Pagkakaroon ng baby matagal nang plano ni Alice Dixson

by PEP Troika
Apr 3, 2021
Noong April 2, 2021, ginulat ni Alice Dixson, 51, ang mga fans sa anunsiyo niyang isa na siyang mommy. Pero matagal nang plano ng aktres ang magkaroon ng baby.
PHOTO/S: @alicedixson on Instagram

GORGY RULA

Nakausap ko ang ilan sa mga taong malapit kay Alice Dixson, at sobrang happy raw sila na finally natupad na rin ang matagal nang pangarap ng aktres na magka-baby.

Ayon sa mga napagtanungan ng PEP Troika, matagal nang pinaplano ni Alice at ng partner niya ang magkaroon ng baby.

Matagal na kasing ipinagdarasal ni Alice na ma-experience ang maging isang ina sa sariling anak.

Nagpa-freeze na raw si Alice noon ng egg cells niya at pati na rin ang sperm cells ng kanyang partner.

Na-try na raw nila noon gumawa ng ibang paraan para magka-baby, pero hindi nakakabuo.

Ngayon lang daw nila inayos nang husto at nag-agree sila na maghanap ng surrogate mother na magdadala ng kanilang magiging anak.

Binanggit ni Alice itong matagal na nilang pinaplano ng kanyang partner sa interview sa kanya ni Karen Davila noong 2019 sa ANC.

Kaya lumipad na siya pa-Amerika noong February 2021 para asikasuhin ang panganganak ng surrogate mother. Sa kasalukuyan, nasa Canada ito.

Continue reading below ↓

Pero mas mabuting hintayin na lang daw ang pagdating ni Alice para ibahagi sa lahat kung ano ang prosesong pinagdaanan para sa pagkakaroon ng baby.

Ang dami na kasing nagdududa kung paano siya nagka-baby dahil hindi raw nila nakitang nabuntis ito.

Kaya mas mabuting hintayin na lang daw ang pagbabalik ng aktres dala na ang kanilang baby, at maaring doon na niya ipapakilala ang kanilang anak.

Ayaw sabihin sa amin ng aming source kung ano ang gender ng baby dahil mas mabuting manggagaling na raw ito kay Alice.

Baka may sariling plano raw ito para i-announce iyon at ibahagi lahat sa publiko. May sapat pang panahon si Alice na ayusin ito dahil baka sa susunod na buwan pa magri-resume ang taping ng Legal Wives.

Stop taping muna ang lahat na mga programa sa GMA-7, habang tumataas pa ang kaso ng COVID-19.

NOEL FERRER

At least, tuloy pa rin si Alice sa Legal Wives project, pagkatapos ng mabilisan niyang pangingibang-bansa para asikasuhin ang kanyang baby.

Continue reading below ↓

Siguro, ito na nga ang kanyang magiging suwerte o lucky charm sa kanyang buhay at magtuluy-tuloy na sa kanyang career at buhay. All the best, Alice!

JERRY OLEA

Bagong kabanata sa buhay ni Alice ang pagiging “legal mother.” I can feel it... she’s gonna be one hot momma!

Advanced Happy Easter, Alice!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong April 2, 2021, ginulat ni Alice Dixson, 51, ang mga fans sa anunsiyo niyang isa na siyang mommy. Pero matagal nang plano ng aktres ang magkaroon ng baby.
PHOTO/S: @alicedixson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results