Bidang artista na pinagmulan umano ng COVID-19, deadma sa gitna ng kalbaryo ng ibang kasamahan?

by PEP Troika
Mar 31, 2021
Bidang artista, walang paramdam sa mga nahawaang kasamahan sa set? Ang hindi lubos maisip ng ibang nasa grupo nila, ni ha, ni ho, wala na silang nabalitaan sa artistang ito mula nang umuwi ito hanggang sa gumaling na.
PHOTO/S: Shutterstock by gnepphoto

NOEL FERRER:

Nasusubok ang karakter ng mga tao hindi kapag masaya at matagumpay ka, kundi lalo na kapag may kalamidad o sakuna.

Isa sa mga nasagap nating kuwento ay pagpapatunay na meron pa ring hindi pagkakapantay-pantay sa gitna ng pandemya.

Ramdam ito ng isang talent sa isang soap na nag-positive after ma-expose sa isang set na tinamaan ng COVID-19.

Nakakaawa ang sitwasyon niya, lalo na kung ikukumpara sa iba na alagang-alaga talaga.

May option sila na umuwi at mag-self quarantine pero pinili niyang hindi na muna umuwi dahil may senior citizen sa bahay nila.

Kaya sa isang lugar sa kalapit na probinsya siya dinala. Pero ibang-iba raw ito sa asikaso kapag lead star ang nagkasakit.

Iyan ang masaklap na kalakaran ng mundo. Hindi lahat ay pantay-pantay, pero isang realidad ito na kailangang tanggapin ng talent.

Conversely naman ay ang kuwento tungkol sa isang bida ng ibang teleserye.

Ang bida ang sinasabing pinagmulan ng COVID scare sa kanilang set.

Continue reading below ↓

Mabait ang bida pero nagkaroon ng pagpapabaya kaya nangyari ang ganitong sitwasyong nagkahawahan sila sa set ng kanyang serye.

Umuwi raw ito at hindi na nakasama ng mga nasa seryeng nag-positive din.

Ang hindi lubos maisip ng ibang nasa grupo nila, ni ha, ni ho, wala na silang nabalitaan sa artistang ito mula noon.

Ni bumati man lang daw sa thread nila at mangumusta, o kahit pabalat-bungang assurance, ay hindi nito nagawa.

Mabuti pa raw ang kapartner nito na palaging nangungumusta at nagpadala pa ng pagkain para lang makiisa sa pinagdadaanan ng mga kasamahan sa trabaho na na-infect at nagsakripisyo sa quarantine.

Maging ang mga personal na nag-reach out sa nasabing artista ay na-deadma raw nito.

Nag-alala pang lalo at nagtanong ang mga kasamahan sa quarantine/isolation site kung naging malubha ba ang aktor dahil wala silang nakuhang sagot man lang dito?

Pero mismong ang ka-partner ang nagsabing okay na ang nasabing artista at nag-meeting na raw sila kasama ng ilang boss.

Continue reading below ↓

Nakauwi na mula sa pagka-quarantine ang mga kasamahang nag-positive.

Okay na sila, thank God. Sana man lang ay matauhan ang artistang ito na kahit anupaman, sa gitna ng pagsubok at sakit, walang iwanan.

At doon ka inaasahang magparamdam. ‘Wag namang deadma lang!

JERRY OLEA:

Can’t be reached pa rin ba hanggang ngayon ang bidang nagka-COVID?

Kung gayon, can’t be blamed ang mga kasamahan niya sa production na naghihinampo sa kakulangan niya ng compassion.

Chances are, mistulang thorny bed of roses ang pinagdaanan ng bida.

Hayaan natin ang destiny na magpamulat sa bida ng kahalagahan ng empathy.

At any rate, nai-forward sa akin ng isang kaibigan ang mensaheng ito, “I think majority ng Filipinos ay takot pa ring magpa-vaccine kaya the government has to ramp up its vaccine promotion drive.

“I think they should simplify the messaging that the COVID vaccines are just like any other vaccines. They should craft a slogan and hire a reliable endorser.

Continue reading below ↓

“I propose na ang slogan na gamitin ay... VAC LANG ‘TO!” Sa palagay ninyo, sino ang best endorser para sa slogan na ‘yan?

GORGY RULA:

Sa panahon ngayon, siguro ay mas kailangang palawakin na lang muna ang ating pag-iisip at maging understanding sa ganitong pagkakataon.

Iyong nangyari kasi sa teleseryeng nagka-COVID ang talent, talagang nataranta raw sila at hindi nila akalaing may magkakasakit dahil patapos na sila.

Kaya nabigla sila lahat at hindi na maiwasang may mga nakakaligtaan.

Ito namang si bidang artista, narinig ko kasi na may mga na-infect pa sa pamilya niya kaya isipin ninyo kung anong stress ang inabot niya.

Palipasin na lang muna at isantabi ang tampuhan. Ang mahalaga, magaling na at malagpasan na itong sakit na ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bidang artista, walang paramdam sa mga nahawaang kasamahan sa set? Ang hindi lubos maisip ng ibang nasa grupo nila, ni ha, ni ho, wala na silang nabalitaan sa artistang ito mula nang umuwi ito hanggang sa gumaling na.
PHOTO/S: Shutterstock by gnepphoto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results