nakaraan, kasama ang kanyang anak.

At doon pa sila nagkita ni Pilita, at ang saya raw nila.

Nagkaka-text at nagkakatawagan daw sila minsan, pero hindi raw naidaing sa kanya ni Claire na meron itong nararamdaman o sakit sa puso.

Sa tingin ni Eva, nakadagdag ng stress kay Claire ang pinagdaanan ng anak nito na si Gigo de Guzman.

Si Gigo ay naging isa sa mga persons of interest sa kaso ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera.

“Siguro nararamdaman niya, pero hindi ko alam kung aware siya.

“Siguro nakadagdag itong problema niya ngayon sa anak niya.

Iyung stress, niya nagsama-sama,” dagdag ni Eva.

Nagkausap daw sila ni Gigo sa telepono at aayusin pa raw nila ang virtual wake na binabalak ng dalawang anak ni Claire.

"May virtual wake on April 4, ibibigay pa nila sa akin yung link, e.

Continue reading below ↓

"Devastated iyung mga bata… Sabi ko sa kanila, pagbutihin na nila. Kasi, silang dalawa na lang, e.

"Nagkausap kami ni Imelda, sabi namin tutulong kami sa virtual wake niya.

“Kaya kung sino man sa mga kaibigan naming gustong um-attend, sasabihan ko lang iyung link.

“Kasi, ibibigay raw sa akin ni Gigo, para doon sa gustong dumalo sa wake,” sabi pa ni Eva.

Yun din ang dagdag na kuwento ni Imelda, na pinapakalma na lang daw niya ang dalawang anak ni Claire, dahil sobrang apektado sila sa nangyari.

Sa pagkakaalam ni Imelda, ngayong Miyerkules Santo ang cremation at aayusin na raw nila ang virtual wake.

Nalulungkot lang daw siya para kay Claire hindi na nakakuha ng kuwarto bago pumanaw.

“Nasa tent lang daw siya ng hospital,” malungkot na pakli ni Imelda.

“Hindi ko alam kung anong feeling niya by that time.

“Pero wala naman siyang tawag. Wala naman siyang tawag sa mga friends ko.

Continue reading below ↓

“Tinatawagan siya dati ng isang ka-close namin, lagi niyang pinapatay iyung phone. Kasi, siguro, hirap na siyang huminga.

“Pero nagkausap pa raw sila ng isang friend namin nung isang gabi, okay naman daw siya.

“Pero dapat kasi, ipinasok na siya sa ICU. Kaya lang, walang available, e,” dagdag ng Vice Governor ng CamSur.

May mga pinag-uusapan pa raw silang concert pagkatapos nitong pandemic.

Kaya talagang mami-miss niya si Claire na malapit sa kanya, at ninang pa ito ng kanyang anak na si Maffi.

JERRY OLEA:

Nagsama-sama sina Rico J. Puno, Rey Valera, Imelda Papin at Claire de la Fuente sa Timeless OPM concert noong Pebrero 14, 2018 sa Resorts World Manila.

Ligwak sa concert na iyon si Eva para ibang kumbinasyon daw.

Nai-report natin dito sa PEP Troika kung gaano kasaya ang biruan nila sa presscon noong Enero 18, 2018 sa Icon Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Hirit ni Rico J., “Isa si Claire sa may pinakamagandang mukha—noong panahon natin.”

Continue reading below ↓

“Tapos?” sey ni Claire.

Pagpapatuloy ni Rico J., “Pagka-zinoom out, yung braso mo, sinlaki ng mukha mo.

“’Tapos, hindi na malaman kung alin doon ang mukha mo at alin ang puwet.”

Napahagalpak si Imelda habang tumatalak si Claire, “Walang hiya ka talaga! Buwiset!”

Bantog sa pagiging mapagbiro si Rico J., at ang taguri niya kina Claire, Eva at Imelda ay Formalin Beauties.

Matapos ang open forum sa presscon, nakiusap si Imelda na huwag silang tawaging Formalin Beauties.

Sabi ni La Papin (palayaw kay Imelda) na presidente ng Actors Guild, “Okay lang paglaruan ang edad natin, pero huwag naman formalin.”

Makalipas ang ilang buwan ay pumanaw si Rico J. noong Oktubre 28, 2018.

Kabilang siyempre sina Claire, Imelda, at Eva sa nagpugay sa necrological service noong Nobyembre 7, Miyerkules ng gabi, sa Santuario de San Antonio (Forbes Park, Makati City).

Naiulat natin dito sa PEP Troika na hindi maatim ni Imelda na kabilang siya sa Formalin Beauties.

Continue reading below ↓

“Noong nabubuhay pa po si Kuya Rico, walang ginawa iyan kundi tirahin kami,” pasakalye ni Claire.

“Ikaw lang!” pagkontra ni Eva.

Talak ni Claire kay Eva, “Ikaw ang number one sa Formalin issue niya!”

Pagprotesta ni Eva, “Uy, hindi, ahh?! Sabi niya... The Three Formalin Beauties!”

In denial si Imelda, “Hindi ako kasama diyan. Ako lang ang nirerespeto niya!”

Tila napaismid si Claire, “Akala mo lang ‘yan!”

Sa DZRH nitong Martes ng gabi, ang lahad ni Eva, “Kung magbiro talaga si Rico kasi, ‘tapos, sabi ni Claire sa kanya, ‘Mamamatay ka rin!’

“Ako, hindi ko naman pinapansin. Sa akin naman, just for fun. Tuwang-tuwa ang mga tao pag sinasabi niya kami na mga Formalin Beauties.

“ Sabi niya [Claire] kay Rico, ‘Mamamatay ka rin!’ Nauna nga si Rico, tapos siya.

“Nagkita na sila dun, nagku-concert na sila sa heaven.”

Ano ang napagtanto ni Eva sa nangyari kay Claire?

“Lahat naman tayo, during the pandemic, ang dami nating na-realize, di ba? Ang buhay natin, hiram lang sa Panginoon.

Continue reading below ↓

“Anytime na gusto niyang kuhanin, nawawala,” saad ni Eva.

“Ang realization ko dito, iisa lang talaga ang gamot sa COVID—ang prayers. Talagang prayers, prayers.”

Pagbubunyag ni Imelda, pinag-usapan na nila na mag-concert sila uli na magkasama kahit siya na raw ang mag-produce.

Pahayag ni Imelda sa DZRH, “Nagkausap kami ni Eva. Hindi natin expected ‘to, e. May plano pa naman kaming tatlo.

“Sabi ko sa kanila, nag-usap kaming tatlo, ‘Pagkatapos nitong pandemic, mag-concert tayo. Ako na mag-produce.’

“Parang iba kung kaming dalawa lang, e. Although, nakakapag-show siya ng solo, ako rin, nakapag-show ng solo.”

Ano ang message niya kay Claire?

Sagot ni Imelda, “Nagdasal na ako. Sabi ko, ‘Mare, alam ko, nandiyan ka lang.

"I want you to remember always ‘yung lagi kong sinasabi sa ‘yo every time we put down the phone, we always say I love you to each other.’

“I will forever love you, especially yung inaanak niya, si Mafi. Yung dalawang anak niya, I will always love them. Mami-miss ko talaga siya.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Hanggang kaninang kagigising lang niya, ni-recount pa rin ni Gigo (anak ni Claire) ang sinapit ng kanyang ina sa pakikipagbuno sa COVID-19 kay Karen Davila sa Headstart (8:00 am) sa ANC.

Medyo bantulot pa raw talaga si Claire na magpadala sa ospital at nagpasama pa sa kuwarto niya kay Gigo dahil na-stress daw talaga siya nang mag-positive.

Mga kaibigan daw ng mommy niya ang umaasikaso sa labi ni Claire, at tanggap na raw ni Gigo na hindi na niya makikita ang katawan ng mommy niya tulad ng dati dahil sa COVID-19 protocols.

Nang maka-IG Live ni Gigo ang kasamahang nasangkot sa Christine Dacera case na si Rome, pinipilit nilang magpakatatag pero nauwi rin sa pag-iyak sa lungkot na lumisan na si Claire na napakabait, cool, at motherly sa kanila.

Ang laging bilin daw sa kanila ni Claire ay “Wag maglandi!” sabay paalala nila sa isa’t isa na mag-iingat at magsusuporatahan sila at oo, alinsunod sa sinabi ni Claire, susubukan daw nila na “huwag maglandi.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa rin makapaniwala sina Imelda Papin (center) at Eva Eugenio (right) sa pagpanaw ng kanilang kaibigang si Claire dela Fuente (left). Pumanaw kahapon, March 30, si Claire dahil sa cardiac arrest.
PHOTO/S: YouTube (GMA News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results