Glydel Mercado, nagdadalamhati sa pagpanaw ng fashion designer na si Arielle Agasang

by PEP Troika
Apr 2, 2021
Ang suot na gown ni Glydel Mercado ay gawa ng kaibigan niyang fashion designer na si Arielle Agasang. Ngayong Biyernes Santo, Abril 2, pumanaw si Arielle matapos dumanas ng cardiac arrest.
PHOTO/S: Glydel Mercado / Arielle Agasang Facebook

GORGY RULA:

Hindi pa rin makapaniwala si Glydel Mercado na pumanaw na ang fashion designer na si Arielle Agasang, ang isa sa mga pinakamalapit sa kanya nang pinasok niya ang pag-aartista.

Pumanaw si Arielle ngayong Biyernes Santo, Abril 2.

“Nanginginig pa ako ngayon… nagpunta pa siya dito sa birthday ko nung March 10,” text sa akin ni Glydel nang tinanong ko sa kanya kung alam na niya ang nangyari kay Arielle.

Arielle Agasang at Glydel's birthday celebration

Continue reading below ↓

Ayon kay Glydel, kaninang umaga ay tinawagan siya ng dati niyang manager na si Daddie Wowie para alamin kung totoo itong nangyari kay Arielle.

“Nagulat ako, kasi, wala akong alam sa ganyang balita. Ngayon ko lang na-confirm nang sinend sa akin ni Daddie iyung Manila Bulletin na news,” dagdag niyang text sa akin.

Nakipag-communicate si Glydel sa sister ni Arielle at doon niya nalamang kaninang 5:00 a.m. pumanaw si Arielle dahil sa cardiac arrest.

Nasa hospital pa raw ang katawan ni Arielle nang naka-message daw niya ang kapatid nito sa Messenger.

Wala pa raw sinasabi sa kanya kung ano ang plano. Kung iki-cremate ba at kung magkakaroon ng burol.

Kahit siya ay hindi pa raw niya matanggap na wala na ang isa sa mga taong malapit sa kanya.

“May sakit siya dati na Diabetes. Nagti-text pa siya sa akin na tulungan siyang mag-pray na malagpasan niya yun. Medyo naging okay na siya, pero may mga maintenance na siya.

Continue reading below ↓

“Kaso, di ko talaga akalain… kasi, lagi yun nagti-text sa akin pag masama ang pakiramdam niya at kailangan niya ng prayers.

“Pero ngayon, hindi siya nagsabi sa akin na may nararamdaman na siya o ano,” sabi pa ni Glydel.

Arielle Agasang

Continue reading below ↓

Si Arielle ang gumagawa ng gowns na isinusuot ni Glydel sa events na dinadaluhan niya.

Si Arielle ang gumawa ng wedding gown niya nang ikinasal sila ni Tonton Gutierrez noong March 15, 2004.

Naalala ko pa noon na kinuwento pa sa akin ni Arielle na kailangang i-alter pa raw niya ang wedding gown ni Glydel dahil nagdadalantao na pala ang aktres noong araw ng kasal nila ni Tonton.

Arielle Agasang at Glydel Mercado wedding

Continue reading below ↓

Kaya hinding-hindi raw talaga makakalimutan ni Glydel si Arielle na naging bahagi na ng kanyang buhay at malaki ang naitulong sa kanyang showbiz career.

“Since 18 o 19 years old pa ako, magkasama na kami. Nagmu-model pa ako sa mga damit niya nun,” text pa ni Glydel sa akin.

NOEL FERRER:

Noong nasa morning show pa ako sa Alas Singko Y Medya, kasama ni Mama Renee Salud, si Arielle ang nagdadamit ng anchors kapag June 12 at kailangan ng special outfits tulad ng awards nights at trade launches.

Di nga ba’t isang kaibigan natin ang nagsabing pinahiram siya ni Arielle ng isusuot sa PMPC Star Awards noon?

Maraming salamat, Arielle, sa kabutihan mo sa aming kasamahan sa trabaho. Nakikiramay kami sa iyong mga pamilya at mahal sa buhay na naiwan.

JERRY OLEA:

Good vibes sa Good Friday ang pahiwatig ni Alice Dixson sa Instagram na kapiling na nila ng kanyang husband ang “newest little family member.”

Continue reading below ↓

Lumbay naman ang hatid sa atin ng pagpanaw ng fashion designer na si Arielle Agasang, maging ng dating news editor ng Abante na si Joshue A. Mariñas na isa sa mga nasa likod ng isang sikat na pseudonymous columnist noong early 1990s.

Sadyang dalawa ang mukha ng showbiz.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang suot na gown ni Glydel Mercado ay gawa ng kaibigan niyang fashion designer na si Arielle Agasang. Ngayong Biyernes Santo, Abril 2, pumanaw si Arielle matapos dumanas ng cardiac arrest.
PHOTO/S: Glydel Mercado / Arielle Agasang Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results