Actor-politician, isasapelikula ang buhay ng isang bayani; mga bagong pelikula, naghihintay pa ng playdate

by PEP Troika
Apr 1, 2021
Actor politician sa isang lungsod, may nilulutong hero biopic para sa 2022 elections? Ilan naman sa mga pelikulang inaabangang ipalabas ay ang In The Name of The Mother ni Snooky Serna at A Hard Day ni Dingdong Dantes.
PHOTO/S: PEP file / In The Name of The Mother / A Hard Day trailer

GORGY RULA

Kahit nag-stop taping muna ang GMA-7 at pati na rin ang ilang programa sa ibang networks, tuloy pa rin ang shooting ng ilang movie production.

Kahit wala pang katiyakan kung magbubukas ang mga sinehan at mahirap namang kumita sa digital platform, tuloy pa rin ang iba sa paggawa ng pelikula.

Di ba, Sir Jerry, nangalahati na ang Heaven’s Best Entertainment sa shooting ng comedy film na Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa?

Ito ang isa sa mga nasulat ni Direk Joel Lamangan nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Natuloy rin ito finally, at si Teejay Marquez ang mapalad na title role dito.

Teejay Marquez in Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa

Continue reading below ↓

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, nagsisimula na rin daw mag-shoot ng isang malaking pelikula na tumatalakay sa kuwento ng buhay ng isang bayani.

Ilang beses na ring naisapelikula ang buhay ng bayaning ito, pero malamang ay iba rin ang atake dahil magaling ang direktor.

Pero totoo bang ang magbibida rito ay isang kilalang actor-politician na kung saan makaka-partner niya ang isang kilala at magaling ding aktres?

Para saan kaya ang pelikulang ito?

Ang duda ng iba ay maaring gagamitin ito sa kanyang balak sa 2022 elections.

Tatakbo ba sa mas mataas na posisyon o itutuloy ng actor-politician ang isa pang termino sa lungsod na pinaglilingkuran niya ngayon?

May artista ka ba, Sir Noel, na kinuha ng produksyong ito?

Nagsisimula na raw silang mag-shoot pero hindi muna ipinapaalam sa lahat dahil involved dito si kilalang actor-politician, na malamang siya rin ang nag-finance.

NOEL FERRER

Tinawagan ako ng kaibigan nating producer at nagtatanong sa kaibigan kong aktor na sa tingin ko, bagay sanang gumanap na bayani.

Continue reading below ↓

Ni-refer ko si produ sa kuya ng aktor para maayos nila ang sched.

Babalik kasi ang aktor sa widely followed teleserye nito.

Little did I know na itong aktor-politiko na pala ang bida.

Oh well, ang naiisip tuloy ng mga tao, may plano palang magpaka-visible talaga itong actor-politician na ito.

Di ba’t meron nang isang pelikula na musical na ginagawa halaw sa tunay na buhay niya, tapos meron pa itong period movie na gagawin sa gitna na pandemya.

Parang mahirap with all the restrictions and protocols... pero tingnan natin kung kakayanin ng powers ni aktor-politiko!

JERRY OLEA

Marami nang pelikulang natapos, na naghihintay ng magandang playdate o platform para maipalabas.

Iyong Sana All ni Meg Imperial ay ipapalabas sana noong Marso 18, 2020 sa mga sinehan.

Kaso, a few days before ay idineklara ang community quarantine sa NCR.

Dalawang entries sa naunsyaming 1st Summer MMFF (Abril 11-18, 2020 sana) ang hindi pa naipapalabas—ang A Hard Day ni Dingdong Dantes, at Ngayon Kaya nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Continue reading below ↓

Dingdong Dantes in A Hard Day, Janine Gutierrez and Paulo Avelino in Ngayon Kaya

Makabuluhan ang launching movie ni Paolo Gumabao na Lockdown, sa direksyon ni Joel Lamangan. Tumitiyempo rin ito.

May dalawa pang pelikula na natapos si Direk Joel—ang In The Name Of The Mother ni Snooky Serna, at Silab nina Cloe Barreto, Marco Gomez, at Jason Abalos.

Continue reading below ↓

Snooky Serna in In The Name Of The Mother, Cloe Barreto and Marco Gomez in Silab

Si John Lloyd Cruz, merong Servando Magdangal sa direksyon ni Lav Diaz.

Iyong directorial debut ni Alessandra de Rossi kung saan bida siya at leading man si Piolo Pascual, nagpalit na ng title.

More and more and more ang natapos, sinimulan o ikinakasang local movies.

Continue reading below ↓

Iyong movie nina Janine Gutierrez at JC Santos na Dito at Doon, nagsimula ang streaming kahapon sa limang platform—KTX, Cinema ‘76 @ Home, iWant TFC, Upstream, at Ticket2Me.

Ang dami ring naka-line up na ii-stream sa Vivamax. Andiyan pa ang FDCP Channel.

Palabas pa sa iWant TFC ang MMFF 2020 entries na Fan Girl at The Boy Foretold By The Stars, ganoon din ang Love or Money, Hello Stranger, at Ayuda Babes.

Sa Abril 9 mag-uumpisa ang iWant TFC streaming ng General Admission nina Jasmine Curtis-Smith at JC de Vera.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor politician sa isang lungsod, may nilulutong hero biopic para sa 2022 elections? Ilan naman sa mga pelikulang inaabangang ipalabas ay ang In The Name of The Mother ni Snooky Serna at A Hard Day ni Dingdong Dantes.
PHOTO/S: PEP file / In The Name of The Mother / A Hard Day trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results