Paulo Avelino, nagpasalamat sa kanyang Best Actor Award sa 4th Eddys

by PEP Troika
Apr 5, 2021
Paulo Avelino on bagging the best actor award for Fan Girl: "Thank you sa inyong lahat at ako ang napili n’yo for this year’s best actor. It’s your 4th Eddys Awards and it’s my first na makakuha ng kahit na ano award sa inyo."
PHOTO/S: Paulo Avelino Facebook

JERRY OLEA

Swerte ba ang prosthetic penis na ginamit ni Paulo Avelino sa pelikulang Fan Girl?

Tinanghal na best actor si Paulo sa 46th Metro Manila Film Festival last December para sa pagganap niya sa nasabing movie. Top grosser sa MMFF 2020 ang Fan Girl, at humakot iyon ng mga tropeyo.

Sa 4th Eddys na nag-streaming nitong April 4, Easter Sunday night, sa FDCP Channel at iba pang platforms, humakot muli ng awards ang Fan Girl. Sa labing-apat na kategorya, nakapitong tropeyo ang Fan Girl.

Narito ang awards ng Fan Girl: best film, best director (Antoinette Jadaone), best actress (Charlie Dizon), best actor (Paulo Avelino), best screenplay (Antoinette Jadaone), best sound (Vincent Villa), at best editing (Benjamin Tolentino).

Hindi um-attend si Paulo sa virtual edition ng 4th Eddys, kaya ang nag-acceptance speech para sa kanya ay si Direk Antoinette.

Pinost ni Paulo ang video ng kanyang pasasalamat sa kanyang Facebook page nitong Abril 5, Lunes.

Continue reading below ↓

Masayang pahayag ni Paulo, “Thank you! Thank you, thank you so much sa lahat ng bumubuo ng The Eddys, sa Society of Philippine Entertainment Editors or SPEEd.

“Thank you sa inyong lahat at ako ang napili n’yo for this year’s best actor. It’s your 4th, I think, 4th Eddys awards and it’s my first na makakuha ng kahit na ano award sa inyo.

“So, thank you so much and I hope everyone’s safe. I hope your family is safe, your loved ones are safe. Again, more power to everyone, and to our industry. Mabuhay po kayo. Salamat po!”

Ang mga nakalaban ni Paulo sa pagiging best actor ng 4th Eddys ay sina John Arcilla (Suarez: The Healing Priest), Elijah Canlas (He Who Is Without Sin), Adrian Lindayag (The Boy Foretold By The Stars), at JC Santos (Motel Acacia).

Palabas ang Fan Girl at The Boy Foretold by the Stars sa iWant TFC hanggang bukas, Abril 6, Martes, sa halagang PHP250 o US$4.99.

Continue reading below ↓

Kagaya ni Paulo, absent sa 4th Eddys si Shaina Magdayao na tinanghal na best supporting actress para sa Tagpuan. Panay-panay ang pasasalamat ni Shaina sa IG Stories kaugnay sa mga nag-congratulate sa kanya.

Katuwang ng SPEEd sa paghahatid ng 4th Eddys ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chair Liza Diño-Seguerra.

Ang husband ni Chair Liza na si Ice Seguerra ang nagdirek. Kahit si Robi Domingo na ang host ng 4th Eddys, kabilang pa rin siya sa bumpers na nagdagdag-kinang sa programa.

Ang iba pang mga bituin sa bumpers ng 4th Eddys ay sina Alfred Vargas, Andrea Brillantes, Andrea Torres, Barbie Forteza, Charlie Dizon, Christopher de Leon, at Francine Diaz.

Kasama rin sina Gabby Concepcion, Glaiza de Castro, Heaven Peralejo, Jane de Leon, John Arcilla, Lala Vinzon, Lani Mercado, Nikki Valdez, Nyoy Volante, Pia Wurtzbach, Rhian Ramos, Richard Yap, Sam Cruz, Sam Milby, Sanya Lopez, at Seth Fedelin.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Mapupuri mo ang nakakabuo ng ganitong awarding ceremony kahit virtual. Nairaraos man lang.

Ang laki ng naitulong ng FDCP para mabuo ng SPEEd ang ganitong awarding. Malaki rin ang naitulong ng mga major sponsors nilang Beautederm at Toktok na nagtitiwala sa naturang grupo.

Kahit sinasabi ng iba na parang Liza Diño show na ang Eddys kagabi, at least, tumutulong para mabigyan ng pagkakilala ang mga nangahas mag-produce ng pelikula.

Nakakalungkot lang dahil wala na talagang mapagpilian na mga pelikula kundi ang official entries din sa nakaraang MMFF.

Wagi ang mga produkto ng 46th MMFF—Fan Girl (7), Magikland (3), The Boy Foretold by the Stars (2), Coming Home (1), at Tagpuan (1).

Ang tanging non-MMFF entry na nagwagi sa 4th Eddys ay ang On Vodka, Beers and Regrets, na katabla ang The Boy Foretold by the Stars sa kategoryang best musical score.

Kung ganito pa rin ang kalagayan natin ngayong taon, may Eddys, pa kaya next year o kahit ang iba pang award-giving bodies?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Congratulations sa mga nagsipagwagi sa 4th Eddys (Entertainment Editors’ Choice).

Okay naman itong mga ganitong seremonya para pampasaya at pampasigla ng ating industriya.

Pero sana, makapag-isip na tayo bilang isang sektor ng pag-level up sa pagbibigay suporta at ayuda sa isa’t isa lalo pa’t patuloy ang tigil trabaho dahil sa ECQ, at hindi pa operational ang mga sinehan at iba pang entertainment functions dahil sa pandemya.

Kalunus-lunos talaga na itinuturing tayong non-essential industry. Isang taon na ang nakalipas. Ramdam na natin ang takot at paghihirap.

Sa susunod na taon kaya na election year, non-essential na rin kaya ang endorsement ng mga artista at taga industriya?

Humanda sila sa ating pagbabalik! Sana rin, ang mga taga-showbiz (lalo na iyung mga nawalan ng trabaho at naghikahos talaga) ay natuto na’t nagkaisa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino on bagging the best actor award for Fan Girl: "Thank you sa inyong lahat at ako ang napili n’yo for this year’s best actor. It’s your 4th Eddys Awards and it’s my first na makakuha ng kahit na ano award sa inyo."
PHOTO/S: Paulo Avelino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results